Chapter 15: Love

4 0 0
                                    

Picture *Eli*


Hindi ako makatulog. Hindi ko din naman alam kung bakit. Dahil siguro hindi pa nag rereply si Rye? 

'Ba naman yan Meli. Malay mo natutulog na! Patulugin mo naman yung tao.'

Bulong ko habang nakaharap sa salamin. Haaays. 

Sa sobrang busy nya namimiss ko na sya. Gusto ko sya yakapin at halikan. 


May narinig akong ingay sa labas. 

"Ba yan, gabi na ang iingay naman ng mga kapitbahay." 

Gabi na ang lakas pa mag music. Daig pa yung mga music sa club sa sobrang ingay. Wew. Isa lang naman kapitbahay ko. Yung iba malalayo na. Malaki kasi 'tong subdivision na kinuha ni Papa para sakin. 

Wala na ko balak silipin yun. Dahil wala naman magagawa yung silip ko, hindi ko naman sila mapapahinto. -____-"


  An empty street, an empty house
A hole inside my heart
I'm all alone, the rooms are getting smaller.  

Gabi na kanta pa din? Karaoke pa din? Jusko naman. Mahiya naman kayo sa kapitbahay. Pero wow ha. Ang ganda nung boses nung kumanta. Medyo familiar nga lang. Kapitbahay lang naman namin yun. 

  I wonder how, I wonder why,

I wonder where they areThe days we had, the songs we sang together, oh, yeah.  


Familiar din yung boses. Kada second stanza paiba-iba yung boses. Hmm? Sino kaya yun. Siguro si Kuya Jobb. Yung kapitbahay namin. Ganda rin ng boses nya. Pinaglihi ata sila sa mga magaganda ang boses nung mga bata pa sila. Sana ako din.. lol. Nakakainggit naman kasi yung boses nila.

  And all my love, I'm holding on forever

Reaching for the love that seems so far  

Narinig ko nanaman yung 'LOVE' haaays. Ano kaya ginagawa ni Rye? Nakakainis ah! Pwede naman mag reply. USO REPLY!!!!!

  So I say a little prayer
And hope my dreams will take me there
Where the skies are blue to see you once again, my love.
Over seas from coast to coast
To find the place I love the most
Where the fields are green to see you once again, my love.  


 What the? Boses ni Rye yun haaa? Tumayo ako agad at sumilip sa bintana. Baka sakali si love nga yun. Oh baka namimiss ko lang sya, kaya kung ano-ano naiisip ko. 

Pagkatingin ko sa bintana. Halaaaaa!!!! Mangiyak-iyak na ko nung nakita ko si Rye kumakanta. Shet naman. Mas lalo syang pumogi nung kumanta sya.

Nakita ko rin yung mga kaibigan ko. Nakatingin sila sakin, nakangiti. Ano ba naman 'to! Kaya pala hindi nagrereply si Rye may plano pala sya surpresahin ako. Grabe, mas lalo sya nagiging sweet. 

  I try to read, I go to work

I'm laughing with my friendsBut I can't stop to keep myself from thinking, oh, no.  

Oh God! Gusto ko sya yakapin. Hindi ko alam na marunong pala sya kumanta. Ang alam ko lang kasi puro sya aral at kapogihan. Haha joke. Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakanta. Ang pogi nya lalo. 

The Goddess (ON GOING)Where stories live. Discover now