Chapter 16: Meet The 5 Royalty Princes

31 0 0
                                    


Chapter 16: Meet The 5 Royalty Princes

Mizue's POV

It's already 6:45 in the morning at kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa malawak na ground field ng MRA papunta sa Royalties Campus .

Sa totoo lang ,kanina pa talaga ako dito .Maaga akong pumunta dito dahil hindi na rin naman ako pwedeng matulog dahil baka malate lang ako .

1 na kasi ng makatulog ako at nagising naman ako kaninang 5 dahil sa maagang pagtawag sa'kin ni Butler George .At imbes na matulog pa uli ay bumangon nalang ako para mag-ayos ng mga gagamitin ko sa pagpasok ko .

*yaaaaaaaaaaaawn*

Aaaaaaah !! Inaantok pa ko .Kainis naman kasi eh .An'sakit na rin ng ulo ko't alam kong dahil yun sa kulang nga ako sa tulog .Damn !!

" Tignan mo .Ano bang klaseng pananamit yan ? "

" Eh ?Masyado niya namang pinapapangit ang uniform natin .Di niya ba kayang suotin yan ng maayos ? "

Ano pa bang aasahan niyo dyan eh nerd nga yan at pagsinabing nerd .Badoy talaga kung manamit ."

" Haist !! Naturingang isa sa Special Student tapos ganiyan kung suotin yung school uniform ng MRA ."

" Bruha talaga !! Ang sarap niyang hubaran .Nakakairita siya ."

Ilan lang yang sa mga naririnig kong pagpaparinig nila sa'kin ngayong umaga and honestly ,naririndi na kaagad ako .

Haist !! Kailan ba talaga sila mapapagod sa kakapansin sa'kin ?Can't they even mind their own businesses ?Masyado na silang nangingialam eh .

Di ko nalang sila pinansin at nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglalakad habang nakalagay pa sa suot-suot kong white coat ang mga kamay ko .

Wala akong oras para patulan yang mga kabaliwan nilang yan lalo na't wala talaga ako sa mood ko ngayon dahil sobrang inaantok pa ko at masakit pa ang ulo ko .

Someone's POV

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon dito sa ground field na katapat lang ng Royalties Campus ng may bigla nalang kaming narinig na sigaw ng isang lalaki di kalayuan samin .

" TANGNA !!TUMITINGIN KA BA TALAGA SA DINADAANAN MO O ANO ?!! " - rinig naming sigaw ng isang pamilyar na boses at ng tignan namin .

Nasa mismong gitna sila ng field at bahagya na ring napapalibutan ng ilang estudyabte dito .

" Oh ! An'dito na pala yang mga yan ? " - rinig kong sambit ni Mackie sa tabi ko .

" Oo nga no ?Sa'n naman kayang lumalop ng lamang lupa sila nagpunta't isang linggo rin silang hindi nagpakita dito ? " - sabi naman ni Khyle na katabi lang ni Ethan at ni Zack .

Nakatingin lang kami pareho sa iisang direksyon kung nasaan ang limang ugok na iyon .

" Baka naman ,nagpagaling muna sila sa mga pasa at black eye na nakuha nila sa'tin kaya hindi sila pumasok .Hahaha ,isang linggo rin pala bago humilom yung mga suntok at sipa natin sa kanila ah ." - nakangisi ko namang sambit sa kanila .

" S-sorry p-po P-prince .H-hindi ko p-po sinas-sadya .S-sorry po ." - nauutal at halata ang takot nito habang sinasabi niya ang mga iyon .Bahagya pa itong yumuyuko sa limang ugok na yun habang humihingi ng tawad .Tsk !! Sa'min lang dapat sila ganiyan no !!

" SORRY ?!! EH GAGO KA PALA EH !! " - bulyaw nito sa lalaki kasabay ng sunod na sunod na pagsipa at pagsuntok nito sa mukha at katawan ng lalaki na ngayo'y nakahiga na .

The Notorious ANGEL In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon