Chapter 1

9 1 0
                                    

Ako si Meli Swanepoel.

Simple walang arte..

Mayaman.

Sikat.

Model.

Andito kami sa canteen. Lunch break. Kasama ko mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit ako sumasama sa kanila, pero dahil masaya naman ako at magaan loob ko.

"Tapos na ba klase niyo? Tara, mag enjoy naman tayo. Hindi puro aral. Guys naman eh!" Panimula ni Safiya. Ano pa ba maasahan ko sa sasabihin niya, eh mukang party lagi yan.

Yung iba naman natatawa. Talagang sanay na kami sa kanya, kada banggit niya sa enjoy alam na alam na ng lahat ang nasa isip niya.

"Party party na ba Saf?" Sabat naman netong si Mico.

Ako nakikinig lang ako sa kanila. Dahil sa mga pinaguusapan nila, alam ko naman na doon din ang bagsak namin. Si Safiya, spoiled siya sa grupo namin. Pag may gustong puntahan, agad agad kami pupunta.

"Hindi ako makakasama. May klase pa ko. Siguro kayo na lang, saka hindi naman ako mahilig sa mga ganyan. Alam niyo naman yun eh." Sabi ni Rye.

Hindi ko maalis sa isip ko na hanggang ngayon ang KJ pa rin niya.

Kami lang naman ni Rye ang pinakaclose sa aming magkakaibigan. Ituring nga kami ng iba mag bestfriend. Yung ibang schoolmates namin minsan nagseselos. Paano ba naman, ang daming gustong magpapicture dito kay Rye. Pero ni isa wala siyang pinayagan. Pogi siya, pero ubod ng sungit! Dinaig pa babae.

Tapos na buong klase ko at hindi pa din kami nakakaalis dito. Ang gusto kasi nila lahat kami sasama. Hindi na rin nakatanggi si sungit boy este si Rye. Pinatapos namin klase niya hanggang sa umalis na kami.

Nasanay na kami sa mga babae ng nasa paligid namin sa tuwing nadadaanan namin sila. Paano ba naman, sa grupo namin full package na. May mga gwapo, may mga magaganda, may model, may matalino. Oh diba, saan ka pa!

Panay tili 'tong mga babae.

"OMG Ryeee!!! Kahit anong anggulo mo, ang gwapo mo pa din!!!!"

"Shet! Nakakalaglag panty talaga sila!"

"Hi Meli!! Lahat ng video mo, updated ako!"

Sabi ng mga nadadaanan namin.

Andito na kami sa isang bar. Medyo madami din tao. Pumwesto na si Eli sa harap. At ayun nga, hindi pa siya nagsisimula nagsisisigaw na yung mga babae.

Sumigaw si Jela. "Go Eli! You can do this!"

"Hi. Im Eli. Kakantahan ko kayo. Sana magustuhan niyo."

Nagsimula na kami makinig sa kanya. Kumakanta siya ngayon ng Stay.

Tinitigan ko si Eli, walang mali sa kanya. Napakatalino niya, napakaganda ng boses niya. Perfect!

Pagtapos niya kumanta, ngumiti kami lahat at pumalakpak kami.

"Thank you." sabay ngiti sa mga nakikinig kay Eli.

Pauwi na kami. At eto, katabi nanaman kami ni Rye. Yung iba lasing na.

"Una na kami. Hahatid ko na tong bruha na to. Sakit talaga sa ulo 'tong si Safiya. Iinom inom di naman kayang umuwi." Jela.

"Mag ingat kayo, okay? Sige na alis na ko. Andito na yung sundo ko." Mico.

"See you all tommorow!!!" sabi ko. Sumakay na sila sa kani-kanilang sundo.

The Goddess (ON GOING)Where stories live. Discover now