part 4

3 0 0
                                    

JAYTHER'S POV

KRINGGGG

Napabalikwas ako ng bangon. Umaga na pala.
Nakita ko ang mga pictures sa ibabaw ng mesa ko.
Napangisi ako. Wait for my punishment Ysenza you'll regret kung bakit mo ako nilalait sa harap ng mga estudyante. May baho ka rin palang tinatago at si Ian your loves pa.

BWAHAHAHA

Naghanda na ako at umalis na papuntang school. 5:45 AM palang pla . Ang aga-aga ko naman.

Pinost ko ito sa napakalaking bulletin board sa harap ng school.

Tignan lang natin kung makakaganti ka pa sakin.

Dinikit ko lahat ng pictures nila. Mabuti na lang at bago pa lang ang pasukan kay wala masyadong nakadikit na mga announcements dito.

Nilinga ko ang paligid at boom walang tao. 8:00 AM pa kasi ang start ng klase. At kung tatanungin niyo ako kung saan yung guard? Ayun natutulog. Tulo laway pa nga siya ehh. Pinicturan ko din nga eh. Kay laking tao tapos tumutulo ang lawag kapag natutulog? Hahaha

Dumeretso ako papuntang SC room at natulog. Inaantok pa kasi ako gabi na ako natulog kagabi kasi hindi ako makatulog sa sobrang kagwapuhan ko.
Hindi naman siguro sila magdududa na ako ang may gawa nito. Ako ang SC President takot lang ng mga estudyante sakin.. makatulog na nga.

Ang gwapo ko talaga..

Zzzzzzz..

"Hmmm..ano ba.."

"Shh. Wag kang maingay pare."

Huh? Sino yun? May nagsasalita?

Minulat ko ang mata ko at nakita kong may dala silang feather. Para sa ano kaya yan?

"Oh bat andito kayo?"

"Nakita mo ba yung nakapost sa bulletin board?"
Napangisi ako sa aking isipan. So nakita na pala nila. Ano kayang naging reaction niya? Baka umiyak na nun at magmakaawa dito sakin.. hahaha

"Bulletin board? Bakit? Anong meron dun?"
Nagmaang-maangan ako.

"Tara. Ipapakita namin sayo.."

Naglakad kami pababa papunta sa bulletin board. Habang naglalakad kami andaming napapatingin samin. Siyempre dalawang gwapong lalaki tapos isang super gwapo na lalaki na ako yun hindi mapapatingin? Bulag na yun kung hindi niya alam.

May bumabati rin sakin siyempre binabati ko rin sila para maganda yung impression nila sakin. Kahit na ampanget nila para batiin ko.

Andito na kami sa harap ng bulletin board at andaming mga tao na nagkukumpulan doon. May naririnig din akong mga nagbubulungan na ang feeler daw niya. Meron din na gold digger. May malandi at kung ano-ano pa ba negative feedbacks. Napatawa ako sa isip ko. Yan kasi kinakalaban mo ako napala mo tuloy? Kahihiyan. Hahaha.

"Sino kaya ang may gawa niyan? Napakawalangya naman niya.."
Narinig kong sabi ni Dave na nakisiksik sa mga tao papunta sa unahan. Siyempre ganun din kami. Ayy hindi pala nang marinig kasi nila ang boses ni Dave napastop sila at nagtabi sila para may madaanan kami. Yan ganyan nga padaanin niyo ang mga gwapo.

Naglakad kami papunta sa harapan at kunyari napashock daw ako para hindi mahalatang ako ang may gawa nun.

"The heck. Baka kapag makita ni insan toh. Aissh. Anong gagawin ko?"

"Oo nga sino kaya ang may gawa nito?" Nagsalita na rin ako na parang hindi ko alam kung sino ang may kagagawan nito.

Nagbulung-bulungan ang mga tao na nandito na siya kaya napatahimik sila.
Naglakad siya paharap samin.

When Ms. LAITERA Falls Inlove With Mr. MAYABANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon