part 6

4 0 0
                                    

ZOE'S POV

One week na ang nakalipas simula nung naging Secretary niya ako. Akala ko andami niyang ipapagawa pero the heck. Mali ako kasi andami-dami as in super dami. Parang ako na nga ang President sa dami nang ginagawa and nandito ako ngayon sa SC room para pirmahan ang mga dapat na pirmahan ni panget.
Grabe.. tiis-tiis lang muna Zoe kasi pagkatapos nito siya naman ang papahirapan mo.

"Oy panget. Tapos na ba yan? Pakibilisan naman oh."

Aba't kung tinulungan kaya niya akong pirmahan lang ng toh.
Kinuha ko ang mga tambak na papel sa mesa ko at hinagis sa mukha niya.

"Pirmahan mo nang mag-isa yan panget..."

At lumabas ako ng pesteng room na yun at pumunta ng rooftop para magpahangin. Nakakainis hindi ako kailanman ginawang yaya sa buong buhay ko tapos siya makapag-utos wagas.. pero bakit ko nga ba ginagawa yung mga utos niya?

Ahh para laruan siya . Tama!
Dahil naiinis na ako sakanya the game starts now.

JAYTHER'S POV

ARAY....

ang gwapo kong mukha nasugatan. Huhuhu  what the fuck na babae yun. Hinagis ba namin sakin ang tone-toneladang papel.

"Ms. Nurse hindi naman po magiging scar ito diba?"

Natatakot ako baka maging panget na ang gwapo kong mukha.
Papatayin ko talaga ang babae na yun kung magkascar man ako.

"Haha don't worry hindi magiging peklat yan pero nadaplisan siya kaya lalagyan ko muna ng band-aid para matakpan.."

Mabuti naman at daplis lang pero lalagyan ng band-aid? Baka pumanget ako nito dahil sa band-aid na yan.
Humanda talaga sakin ang babae na yun.

**
After matapos ng paggamot sakin ng Nurse agad kong hinanap si Zoopanget.

Habang naglalakad ako sa hallway tinatago ko ang mukha ko baka makita nila ito na may band-aid. Papanget na ako sa kanila and I hate it.

"Oh my gosh!! May band-aid si Mr. President... ang gwapo niya.."

"Ang cool ng band-aid niya .."

"Ang hot naman ni Mr. Pres."

"Please be mine Mr. Pres."

Natigilan ako sa narinig ko.
Tama ba ang narinig ko? Nagiging gwapo at hot ako sa kanila kapag may band-aid ang mukha ko?
Inalis ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Maglagay kaya ako ng band-aid palagi baka mas lalo akong gagwapo.

"OMG! May band-aid yung mukha niya.. sino kaya ang gumawa niyan? Dapat siyang maparusahan.."

Patago akong ngumisi. Mahal na mahal talaga ako ng mga fans ko. Sige gawin niyo ang gusto niyong gawin hindi ko kayo pipigilan.

Naglakad ako papunta sa room nila kasi gustung-gusto ko na talagang makaganti sakanya. Huwag niyong isipin na namimiss ko siya kasi di ako nagkakagusto sa mga panget.

"OMG! nandito ang SC Pres. Sa room natin!!"nag tilian ang mga babae ng makita nila akong pumasok sa loob. Gwapo ko kasi eh kaya kikiligin talaga sila kapag simpleng kindat lang ang gagawin ko .

"Nandito ba si Ms. Ysenza?"

Napatahimik sila sa sinabi. Hmm parang wala rin dito bakla niyang kaibigan. Saan kaya sila nagpunta?

"Hinahanap ni Mr. Pres ang malandi na yun?"

"OMG! Baka ginayuma niya si Mr. Pres."

When Ms. LAITERA Falls Inlove With Mr. MAYABANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon