CHAPTER 2

4 0 0
                                    

Hilig naming magbarkada ang tumugtog at kumanta, bumuo pa nga kami ng banda pero banda lang na tumutugtog sa mga occassion ng mga pamilya namin. Ako at si Karla ang vocalist, marunong din kaming tumugtog ng gitara pero hindi singgaling kay Ian, pinaka-focus nyang tugtugin ay ang acoustic guitar, si Mark naman ay tumutogtog ng Electric Guitar, Drums naman kay Joshua at Keyboard kay Carlo.

"Oh! brad! punta ka naman dito sa bahay namin, alam kong kadadating mo lang galing America" ang lakas naman ng boses nitong c Ian, grabe! sino ba kasi yang kausap nya sa telepono?

"Kailangan namin ngayon ng lalaki na vocalist at naalala ko na may kaibigan pala ako na may magandang boses at ikaw yun!" sino kaya yang kaibigan na yan? para kasing atat talaga tong c Ian na makita at makasali tong kausap nya ngayon sa banda namin.

"Ok cge James! maghihintay kami sayo, kahit abutan pa kami ng umaga hihintayin ka pa rin namin." Ahh.. James pala ang pangalan nya... uhm.....ok!
At agad na rin akong umalis at pumunta sa Studio room ng bahay nila ni Ian.

🎶 Sa dinami dami ng nakilala
Walang kapares kung sayo'y ihahambing sila

Sa'yo lang natikman ang langit
Kung saan saan naghahanap, sa'yo lang natagpuan

Tamis ng unang tikim, hinahanap hanap, di na makikita
Ika'y walang kahambing, ang bangis at walang kasing tamis

Na unang tikim 🎶

Woah! Kamikazee yata trip ng mga lokong to ngayon ah!

🎶 Karanasan natin na kay lupit
Sa'yo kahit ano di ko pagpapalit

Sa'yo ko nalasap ang langit
Kung saan saan naghanap
Isang pag-ibig na wagas, sa'yo lang nadama 🎶

Enjoy na enjoy kaming lahat at ang gulo na ng buhok namin ni Karla, sa pag-wiwhip namin ng buhok na parang rocker.

🎶 Tamis ng unang tikim, hinahanap hanap, di na makikita
Ika'y walang kahambing, ang bangis at walang kasing tamis

Na unang tikim 🎶

"Hoy! hoy! mga bata! magsitigil nga muna kayo!" ayy nako naman... ito talagang si nanay oh!

Nagsitigil kami at napatingin na lang sa masarap na chocolate cake na dala ni Nanay.

"Ahh... Aleng Victoria! nagda-diet pa naman sana ako ngayon!" Hahaha... diet kono eh! takam na takam naman itong si Karla na nakatingin sa cake.

"Edi wag kang kumain! EZ!" sumbat ni Joshua

"Hindi ka rin naman tataba, payatot kana forever" kahit kailan talaga ang bitter nitong c Carlo.

"FYI! Walang forever kaya darating din ang panahon na magkaka-abs ako at tatawagin akong PINAKA-MACHONG BABAE SA BUONG MUNDO!" natawa na lang kaming lahat kay Karla, nagpakita rin kasi sya ng muscles.. haha..

"Hay! naku mga bata, tama na nga yang asaran!, nandyan na nga pala kaibigan nyo, James daw ang pangalan nya" at agad namang may pumasok na napakagwapong lalaki, matangos ang ilong nya, makinis sya, may pagka-chinito, ang ganda ng hugis ng mukha, mataas at bakat na bakat ang matipuno nyang katawan sa white plain t-shirt na suot nya.

"Oieee... Si Hexa!!! nakanga-nga!!" ayy... hala! patay! di ko yata namalayang nakanga-nga ako.. huhu.. nakakahiya... nakuuuuuu baka akalain nitong may crush agad ako sa kanya.

"Huh? anong nakanga-nga? kita mo namang tahimik lang akong kumakain dito!" agad ko na lang isinubo ang cake at nag-kukunwaring kumakain since si Carlo lang naman ang nakapuna kasi tulala rin ang iba.

"Oh! James, sh*t! I envy you na talaga brad! Matagal na tayong magkaibigan at masasabi ko talagang ang gwapo mo ngayon kumpara nong dati." Ngiti lang ang itinogon ni James kay Ian.

"Oh sya mga bata! Aalis na ko! patunogin nyo lang ang bell kung may kailangan kayo" lumakad na rin papalayo si Nanay.

Agad ring lumapit si Mark, Joshua at Carlo kay James, parang magkakilala na yata sila simula pa noon.

"Oie! mga tol! wala ba kayong planong ipakilala yang kaibigan nyo sa amin?" panira talaga to ng moment si Karla oh!

"Oh yeah! Ahh.. I'm James" at nakipagshakehands din kami sa kanya.

"I'm Karla and this is my bff, Hexa" nginitian ko lang si James at ngumiti rin sya pabalik... woah... parang pamilyar sya, nakita ko na ba sya dati? bakit parang magkakilala na kami dati pa? ehhh... gusto ko siyang yakapin.. mayy gash! iba ang nararamdaman ko ngayon... nanggigigil ako't parang miss na miss ko na sya at tsaka bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?

Pinakanta namin si James at WOW!! 😍 Ang ganda ng boses, nakakakilig at ang sarap pakinggan kaya ito tuloyng si Karla panay ang sapak sa akin...

"Hoy! babae! ang sakit na ah!" saway ko sa kanya pero hindi pa rin ako tinigilan kaya hinayaan ko na lang.

🎶 I'll give you my life
I'll give you my heart
Nothing will ever come between us, ever come between us
Tonight, I'll show you the way
Just (promise me that you'll) promise me that you'll stay
Promise me that you'll stay 🎶

Pagkatapos kumanta ni James nagpaalam sya na mag-CR daw kaso hindi nya alam kung saan kaya sinamahan ko na lang sya.

"Kailan kayo naging kaibigan nila ni Ian?" tanong ni James habang naglalakad kami

"Si Karla nakilala nila kasi classmate sila nung 4th year Highschool pa sila tapos ako, anak ako ng personal driver nina Ian, simula nong nagtrabaho na rin yung nanay ko dito, pinatira na kami nina tita at tito dito at saktong mag-cocollege na ako non kaya pinag-aral rin nila kami." nagulat siya sa sinabi ko pero agad din naman itong nagsalita.

"Ang bait talaga nilang pamilya" ahh... grabe! wag kang ngumiti James, nakakakiligggggggg

"Hexa? Hey! Are you okay?" pukaw nya sakin...

"ahh, yah! yah! I... I'm fine!" nautal tuloy ako... ehh... nakakabaliw naman tong James na to oh!

"HAHAHAHA" aba'y pinagtawanan ako! ehh.. awkward naman nito.

"Uhm...ikaw? kailan ka nila naging kaibigan?" tanong ko bigla nang nanahimik ito pagkatapos akong pagtawanan.

"We're classmates since pre-school until first year highschool. My parents want me to continue my studies in states kaya they sent me Imediately there at ngayon lang ako nakabalik dito ulit." kaya naman pala englisero to at may accent pa

"Ahh.. kaya pala ngayon lang kita nakita! Uhm.. nandito na nga pala tayo.. sige pumasok kana" itinuro ko ang pinto at agad naman syang pumasok.

Naghintay ako sa labas at nang matapos na sya nagmartsa na kami pabalik.

"Saan ka nga pala nag-aaral?"

"Sa JCT, pareho kami ng course ni Ian."
ngumiti lang sya at nang malapit na kami sa studio room bigla n lang niyang inilahad sa akin ang cellphine nya

"Pwede ko bang hingin number mo Hexa?"

"Sige, oh ito!" ibinigay ko ang number ko since magkaibigan na naman kami at mabuti din yun para mas makilala pa namin ang isat-isa, hindi rin naman sya naiiba, isa din sya sa barkada.

May pasok pa kami bukas kaya maaga silang nagsiuwian at ako naman dumiretso sa kwarto naming pamilya at hinanda ang mga gamit ko para bukas.
Habang abala ako sa pagpaplantsa ng uniporme ko biglang tumunog ang cellphone ko at expected ko nang si James yun. Tinapos ko muna ang ginagawa ko at tsaka binasa ang txt ni James.

✉ 6399******91
Hey! Hexa! this is James

Sabi ko na nga ba eh! Ano bang irereply ko dito?
..........
..........
..........
..........
..........
zzzzzzz... 😴😴💤💤

[A/N Salamat po sa pagbabasa ☺Sana nagustuhan niyo po 😘]

A Stone Hearted LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon