CHAPTER 3

3 2 0
                                    

(Cha-Cha POV)

Andito kami ngayon sa tapat ng gate ng Bloodic Academy. Sobrang laki nito, sabagay noon pa man alam na namin na maganda ang school nato pwera nalang sa nangyayari sa loob.

Yung kotse ni Tin ang sinakyan namin upang sama-sama kami. Lumapit kami sa guardhouse.

"Estudyante ba kayo rito?"- tanong agad ni Manang guard ng makalapit na kami.

"Actually ate, exchange students lang po kami. Binigyan narin kami ng directions ng dean kung anu yung gagawin namin."- sagot ni Tin. Siya kasi ang nasa driver seat at malapit sa guard house.

"Ah kayo ba ang taga Martinni College? Show me your Id."- nilabas naman agad namin ang Id namin.

"Bumaba na muna kayo ng sasakyan. May magdadala ng kotse niyo sa loob. Wag kayong mag alala, walang mawawala sa gamit niyo."- sabi ng guard.

Kahit napilitan ay sinunod namin ang sinabi niya. Bumaba kami ng kotse at maya-maya ay may lumabas na isang lalaki, siguro nasa late 30's na siya at sumakay sa kotse na gamit namin kanina. Siya yung nagmaneho ng sasakyan.

Nakita ko namang parang may pinindot ang lady guard sa remote at siyang pagbukas ng napakalaking gate.

Amazing huh! High-tech pala ang school nato.

Pagbukas ng gate ay namangha ako sa nakita. "Whoa!"- sabay pa naming bigkas na magkakaibigan.

Meron kasing karatula na nakalagay sa gitna. It was written with the use of red colors. I'm not sure if it's paint, but pakiramdam ko ay mukha itong dugo na natuyo lamang.

"Amazing!"- mahinang bulalas ni Rei na tanging kami lng ang nakarinig.

Nakasunod parin kami sa lady guard at sa di ko malamang dahilan ay parang pinangingilagan siya ng mga estudyante. Di rin nakaligtas sakin ang mga mapanuring tingin ng mga ito sa amin.

"Bakit ganyan sila?"- hindi napigilang itanong ni Azu.

"Maybe because of our new faces."- sabi naman ni Hope.

"Tingnan mo, parang mangangain ng buhay eh."- si Rei na mukhang naiilang na.

Sa lahat pa namam ng ayaw ko yun ay pinagtitinginan ng mga tao.

Diretso lng kami sa paglalakad. Di rin nagtagal ay huminto kami sa isang pinto na may nakasulat na Dean's Office.

Kumatok muma si Lady guard bago kami pumasok.

Sumunod lng kami sa kanya. Di ko maitago ang pagkabigla ng makita ko ang nakaupo sa dean's table.

Sitting there is very beautiful woman in an young age. Sa tingin ko mga nasa late 20's palang siya.

Siya ba ang dean? Bat parang ang bata ata?

"Goodmorning po. Sila po ang transferee student galing ng Martinni Academy Miss Blood."- sabi ng guard. Lumabas di naman ito pagkatapos.

"Oh? Kayo pala yun. Have a seat."- tinuro nito ang upuan. Umupo kami at nag antay lng ng sasabihin niya.

"I know alam niyo na ang mga responsibility na binigay sa inyo hindi ba?"- tumango lng kami. "Starting today, you are the new member of the Student Council. As for the top among you all, Miss Flood, you are the new President of our Student Council. Miss Morris is the new Vice President, Miss Chua is the Secretary, Miss Cruz is the treasurer that will also handle the funds and lastly you Miss Fortaleza is assigned for the peace and order of the school, meaning, you are the peace officer."- mahaba nitong sabi.

"Ahm, Miss, paano po yung mga dating member ng student council?"- di ko napigilang di itanong. Nagtataka lang kasi ako dahil baka hindi sila pumayag.

Natawa ito na siang pinagtaka ko. "I think, nakalimutang sabihin sayo ni Dean Ignacio ang tungkol dun. The truth is, wala naman talagang ganun dito. This school don't have such org. like that. But, there's someone who has been a leader here since his first day in this school."- tumigil ito sa pagsasalita.

"Who is he?"- Hope asked.

Imbis na sumagot ay nagtanong ito. "Have you ever heared the word DANGERS?"

Who will not? Sikat ang grupong iyon kahit saang eskwelahan dahil bukod sa tinitilian sila ng mga kalahi ni Eba ay hinahangaan din sila ng mga kalalakihan. All students from different colleges or academy know them. But, until now, diko pa sila nakikita.

"Offcourse! Who will not know them. Sila lagi ang bukambibig ng mga estudyante sa school namin."- sabi ni Tin.

"Mabuti naman at kilala niyo sila. They're the one who rule this school. But from now on, sigurado akong magbabago ang lahat. I hope di kayo susuko agad. Gusto kong bumalik ang dati sa school natoh, when i was still one of those student."- medyo mahina na ang pagkakasabi niya ng huling sentence.

"By the way, ito nanga pala ang magiging uniform niyo as one of the exchange students here. Here's your schedule and key sa dorm niyo. Iisang kwarto lng kayo dahil alam kong mas comfortable pag kasama niyo ang isa't isa. May kasama kayong tatlo pa sa kwarto."- binigay niya samin ang limang magkakapareho na susi na may nakaukit na room number. Tig- isa pa talaga kami.

"I hope your stay here will be fine. I just want to warn you, when midnights come don't you ever go out of your dorm. Make sure to lock your windows and door. Take care yourself!"- sabi pa nito na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Why? Anong meron kapag midnight?"- tanong ni Hope

"You'll know it in the right time. Huwag niyong pairalin ang kyuryosidad niyo sa pananatili niyo dito."- may binigay ito na mukhang map ata ng buong school. "Pwedi na kayo umalis at magpahinga muna. Kung gusto niyo ay libutin niyo muna ang buong Academy at i-familiarize ang mga lugar. Bukas na kayo pumasok sa klase niyo."- ngumiti ito samin.

Bakit parang pakiramdam ko may kakaiba sa mga ngiti niya? I think i'm being paranoid.

Nagpaalam narin kami kay Miss Blood at umalis na. Habang naglalakad kami ay nakaramdam ako ng kaba. Parang may sumusunod sa amin o baka guni-guni ko lng yun. Ipinag walang bahala ko na lamang yung naramdam ko dahil parang din naman ata nararamdaman yun ng mga kasama ko.

"Saan tayo? Sa dorm na ba?"- tanong ni Rei.

"I think nakalimutan niyo. Nasa kotse ko pa ang mga gamit natin noh!"- paalala samin ni Tin.

"Oo nga pala. Tara puntahan muna natin sa parking area."- aya ni Azu at dun na kami dumiretso. Siya ang nag lead ng way dahil dala niya ang map ng buong Academy na binigay ni Miss Blood kanina.

Maya-maya nakaramdam ulit ako ng kakaiba. Weird pero pakiramdam ko talaga may nagmamasid samin. I tried to look around. Oo, maraming estudyante kaming nakaksalubong at mga nakatambay sa tabi. Nakatingin naman ung iba pero hindi sakanila galing yung pakiramdam nayun. Gusto ko nang tanungin ang mga kasama ko pero sinarili ko na lamang yun.

Nakikiramdam ako sa paligid ng biglang-----------

"WATCH OUT!!!!!!!!!"

----------------

A/N:
Haha bitin po ba? Hihi. Basahin niyo lang po ng basahin. .
Maraming salamat po sa mga nagbabasa ng story ko. MGA talaga ksi kahit dalawa o ilan man kayo. More than one parin yun. Meaning to say marami din. Hihihi

(Edited)

BREAKING THE RULES:BLOODIC ACADEMY ( ON-GOING)Where stories live. Discover now