Chapter 14: Hesitating

4 0 0
                                    

*Meli and Safiya*



Nasa kantin na kami ngayon. Kumakain at nagkkwentuhan. Tahimik lang ako kasi wala ngayon si Rye. Hindi sya makakasama samin. Sila naman ang iingay nila. Tawa sila ng tawa sa kinukwento ni Mico. Hindi ko rin maiwasan ang ngumiti, kasi ngayon okay na ang lahat. Sa tingin ko ah. Kasi ang daldal na ni Mico, bumabalik na sya sa dati. 

"Bakit ang tahimik mo?" Eli. 

Hindi ko naman sinabi ang dahilan kung bakit ako tahimik, dahil ayoko naman na nagaalala sila sa katahimikan ko. Medyo sumasabay ako sa tawa nila para hindi ako mahalata ng iba. Ayoko naman kasi mag kulit ngayon lalo na hindi pa ako okay na masaya na si Mico. Hindi ba dapat masaya ako kasi masaya sya? Hindi ko alam.. naguguluhan ako.

"Wala naman. Hahaha." Pinilit ko tumawa. 

Nagkkwentuhan pa din sila ngayon. Hindi ko alam kung bakit ang tagal ng oras ngayon. Isang oras lang naman ang break time namin, pero ang feeling ko 2 oras. Sa sobrang tagal gusto ko na bumalik sa klase. Hindi naman sa naiinip ako, hindi ko lang ramdam ang atmosphere sa pagitan namin. Haaays. Ano ba yan Meli. Umayos ka na nga! 


Kanya-kanya na kami bumalik sa klase. Sa wakas, nakahinga na ko ng maluwag. Kabaligtaran naman ng class hour namin ang break time ni Rye. 

Nakita ko na dumaan si Rye sa harap ng room ko. Napatingin naman ako sa gawi na yun. Nakita ko sya na nakatayo at mukang inaantay matapos ang klase namin. 

"Aga ng prince mo ah." Bulong ni Safiya sakin. Ngumiti naman ako. 

Ngayon lang din ako nakangiti ng maluwag ngayong araw. Hindi ko alam, kung bakit.

"Haha naiinggit ka ba?" Biniro ko sya. Masama naman tingin nya sakin, at mukang affected sya sa sinabi ko. Natuwa naman ako, at tumawa na din si Saf. Shempre mahina lang at baka palabasin kami ulit katulad nung first class namin. Ayoko naman na mangyari yun. Nakakahiya.


Natapos na ang klase namin na puro assignment ang binigay. Nakakaurat. Ngayon lang ako naurat sa mga assignments. Dami ko gagawin. Hindi ko naman pede i skip 'to, unahin ko muna 'to bago ako rumampa next week. Baka sabihin ng iba, ganda ko nga pero hindi ako gumagawa ng mga homeworks. 

Magkasama kami ni Rye ngayon. May dala syang flowers para sakin. 

"Nag abala ka pa love." sabi ko.

Ngumiti naman sya at kiniss ako sa noo. "Basta para sayo." 

Ngumiti din ako. Kahit kailan hindi nawala yung sweetness nya nung naging kami. 

Para sakin ang swerte ko na naging akin sya. Swerte din naman sya dahil wala naman ako balak lokohin sya. Mamahalin at mamahalin ko sya hangga't kelan ko gusto. :) 

"Salamat." ngumiti ako at nagpasalamat. Dumiretso kami ng library ngayon. May activity daw kasi sya kanina na hindi nya natapos. Tinanong nya din ako kung balak ko sumama. Pumayag naman ako. Habang gagawa sya ng activity, gagawin ko na din yung homeworks na binigay ni Ma'am. Para mabawasan kahit papaano. Para hindi na rin ako mahirap paguwi.

Habang gumagawa sya, gumagawa din ako. Busy kami ngayon. Kahit naman busy kami may time pa rin naman kami sa isa't-isa. Yun nga ang maganda eh, sa lahat ng pinagkakaabalahan nya at sakin magkasama pa rin kami.

Mabilis tumakbo ang oras at natapos na din ako sa mga assignments ko. Tapos na rin naman na sya, at hinatid nya na ko sa next class bago sya pumunta sa room nya.

The Goddess (ON GOING)Where stories live. Discover now