Part 2

5 0 0
                                    

ZOE'S POV

Natapos yung morning class namin na puro introduction ng sarili at grades. Nakakaantok nga eh mabuti na lang at Lunchbreak na namin ngayon. Nagugutom na ako pero malayo pa kami kasi walang elevator ang school na toh
Mabuti pa sana dun sa school ni Kuya may elevator dito samin wala. Gusto kong bumalik dun pero hindi na pwede kasi nakick-out ako dun at nagtransfer dito nung Grade 10 ako.

"Uyy bes . Ililibre mo pala ako ngayon noh .."
Ayy oo nga pala.

Keyaman-yaman tapos magpapalibre? Joke ko lang naman sana yun eh.

"Oh. Ikaw na bumili dun. Hanap lang ako ng seat."
Binigyan ko siya ng 100 pesos.

"Kay yaman mo 100 pesos lang ibibigay mo? Anu ka ba naman dagdagan mo nga toh.."

Aba't. Hayy naku..

"Oh!"

"Yehey.. 1000 na. Bye bes. Hanap ka na ng seat ."

Umalis na si Donald and humanap na rin ako ng magandang seat. Bat wala ng vacant?

Ahh yun.. kaso may nakaupo pang isang lalaki pero apat naman yun kaya okay lang siguro yun.

Naglakad ako papunta dun sa table niya at umupo sa bakanteng seat na kaharap niya.

Napagasp ang mga tao at natahimik. Bakit kaya?
Nakikiupo lang naman ako hindi ba pwede yun?

"Alam mo bang prohibited ang pagupo sa table ng SC President.."

May narinig akong nagsalita. Sino yun? Nakayuko kasi ako at naglalaro sa phone ko.

Napalinga ako kasi may narinig talaga akong nagsalita. Tahimik pa rin yung cafeteria at ramdam ko na nakatingin sila sa amin. Bakit naman?

"I repeat Miss. It's strictly prohibited to seat on the table of the handsome SC President.."

Tama. Sa harapan ko pala yung nagsalita. At anudaw? Handsome SC President?

"Hahahaha..."

Napa gasp ang buong tao sa paligid namin dahil tumawa ako. Nakakatawa naman talaga ng sinabi niya eh.
Pfft gwapo daw? Saan sa anit niya? Hahaha

"No one dared to laugh on me."

"Paki ko? Pwede ba tumahimik ka na lang diyan. Ampanget mo naman.."

Yan. Isa yan sa mga dahilan kung bakit ako nakick out sa school nila Kuya kasi Laitera daw ako. At wala akong paki kung Teacher man yan. O Principal. Tsss

"No one dares to talk back to me like that.. don't you know who I am?"

"Well I dare Mr. Panget. Paki ko ba kung sino ka.. tss"

Bat antagal naman ng baklitang yun..

Speaking of nakita kong papalapit na siya.

"Andito na---- OMG!"

Oh ano na naman nangyari sa Pato na toh. Natulala kasi siya. Kilala niya kaya toh?
Nagsmirk ang lalaki.

"I think kilala ako ng kaibigan mo kaya napanganga siya ng ganyan.. pakiexplain nga sakanya kung sino ako.."

Ngumiti naman si bakla ng pagkalaki-laki.
Kilala pala ng bakla toh?
Siguro isa siya sa palaging pumupunta sa bar niya.
Barlover pala ang lalaking toh  ampanget naman.

"OMG bes! Hindi mo kilala yan? Siya yung tinuro ko kanina na gwapo na sinabihan mong mas gwapo pa si Shokoy kesa sa kanya.."
Ahh siya pala yun.
Napalaki ang mata ng lahat pati na rin siya.
Bakit? Panget naman talaga siya ehh..

"Seriously? Taga san ba kayo? Don't you know that I'm the STUDENT COUNCIL PRESIDENT---"

"AHA! Sabi ko na nga ba. Ikaw yung gwapo kanina na nagsalita sa stage. Kaya pla parang familiar ka.."

Mukhang naiinis na ang lalaki dahil sa sinabi ni Bakla. Well sino ba naman ang hindi? Natatawa na nga ako dito eh pinipigilan ko lang baka maguidance pa kami.

SC President pala toh? Kaya pala mayabang. Pwee tignan lang natin. Aagawin ko ang lugar niyan.

"According to the School's Rules and Regulations.. Students must respect the SC President.."

"Sorry naman diba.. di ako nagbabasa nun ehh"
Sabi ko sabay smirk. Well hinahamon ko lang naman ang lalaking toh. Tignan nga natin kung makakaya mo pa..

"Hinahamon mo ba ako Miss panget?"

"What if it's Yes Mr. Panget.."
Napasmirk siya sa sinabi ko..

"Oh I guess you want the handsome me to be your boyfriend.."
Napaubo ako sa sinabi niya. Yakk amfeeling ng taong toh. Nakakasuka. Ewww

"Sorry but I'm not into Low class person."

Nakita kong napaigting yung baba niya. Galit na siguro toh. Sinabihan ko ba namang Low Class. Hahaha well tignan lang natin hanggang saan ang kayabangan mo

Tahimik pa rin ang buong cafeteria at nakita kong nanonood sila samin. Mabuti na lang at medyo mahaba ang Break.

Tinitigan niya ako. Magpapatalo ba ako? Siyempre tinitigan ko rin siya.

"Nahuhulog ka na ba sa kagwapuhan ko?"

"Hmm. Pansin ko lang parang hindi magkaparehas ang kilay mo. Ang isa makapal ang isa hindi. Anyare diyan? Sinunog mo?"sabi ko habang nakasmirk.

Pansin ko lang rin parang tahimik na rin si bakla. Anyare natakot?

"Wow. I don't know that you're very observant on handsome like me.."

"Handsome? Ng kilay mo? Well approve ako dun but not on your alien face.."

"Talaga----"

KRINGGGGG

Nakakabitin naman oh ang ganda na sana ng away namin ehh away nga ba yun?

"Aissh! Nakakabitin naman. Maganda na sana yun eh . Maupload nga toh mamaya."

"Go on Mr. Tenebro. See you at guidance.."
At umalis na siya

"OMG! BES!kilala niya ako! Waah!!"

Tumatalon na sa kilig ang baklitang toh.

"Wag tatanga bes. May nametag oh."

"Ayy oo nga. Hahaha  pero bes ang astig ng away niyo . Panoorin natin mamaya. Hahah"

Tumango na lang ako sa sinabi niya at naglakad kami pabalik sa room.

I didn't expect na makakalaban ko ang SC President. I don't care din naman eh.
Pero honestly speaking. Hindi ko talaga alam na siya ang SC President. Malay ko ba dun? Hindi ko rin nga kilala yung adviser namin eh . Hahaha
Bahala na andyan naman si bakla palagi.

Mukhang magiging maganda yung buong School Year ko dito ahh.

Napasmirk ako sa naisip ko.

A whole School Year with the SC President as my opponent is so adventurous. Naeexcite ako.

"Huyy. Nababaliw ka na naman.."

Binalewala ko lang ang sinabi niya at naglakad na kami papuntang room.
Hayy hindi ako nakakain. Bahala na nga may break naman siguro mamaya kaya kakain na ako...

***

When Ms. LAITERA Falls Inlove With Mr. MAYABANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon