Chapter 11: Yes

4 0 0
                                    

Ilang buwan nakalipas, madami na din nangyari. Karamihan puro masasaya. Mas lalo ko nakikilala si Rye. Mas lalo ko syang minamahal. Ang ganda ganda ng mga araw kapag kasama ko sya. Nagiging kumportable ako. Napapangiti ako. Masaya talaga kapag kasama ko sya. <3

Well, eto na ata ang tamang oras para sagutin ko sya. I'm so excited!!! Sa wakas, ang gusto ko matutupad na.

Weekends ngayon. Nag aya si Jela na bonding daw. Grabe, kahapon lang kami nagkita bonding agad gusto. Parang ilang buwan hindi nagkita eeh. May sira talaga sa ulo itong si Jela.

Hindi ako pumayag kasi naghahanda ako kung paano ko sasabihin kay Rye yung gusto ko ipahatid. Dapat bongga. Dapat perfect!

Hmm paano kaya pag issurprise ko sya? Pede na yon.

Nagpatulong ako kay Saf sa mga gagawin. Gusto ko kasi isurprise si Rye. Mas maganda ko. Para naman exciting. Nag prisinta naman si Eli na kakanta sya habang nag di-dinner date kami. Para daw mas romantic. May tiwala naman ako sa kanila. Si Saf, inayos yung table. Si Jela, nagprepare ng roses. Kinalat yung mga petals sa sahig. Maganda naman tignan. Simple pero romantic. Ang gagaling nila talaga.

Nagpaturo ako kay Yaya na magluto. Pangit kasi pag mag oorder pa. Parang walang effort. Gusto ko mag effort para naman masuklian ko lahat ng ginawa nya para sakin. Nagluto ako ng adobo, at pasta. Okay na siguro 'to.

Tinext ko si Rye na kailangan nya pumunta dito sa bahay kasi nalulungkot ako. Pinagalala ko sya para makapunta agad dito. Mga kaibigan ko naman, nginitian ako at nag goodluck. Umalis na din sila agad. Si Eli lang natira kasi gusto nya daw kami kantahan.

Gusto ko tumalon sa sobrang saya. Dahil hindi ko mapigilan yung saya na nararamdaman ko ngayon.

May nag doorbell na. Si Rye na siguro yun. Agad naman sya makakapunta dito sa garden. Kasi sa sahig may mga petals na nakakalat papuntang garden.

Nakita ko si Rye na nasa posisyon na ng dinner date namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nakita ko si Rye na nasa posisyon na ng dinner date namin. Nakatingin sya sa paligid at malaki ang pagkagulat at napangiti sya. Natuwa naman ako lalo kasi ramdam na ramdam ko na nagustuhan nya yung surprise ko para sa kanya.

Lumabas ako dahan dahan, at nag simula ng kumanta si Eli.

Nagulat sya nung nakita nya ko. Namula mga pisngi nya. Kinikilig siguro 'to. Pero sa nangyayari ngayon mas kinikilig ako. Iba talaga pakiramdam ko kapag sya na ang nasa harapan ko.

Mahal na mahal na mahal ko sya..

"Hi Rye." bati ko sa kanya na nakatitig sya sakin.

"Meli? Wow. P-para saan 'to?" nakita ko sa mga mata nya na namamangha sya. Masaya ako kung ganon.

"Wala. Gusto ko ikaw naman ang ide-date ko." umupo ako. Umupo rin sya.

Ngumiti ako sa kanya.

"M-meli.. Dapat ako ang gumagawa sayo neto eh. H-hindi ikaw. Nakakahiya." sabi nya. "Pero salamat ah."

Ngumiti ako at dumating na si yaya para pagsandukan kami. Nakangiti sakin si yaya. Masaya sya para sakin. Masaya din ako para sa sarili ko.

The Goddess (ON GOING)Where stories live. Discover now