Chapter 18: Wife

1 1 0
                                    

*Eli GIF*


"Hi Wife." 

Simula nung nag practice kami sa dadating na project sa school tinatawag nya na kong Wife. Ewan ko sa kanya, sineseryoso nya yung drama namin. Sa totoo lang nung nag practice kami kahapon napakagaling nila ni Safiya. Para bang totohanan yung ganap nila. 

"Wife mo muka mo." sabi ko. 

Medyo wala na kong ilang sa kanya. Dahil pagtapos namin tapusin yung acting kahapon nagkwentuhan kami sa mga buhay buhay namin. Kaya siguro komportable na ulit ako sa kanya.

"Hahaha bakit Wife ko?" Nakakainis naman 'to si Mico.

"Nakakainis ka!" 

Tawa naman sya ng tawa habang inaasar ako. Anong nakakatawa, aber? -_- nakakainis nga eh. 

"Deep inside gusto mo din girl." singit ni Safiya.

Kahit kailan ang hilig nya sumingit. 

Pati ba naman sya aasarin ako.

Kala ko ba kakampi ko sya? Sigh.

"Gusto ka dyan, baliw!" mashado akong pikon pagdating sa mga asar netong bruha na 'to. Buti pa si Jela hindi ako mashado inaasar. 

Speaking of Jela, nag out of town sila ng family nya. 

Sosyal diba. 

Ewan ko don, wala na akong balita sa kanya. Pero bago sila umalis shempre hindi ako papahuli. Humingi ako ng pasalubong. Hehe.

Si Rye? ...

Hanggang ngayon wala pa din akong balita sa kanya. Ni isang text wala akong natatanggap sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Mashado akong nasasaktan sa tuwing nangyayari 'tong bagay samin.

Pero hindi ko naman kailangan masaktan.

Mas kailangan ko mag focus sa ginagawa namin 'to. Project din 'to! Malaking hati 'to sa grade.

Hindi ko na lang pinansin si Saf sa pang-aasar nya. Si Mico tumahimik na din at inaantay yung prof na dumating.

Ako, nakatitig ako sa cellphone ko kung may balak pa bang magtext sya sakin. Sa tingin ko 40 messages na napadala ko kay Rye pero ni isang reply, WALA. 

Tumatawag din naman ako pag wala ako ginagawa. Pero wala din ako narinig. Puro nalang ring. Nakakasawa. 

Humanda talaga sya sakin pag nagparamdam sya. Malaking bawi at malaking explanation ang gagawin nya sa harap ko!!!!!!!!! ~_~

Buti na lang andito yung mga friends ko para samahan ako sa mga kalungkutan ko sa tuwing iniisip ko yung love ko...

Minsan nga napapansin nila ko. Pero muka naman na naiintindihan nila ko sa sitwasyon ko. Kaya minsan binibigyan nila ko ng time para mapagisa.


Dumating na yung prof namin na may malaking ngiti sa muka nya.

Good mood ngayon si ma'am ah. 

Napatingin kami ni Safiya sa isa't-isa. Shempre lagi samin naiinis yung prof. Kaya laging bad mood. Pero ngayon, taraay! Pagpasok ng room nakangiti. Magandang balita siguro ang ibibigay samin ngayon. Sana nga..

"Good morning class." nakangiti pa din sya.

"Good morning Ma'am!" bati namin sa kanya.

"May good news ako. This week ipapakita nyo na yung drama acting na ginawa ng bawat group."

May mga natuwa.. may mga naging malungkot din.

The Goddess (ON GOING)Where stories live. Discover now