Chapter 8: The Trouble

29 0 0
                                    

Chapter 8: The Trouble

Mizue's POV

Pagpasok na pagpasok palang namin ay ang mga masasamang tingin na kaagad ng mga estudyante dito ang nasalubong namin .Tss !Gaano ba kasama sa paningin nila ang mga nerd na kagaya namin at ganiyan sila kung makatingin ?

" Dun tayo oh ." - turo ni Kim sa isang table na nasa bandang dulong bahagi na ng cafeteria at malapit lang sa glass wall .Napansin ko ring medyo malayo ang pwesto nito sa iba pang table ng mga estudyante dito .

Pinuntahan naman agad namin iyon pagkatapos naming bumili ng pagkain namin .

" Alam mo ba ?Dati ,kami lang talagang dalawa ni Annie madalas na kumain dito .Wala kaming ibang kasama dito kun'di kami lang talagang dalawa ." - pag-uumpisa nitong magkwento .

" Minsan pa nga ...ako lang talaga mag-isa eh lalo na kapag hindi pumapasok si Annie o kaya wala siyang ganang pumunta dito .Alam mo ba kung bakit ? " - huminto muna ito saka tumingin sa'kin .

" Hmm ..Why ? " - tanong ko sa kaniya .Bigla namang lumungkot yung mukha niya .

" Eh pa'no kasi ...Walang gustong lumapit o kahit man lang tumabi sa'min dito .Ayaw nila kaming tabihan dito kasi mga pangit daw kami .Mga nerd .Mga hindi daw nabiyayaan ng kagandahan kagaya nila ...lalong lalo na daw si Annie ." - malungkot na kwento nito sa'kin dahilan para magtaka ako .

" Bakit ?Ano bang meron kay Lopez ? "

" Bukod kasi sa pagiging nerd niya ,pagkakaroon ng kayumangging kulay ,buhaghag na buhok ,sobrang laking eye glasses ,brases ,at saka yung damit niyang kusot-kusot eh walang wala pa siya .I mean ,hindi siya kagaya natin na mayaman at may pera .Kaya nga sa aming dalawa ,siya yung mas madalas at mas grabe kung mabully dito sa loob lalong lalo na ng mga namumuno .Siya lagi yung pinagkakaisahan at kinakawawa .Kaya nga awang awa ako sa kaniya eh .Gustuhin ko mang tulungan siya sa tuwing inaapi siya ng iba ang kaso ,hindi ko din kasi alam ang gagawin ko eh .Natatakot ako sa kanila at isa pa ...wala akong laban sa kanila .Mahina lang ako kagaya ng iba na tinatawag nilang mga weak na tao ." - hindi man halata sa mukha ko pero aminado akong nalungkot ako sa sinabi niya na may halong inis din dahil sa mga taong umaapi sa kanila .

Ganito ba talaga sila dito ?Ganito ba talaga ang mga taong nag-aaral sa school na pag mamay-ari ko ?!

" Minsan nga sa sobrang awa ko sa kaniya nasasabi ko nalang na lumipat nalang siya ng ibang school kaysa naman sa magtiis siya dito .Habang tumatagal kasi ,palala ng palala yung mga ginagawang pambubully ng mga estudyante sa kaniya dito .Kagaya na lamang nung ginawa nilang pambubugbog sa kaniya sa sarili nilang silid tapos yung muntikan na nilang pagsasamantala kay Annie .Hindi ko na kayang makita pa yun at mas lalong hindi ko na rin kayang makitang nasasaktan at nahihirapan siya ng sobra ng dahil dun ." - napansin kong naluluha na ito habang nagkekwento kaya naman dinukot ko kaagad ang panyo ko sa bulsa ko saka ito iniabot sa kaniya .Kinuha niya naman agad iyon saka nagpasalamat .

" Ang kaso ,ang sabi niya sa'kin .Gustuhin man daw niyang lumipat ,wala rin naman daw siyang magagawa kasi hindi na daw makakaya pa ng mga magulang niya na pag-aralin pa siya lalo na't marami silang magkakapatid na pinag-aaral ng mga magulang niya at imbes na huminto at magtrabaho ay pagtitiisan niya nalang daw 'to tutal konting panahon nalang din naman daw ang hihintayin niya para makapagtapos .Isa pa ,sayang din naman daw yung oportunidad na mabigyan siya ng scholarship na magagamit niya para makapag-aral ng walang masyadong binabayaran kung aalis lang siya dito ." - pagpapatuloy nito sa pagkekwento .

Hindi na ako nag-abala pang magsalita sa halip ay pinakinggan ko na lamang ang mga ikinikwento niya sa'kin patungkol kay Lopez .

Naiinis man ako sa mga naririnig ko ay nanatili parin akong kalmado ,tahimik at walang kahit na anong emosyon na makikita .

The Notorious ANGEL In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon