23: nabuking na nga ba??

2.4K 41 39
                                    

3rd pov...

Naghabulan nga sila ng naghahabulan. May mga nababangga na silang mga foodstool at  nagkaggulo na nga ang mga taong nandun sa area nila. Naggagantihan sila ng mga bala. 

Hinablot ni Lulu ang kanyang c.p. "Ihanda mo na ang barge malapit na kami sa pier." wika nito sa kausap niya.

"Hindi mo ba babalikan si Paine?" usisa naman ni Commit sa kanya.

"She's a tough woman kaya kaya niya iyon. Kanina ka pa Paine ng Paine!" bulyaw naman nito.

"Putcha! Lulu kapatid ko si Paine!!" hiyaw naman nito.

Napatingin naman sa kanya si Lulu habang nagdadrive."Ano? Pag-usapan natin mamaya.Mabuti pa barilin mo yung mga humahabol sa atin." singhal naman sa kanya ni Lulu.


Samantala sina Kint naman at Amhalle ay hinahabol patungo sa La Paz district ng city. Patungo sila sa coatal road ng probinsiya.

"Nakapwesto na ang chopper sa coastal. Doon na tayo magkikita at si LJ hindi ko macontact." wika ni Amhalle.

"Baka papunta na din dun siya." sagot naman ni Kint.

Humiririt na nga sila patungong coastal. Pati na din ang ibang mga kasamahan nila nagsitungo na nga sa kani-kanilang mga destinasyon. Tinatawagan naman ni Michie si Commit.

"Nasaan kana ba?! Nandito na kami sa rooftop ng base! Ikaw na lang hinihintay." hiyaw naman ni Michie kay Commit sa c.p. nito.

"Mauna kayo!" hiyaw naman nito.

Naskailang ikot naman si Sleep sa area para hanapin si Paine pero wala siyang may nakita at ng pnagbabaril na nga siya humiritrit na siya papalayo papuntang pier.

"Shit! Hindi ito parti ng plano. Sana okay ka lang Paine." mas binilisan pa nga niya ang paghirit ng jetski.

"Humawak ka ng maigi Commit!!" hiyaw ni Lulu kay Commit.

Itinalon na nga ni Lulu ang kotse papuntang barge na naghihintay sa kanila. Safe naman sila nakatalon sa barge kaya lumabas sila agad saka naman umandar na agad ang barge palayo. Nnadun na din ang ibang mga kasama nila na nakaligtas.

"Nasaan si Sleep?" usisa nito sa mga kasamahan nila.

"Wala pa siya." sagot naman nila.

"Tabi!!!" paninigaw ni Sleep sa kanila.

Nagsitabi na nga sila at tumalon naman si Sleep papuntang barge ng matapon niya ang jetski.

"Bakit nandito yan?" wika nito ng mapansin niya si Commit na nakatayo sa gilid ni Lulu.

"Not now, hindi mo ba nahanap si Paine?" usisa naman ni Lulu.

"Hindi, nakailang libot na ako." hinihingal naman na sumbong nito.

I FEEL NO PAIN...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon