Chapter 12: First Day

3 1 0
                                    


Nagising ako dahil sa araw na tumamba sa muka ko."Hmmm ah.. sarap pa ng tulog ko eh." Bumangon ako ng dahan dahan at tumingin sa gawing kaliwa. Pagkita ko wala na si Rye. Saan na yon? Iniwan nya ba ko ulit?

Nagbihis ako. Naalala ko nanaman yung kagabi. Tangina, mapapa ugh ka na lang sa sobrang sarap. Hinanap ko si Rye sa cr ng kwarto ko, pero wala ako nakitang muka nya. Bumaba ako muka naman na andun na sya. May nagluluto kasi, at "Bango ah. Ano kaya yun." Baka naman si yaya lang.

Pagkita ko..

Andito pa pala si Love. Kala ko iniwan nya na ulit ako. Alam ko naman na hindi nya na ulit magagawa sakin yun.


"Hi love. Goodmorning." bati ko. 

Tumingon naman sya gawi ko. At nakangiti. Ginantihan ko naman sya. Marunong pala sya magluto. Ako lang ata hindi. Nakakahiya. 

"Gising na pala ang prinsesa ko." sabi nya.

Ganda ng umaga ko. Sana araw araw. Itaboy ako problema! Ngumiti naman ako shempre hindi ko pinahalata yung kilig ko. Pag nahalata nya yun malamang aasarin nanaman nya ko. Lakas pa naman neto mang-asar.

"Kumain ka na. Paghahain kita." sabi nya ulit.

Umupo na ko at nag simula na kami kumain. Tinawag ko din si yaya na sumabay na samin. Ayaw naman nya. Ayaw nya daw istorbohin kami. 

"Si yaya parang ewan. Sumabay ka na." pagmamaktol ko. Si Rye naman kumakain lang. 

"Gutom na gutom love?" tanong ko.

"Oo eh, pinagod mo kasi ako kagabi." sabi nya. Namula naman ako dun. Anong pinagod. Hindi ko naman hiniling sa kanya na mag chuchu kami.

"Ssh. Kalmahan mo nga. Marinig pa tayo eh. Nakakahiya!" reklamo ko. Natawa naman sya sa sinabi ko. Totoo naman kasi eh. Nakakahiya kaya.


Pagtapos namin kumain, eto nagtatalo kami kung sino mag huhugas ng mga pingganan. Oo, pati dito lagi kami nagtatalo. 

"Ako na nga. Kulit mo naman eh." Sabi ko. Kinuha nya ulit yung pinggan, sya na daw. Pag eto nabasag lagot ako kay mommy.

Narinig naman kami ni yaya na nagtatalo. Napailing sya at lumapit samin.

"Ako na ang mag huhugas. Nagaaway pa kayo sa pinggan, baka ayan ang una nyong away ah. Pinggan lang, ah."  Yaya.


Binuhat ako ni Rye. Gulat ako. Tinamaan nanaman 'to ng sapak nya. Para kong manika na lagi nyang buhat. 

"Tara maliligo na tayo." bulong nya.

Kami? TAYO? Sabay kami maliligo? Talaga bang nasisiraan na sya ng ulo. Kagabi kinain nya ko. Tapos ngayon sabay kaming maligo. Baliw talaga 'tong boyfriend ko.

"Hoy, anong tayo? Ako muna bago ikaw." sabi ko.

"Boyfriend mo na ko love, wag ka na mahiya. Nakita ko na buong katawan mo tapos saka ka pa mahihiya? Mahiyain talaga ang mahal ko." sabi nya.

Kinurot ko sya mahina sa singit. Kahit na no. Nakakahiya pa din. Tsaka ganon ba yun kapag boyfriend mo na ang isang tao sabay na maligo? Haler.

"Hindi naman ako nahihiya eh."

"Ay suuus, hindi daw pero namumula ka love." Aba, loko to ah! Hindi nga sabi eeee.


Inupo nya na ko sa bath tub at binuksan nya yung faucet. Maya maya puno ng tubig yung bath tub. Sumali na din sya. 

The Goddess (ON GOING)Where stories live. Discover now