Chapter 12: He Stole My 1st Kiss

22 0 0
                                    

Chapter 12: He Stole My 1st Kiss

Mizue's POV

" Takboooooo !! " - sigaw ko ng makita ko na naman uli ang mga lalaking kanina pa humahabol sa'min .Haist !! Ang aga aga naman nila magsimula .

Pangatlong araw na ngayon ng magsimula ang limang bwiset na feeling hari na yun sa pambubully sa'ming tatlo .

Yup !! Kaming tatlo nila Annie at Kim yun at sa tatlong araw na yun .An'dami ng nangyari sa'min .

Walang kataposang pranks kagaya nalang ng paglalagay nila ng patay na maliit na butiki sa kinakain naming sopas .

O yung paghahalo nila ng patay na ipis sa loob ng float namin .

Tapos yung paglalagay nila ng palaka sa loob ng bag namin tsaka yung pinaka ayaw ko sa lahat .

Yung paglalagay nila ng malalaking DAGA sa locker ko .Whaaaaaaaah !!! Ipanakot na nila sa'kin lahat kahit multo o si kamatayan wag lang talagang DAGA !!!

Tapos yung pambubully namang ginagawa nila yung panghahabol sa'min sa hallway para batuhin ng itlog .

Yung pangkokontyaba nila sa mga teachers na paglinisin kami ng cr tapos sasadyain nilang maglabas pasok dun na puro putik yung sapatos .

Tapos yung pang-aagaw nila sa pwesto namin sa canteen .

O kaya yung maninilip nila sa ilalim ng mga skirt namin na usually gawain talaga ng boys pero pati bakla at kahit babae ginagawa na rin .Ok lang sana kung simpleng silip lang gamit yung salamin tapos inilalagay lang sa ilalim ng skirt namin para makita yung underware kaso hindi eh .

Cellphone ang gamit nila tapos pagnaipwesto na nila yun sa ilalim ng skirt namin saka nila yun kinukuhaan ng litrato at ipopost nila sa bulletin board .Argh !!

Pambihira talaga oh .Makita ko lang talaga yung limang asungot na yun makakatikim talaga sila sa'kin .

Pwede naman silang gumanti sa'kin ng harapan eh ba't kailangan pa nilang manguntyaba ng iba ?

Puro lang ba talaga sila ganiyan ?Isa pa ,sa pagkakatanda ko .Ako lang ang may atraso sa kanila (kung meron nga ba talaga) at walang kinalaman doon itong dalawa kong kasama .

Hindi ako nambibintang ah kasi talaga namang dinadamay nila tong dalawang wala namang ginagawa sa kanila kagaya nalang ngayon .

Kung hindi pa pumasok sa isip kong hanapin ang dalawang to baka hindi ko pa nakitang pinapagitnaan na pala sila ng mga manyak na lalaki dun sa likod ng lumang gusali .Tsk !

" Doon tayo ." - turo ko sa isang building na nasa bandang sulok na .

Medyo madilim doon dahil sa walang nakabukas na ilaw at hindi rin natatamaan ng araw dahil sa iba pang nagtataasang building na nakapwesto doon at ilang puno sa tabi nito .

Hanggang 3rd floor lang kasi ang taas nito at sa tingin ko'y ito ang pinaka maliit na gusali dito .

Pumasok kami doon at umakyat sa 3rd floor saka naghanap ng matataguan .

" Z-zue ...ang dilim naman dito .Wag nalang kaya tayo dito magtago ." - kapit na kapit at halatang natatakot ng sabi sa'kin ni Annie .

" Sssh !! Wag ka ngang maingay dyan .Kung di tayo dito magtatago eh san mo pala gusto ?Mukha bang may iba ka pang matataguan dito huh ? " - tanong ko sa kaniya .Di naman ito nagsalita at nanahimik nalang .Buti naman .

" Nako ,pano yan ?Di na naman ata tayo makakaattend sa mga klase natin .May long test pa naman tayo ngayon Zue ." - sabi naman ni Kim sa'kin .Haist !! Oo nga pala .Bwesit kasi eh .

The Notorious ANGEL In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon