CONTINUATION...
Wala akong pakialam kahit mahuli pa ako ng patrol, wala akong pakialam kahit maoverspeeding ako ang mahalaga sa akin ngayon ang mailigtas ko ang buhay ng aking uncle at ni auntie.
Puteks naman ohh!!!! Malapit na ako sa mansion pero napatigil ako ng matanaw ko ang mga sasakyan na nakaharang sa tapat ng bahay. May mga lalaking nakatuxedo dun na nakatayo sa labas at armado sila. Ipinaandar ko na ang big bike ko at inikot ito sa right side ng pader ng mansion para hindi nila ako makita. Ipinark ko sa gilid ang motorsiklo ko at kinuha ang DSR 50 sniper rifle ko na nakatago sa malaking puno sa gilid ng bahay namin. Kailangan magulo ko ang atensyon nila. Tumungo ako sa gilid at yumuko sa santan na bulaklak para makita ko ang mga armadong tao. Pwenesto ko na ang smiper at binaril ang lalaking nakatayo sa harap ng kotse. Bullseye sa bungo niya!! Nagkagulo na sila... ito na ang pagkakataon kong pumasok sa bahay.
"Got you...assholes." tumayo na ako at nagtago sa gilid ng pader.
Tumungo na ako sa plant box sa gilid at binuhat ito. Dito kasi nakatago ang daan patungo sa basement namin. Dinaial ko na agad ang code at umangat nga ang isang parti ng bermuda grass. Pumasok na ako dun at nilock iyon ulit. Ito ang basement namin kung saan namin tinatambak ang mga sandata namin. Nakakarinig ako ng mga yapak sa itaas. Putakte naman kasi si Uncle eh!!! Gagawa lang din ng underground yung lusot naman nasa kusina! Nasa 2nd floor pa naman ang kwarto ko. Naalala ko may mga CCTV pala ang buong kwarto kaya tumungo na ako sa mga monitor at tiningnan iyon.
"FUCK!!! DAMN!!!! Sinira nila ang CCTV!!" napasuntok ako sa mesa.
Ang mga galamay iyon ni Mr.Ang, pinatay ko kasi ang anak niya. Kasalanan ko ba kung tarantado ang anak niya. Uunahan niya pa ako? Eh di inunahan ko na siya..."Dugo???" pagtingin ko sa sahig. Bakit may mga dugo dito??
Litse!!! May nakapasok sa basement?!!! Hinablot ko na ang baril ko at nagtago sa likuran ng bookshelf. Nilagyan ko ng silencer o suppressor para hindi nila marinig ang putok ng baril. Nakakarinig ako ng yapak sa mini-sala ng basement. Napasilip ako sa maliit na giha and I saw the guy, may hawak itong armalite at hinahalukay ang mga drawer.
"Psst....." sitsit ko sa kanya at paglingon niya. Bang!!! I shoot him in her chest. Natumba siya kaya nilapitan ko siya. "See you in hell." itinutok ko sa noo niya ang baril at pinutok iyon.
Isinuksok ko ang baril sa secret pocket ng jeans ko at...
at...
at...
at....
Nakadama ako ng panghihilo at unti-unting dumilim ang paningin ko. May humampas sa ulo ko....
Hindi pa tapos ang mission ko..
Kailangan ko pang mabuhay...
LJ....
Papasok pa lang ako ng opisina namin sinalubong na ako agad ni Yab.
BINABASA MO ANG
I FEEL NO PAIN...
Actioni don't have friends, i have enemies... i don't trust everybody, i suspect everyone.. i don't believe in forgiveness, i believe in revenge... i don't believe in love, i believe in hatred.. i don't feel pain, i'm fearless.... action story featuring S...