Chapter 10: The King's First Move

35 0 0
                                    


Chapter 10: The King's First Move

Mizue's POV

Pagkatapos ng mga nangyari kahapon ay pumasok parin ako sa school na to .Ayuko naman kasing umabsent para lang magpagaling no .Mamaya isipin pa nilang napuruhan nga talaga ako o hindi kaya'y baka isipin nilang natatakot na kong magpakita sa kanila kaya umabsent nalang ako .

Ang totoo kasi'y hindi naman talaga gaanong nabugbog ang katawan ko kahapon at kaunti lang din naman ang mga naging pasa at galos ko .Sanay na rin naman kasi ang katawan ko sa mga ganito kaya naman parang wala nalang sa'kin .

Mas matindi pa nga dito minsan ang natatamo ko eh .

Maaga akong pumasok ngayon kaya naman wala pang gaanong mga estudyante sa paligid .

Naglalakad ako ngayon dito sa hallway na papunta naman ng library para sana magbasa ng libro habang naghihintay ng klase .

Habang naglalakad ako .Napansin ko ang tatlong estudyanteng babae na pinalilibutan ang isa pang babae .

Tinignan ko naman ito at ng makilala ko ...

Si Lopez lang pala .

Ok na kaya siya ?At teka ?

Ano na naman kayang ginagawa ng mga yan sa kaniya ?Tsk !!

Naglakad pa ako papalapit sa kanila at habang naglalakad ako ay napansin ko naman ang isang CCTV camera sa may bandang sulok na ng kisame .

Napangisi naman ako .

Dinukot ko agad sa bulsa ko ang cellphone ko saka ako nagtype doon .Nang maisend ko na iyon ay sakto namang ilang hakbang nalang ang layo ko sa tatlong babaing yun at kay Lopez .

" Bakit ba an'dito ka parin huh ?!! Umalis kana nga dito !Di naman kasi nababagay ang mga kagaya mo dito eh !! Masyado lang kayong masakit sa mata !! " - sigaw sa kaniya ng isa sa tatlong babaing nakapalibot sa kaniya .

" OO NGA NAMAN !! Lumipat ka na nga lang ng kung saan school ka nababagay !Lumipat ka nalang sa school kung na saan ang mga isang kahig ,isang tukang kagaya MO !! "

" Tama !! At isa pa ,kayo lang ang nagiging dahilan kaya pumapangit ang image ng school na to !Kung wala lang kasi sanang mga weak edi sana wala ng nabubully dito !! "

Napangisi naman ako .

" Talaga lang huh ? " - sabat ko sa likuran nila kaya naman agad silang naglingunan sa'kin at ng makita nila ako ay akala mo'y nakakita ng multo sa sobrang laki ng mga mata nila .Pfft !Epic ng mukha ah .Sarap kuhaan ng picture sa totoo lang .

" Tama ba yung narinig ko ?Na ang mga kagaya namin ang nakakapagpapapangit ng image ng school na to ?Na kung wala sanang mga weak na kagaya NIYO wala sanang nabubully dito ?At yung tungkol sa masakit kami sa mata ?Totoo ba yun ?Pati na rin yung iniuutos niyo kay Lopez na lumipat na lang siya ng school kung saan siya nababagay ?Sa school kung na saan ang mga kagaya niyang isang kahig at isang tuka ?Hahaha !! " - biglang tawa ko dahilan para matigilan sila lalo .

" You're really making me laugh ,don't you ?Hmm ...What if I told you that because of what you just said ,5 minutes from now .The School Head Officer will call you only to say that the three of you were already kicked out on this school ?Would you believe it ? " - nakangisi kong sabi sa kanila .

Nanlaki naman ang mga mata ng mga ito dahil sa gulat pero agad din namang napalitan ang emosyon ng isa sa kanila ng inis .

" Shut up !! Bakit ?Sino ka ba sa tingin mo para sabihin sa'min yan huh ?! Isang hamak na nerd ka lang .Isang hamak na pangit ,lampa ,at walang kwentang nerd ka la --- " - hindi na nito natapos pa ang sasabihin niya ng bigla akong nagsalita .

The Notorious ANGEL In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon