PAINE pov....
Sinamahan ko na nga si Lulu na tumungo sa dating mansyon namin. Nacurios na kasi ako kung sino ang kasosyong iyon ni Uncle at bakit dun sila magkikita sa dating bahay namin.
Hindi pa kami nakalapit sa gate ng bahay ng matanaw ko ang mga pamilyar na mukha ng mga armadong lalaki sa harap ng gate. Hindi nga ako nagkakamali, mga tauhan iyon ni Liar.
"Anong gagawin natin?" usisa naman ni Lulu sa akin. ''Si Liar ang kasusyo niya?"
Napatingin naman ako sa kanya. "Imposible iyon, alam natin na matindi ang galit nila sa isa't-isa."
Inaatras ko na nga ang kotse at umikot ako sa kabilang daanan kung saan hindi kami mahahalata. Dun ko pinark ang kotse sa left side na bakod kung saan madalas ko ding daanan dati.
"Dito na tayo dadaan para hindi nila tayo mahalata. Masama ang kutob ko sa nangyayari ngayon. Baka may nangyaring masama na kay Speedy.'' ani ko kay Lulu habang umaakyat sa mataas na bakod.
"Baka magtutuos na sila o malalaman na natin ang katotohanan?" wika naman nito.
Hindi ko na pinansin ang huling sinabi ni Lulu dahil imposible iyon. Alam kokng gaano katindi alitan ng dalawa. May mangyari lang na masama sa uncle ko ipapadanas ko kay Liar ang ganting hindi niya makakalimutan. Napatingn na lang ako kay Lulu at nagpatuloy sa pag-akyat.
Pagbaba namin sa kabilang bakod mabilis kaming tumakbo patungo sa laundry area. Dahan-dahan naming binuksan ang pintuan at hawak-hawak na din namin ang mga baril namin. Walang tao sa loob at napakatahimik. Aakalain mong walang masamang nangyayari.Totoo kaya ang hinala ni Lulu? Maingatkming tumungo sa sala bago kami tuluyang lumabas sinilip ni Lulu kung may tao ba dahil may naririnig kaming nag-uusap.
"Ito na ang solusyon sa problema natin." wika ng lalaking kausap ni uncle. "Huwag na huwag mong sasabihin sa kanya ang katotohanan mas mahihirapan lang siya."
"Malalaman parin niya ang totoo! Habang maaga tapusin na natin ito bago pa niya malaman." sagot naman ni Uncle.
"Imposible..."biglang nilingon ako ni Lulu at nababakas kong may pagkabigla siya sa kanyang nakikita.
Totoo kaya ang hinala niya? Si Liar at Uncle Grey ay nagkakasundo? Posible kayang sila ni Liar ang totoong pumatay kina Mama tulad ng sabi ni LJ? Gulong-gulo na ako na aking utak sa katotohanan!!
Ako na nga mismo ang sumilip at hindi ako makapaniwala sa akin nakita. Paano?? Ano ba ang katotohanan?! Bakit kasali pa siya??
"Shit.." napamura naman si Lulu ng biglang tumunog ang cellphone niya.
SLEEP pov..
Anong oras na at wala pa sila? Nakakabagot bantayan ang babaeng ito. Sumasakit tenga ko at bunganga kakaenglis sa kanya.
"Stay here and don't dare to escape, I'll rip your throat." babala ko sa kanya at iniwan ko siya.
BINABASA MO ANG
I FEEL NO PAIN...
Aksii don't have friends, i have enemies... i don't trust everybody, i suspect everyone.. i don't believe in forgiveness, i believe in revenge... i don't believe in love, i believe in hatred.. i don't feel pain, i'm fearless.... action story featuring S...