(Cha-Cha POV)Nag umpisa na ang klase at hanggang ngayon ay di parin bumabalik yung lalaking yun. Naiinis ako sa kanya!
Di naman kami pinapansin ng mga kasama namin sa kwarto. Busy sila sa kani-kanilang ginagawa kahit na nag lelecture na si Prof sa harap, which is napag alaman kong kapatid pala ng lalaking yun.
At nalaman ko din na Skyler Blood pala ang pangalan niya, tapos kapatid siya nung batang Dean namin.
Tch! First day palang andami ng revelations. Panu kaya sa susunod.
Napatingin ako sa mga kaibigan ko na nakikinig lang sa lecture. Mapapansin mo rin ang mga sambakol nilang mukha dahil yun sa seatting arrangement namin. Kahit nga ako naiinis rin.
Panu kasi! Yung si anoh. . . .
si anoh. . .
nevermind na nga lang!
Basta yun! Katabi ko pa sa upuan yung lalaking yun! Nakakasama ng loob tong si Prof, parang sinasadya niya talaga eh. While yung mga friends ko, mukhang ayaw din nila sa katabi nila.
Alternate kasi kami eh. Boy, girl, boy, girl, basta ganun. Kung di niyo magets problema niyo na yan. Nakakainis lang kasing isipin.
Nasa kalagitnaan na kami ng klase ng may narinig kaming announcement.
*"Calling the attention of all students. Please proceed to the gym now. We have an urgent meeting and an important matter to be discussed!"*
Paulit-ulit yung announcement. Nagkatinginan naman kaming magkakaibigan.
Anoh kaya yun? Sana naman walang kinalaman sa amin toh. Tch!
"That's all for today. You can now proceed to the gym."- Prof
Nagsitayuan naman ang mga boys at umalis nalang bigla.
"Mga walang modo! Madapa sana kayo!"- sabi ko sa isip ko.
Ni hindi man lang namin sila nakausap. Anong klaseng mga estudyante ba yan. Para silang walang pakialam sa mundo.
Pero napansin ko lang kanina kay Tin at Drew. Parang may namumuong tensyon sa kanilang dalawa. Parang magkagalit sila. O ako lang yung nakapansin nun? Yae na nga lang.
Tumayo narin kami at nagpasyang pumunta ng gym.
Papasok na kami ng gym at pansin kong halos puno na ang loob nito. Andaming estudyanteng nakakalat at may mga kanya-kanyang umpukan.
Habang naglalakad kami ay napatingin ang lahat sa gawi namin.
"Na naman! Bakit ba sila ganyan makatingin."- bulong ko sa mga kasama.
"Oo nga eh. Nakakailang tuloy!"- Azu.
"Ganyan talaga pag magaganda. Mapapatingin talaga sila."- Rei at humagikgik pa ito
Siniko naman ito ni Tin kaya sumeryoso itoh.
May point naman si Rei. Baka nagagandahan talaga sila sa amin. Hihi.
Pero ang awkward ha. Lahat ng mata nakatingin eh. Kayo kaya dito sa lugar namin. Tingnan ko lang kung anong gagawin niyo. Baka magtago nalang kayo dahil sa mga tingin nila.
Nabaling naman ang atensyon ng mga estudyante sa stage ng may magsalita. "Ahermm!!! Mic test! Goodmorning everyone!"-si Miss Blood pala. Yung dean namin.
Siya siguro yung nagpatawag ng sa aming lahat. Pero bakit?
"Pinapunta ko kayong lahat dito dahil sa isang importanteng announcement. I know kilala niyo na ang mga Exchange students natin from Martinni College?"- tumango ang iba at meron namang tumitingin sa gawi namin.
YOU ARE READING
BREAKING THE RULES:BLOODIC ACADEMY ( ON-GOING)
RandomWill love be enough to have peace and freedom? Could it be enough to experience the normal world? Well, let's find it out. Genre: Romance, Comedy, Action, Mystery, Drama. By: cutie_chick01