#4

31.9K 1.1K 11
                                    

    SA mansion Mondragon ay umiiyak ang ama ni Andrei sa nangyari. Ilang araw nang pinaghahanap ng mgaa tauhan nito ang anak. Ngunit hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung nasaan ito. Ayon sa mga tauhan ay walang natagpuan na katawan. O kahit anong gamit na pagmamay ari ng kaisa isang anak. At nakakasiguro na wala rin sa loob ng eroplano ang katawan nito. Sinusuyod na rin ang buong isla pero walang senyales na naroon ito.
 

  "Where are you my son?" napa luhod sa carpet habang tumatangis. Gustong sisihin ang sarili, dahil kung hindi pinilit na ipakasal ang anak. Hindi sana ito aalis ng mansyon nila, at hindi mangyayari ang trahedya na iyon sa kaniyang anak.
 

  "Pasensya na po Senyor, wala pa rin pong balita tungkol kay Master Andrei."
 

  "Go! Magpahinga na kayo, at bukas ay ipagpatuloy ang paghahanap. Tumawag na ako sa coast guard at sila na ang bahala sa karagatan ng buong isla."
 

  "Sige po Senyor."
 

  Lumipas ang dalawang linggo ngunit wala parin balita kay Matthew Andrei. Ang ama ay halos nawalan na ng pag asa kung buhay pa ba ang anak. Siguro ay totoong iniwan na din siya nito, kagaya ng mahal niyang asawa.
 

  Hanggang naging usap-usapan na ng board member ang planong paglalagay ng bagong CEO. Sa kadahilanang mula ng araw na mawala ang anak ay bakante na ang pwesto nito. Alam niya na maraming candidate para sa posisyon na iyon.
  Subalit hindi siya makakapayag, kailangan makagawa siya ng plano. Dahil kung tuluyang wala na ang anak at talagang hindi na ito babalik. Mas mabuti pa na Full Out na lang niya ang buong shares.
  Wala siyang tiwala sa kahit sino man na papalit bilang bagong CEO. Matagal na niyang alam na may mga anomalya at gawaing illegal ang ama ng napipisil na bagong CEO.
  Noon pa man ay gusto na niya iyong bitawan dahil hindi na maganda ang takbo ng kompanya.
 

  Nagkamali nga ba siya na piliting ipakasal niya si Matthew sa anak ng vice president? Dahil mula ng mawala ang anak niya ay hindi man nagpakita o nag alala man lang ang fiancee nito na si Beatres.
 

  Samantala sa Isla Buena Vista, nasanay na si Andrei sa kapaligiran. Stable na ang katawan niya. Subalit hanggang ngayon ay wala pa ring maalala. Sinabi lang ni Yzabelle ang pangalan at kaunting impormasyon sa kaniyang pagkatao.
  Gustuhin man niyang magtanong pa sa dalaga ay walang lakas ng loob para lapitan ito. Sapagkat nang dahil sa kaniya ay naging mapanganib na ang buhay nito. Ang hindi niya maintindihan ay bakit siya tinutugis ng mga bandido.
  Kaya't para hindi masyadong mainip ay naging routine na niya ang gumising ng maaga at mag jogging sa dalampasigan. Mauupo siya sa isang malaking bato at hihintayin ang pagsikat ng araw.
 

  Kagaya na lang ngayon pasado ng alas otso, kaya tumayo na at tumakbo pabalik ng resthouse.
 

  "Good morning." at nakita niyang lumingon sa kaniya si Yza.
 

  "Hi morning too, kumusta na ang pakiramdam mo?" wikang sagot naman nito.
 

  "Mabuti naman, ikaw kumusta ka naman?"
 

  "Ayos lang ako. Tipid na sagot nito sa kaniya.
 

  "Amh, gusto mo ba na dito na lang mag breakfast? Tanong niyang muli dito. subalit tango na lang ang isinagot nito sa kaniya. Napakaganda talaga nito at alam niya sa sarili na nagkakagusto siya sa dalaga. Subalit bigla ang pangyayari. Nang bigla siya nitong lundagin.
 

  "Dapa! Mr. Mondragon!" kasabay ng bagsak nilang dalawa sa lupa. Dalawang putok ang narinig nila. Awkward ang naging posisyon nilang dalawa. Dahil sa pagkaka dagan sa kanya ni Yza. At ang kanyang ulo ay nakabaon sa pagitan ng dibdib nito.
 

  Ilang minuto sila sa ganoong tagpo at nanatili sa posisyong iyon, kaya naman hindi siya nakapigil. Pinagsalikop ang mga braso sa katawan ng dalaga at mahigpit itong niyakap. At kahit nasa delikadong sitwasyon na silang dalawa ay hindi inaasahan ang kakatwa na pakiramdam ang lumukob kay Yza. Kaya mabilis na lumayo sa binata at sinikap na gumapang.
  "I'm sorry Ms. Yza." Hinging paumanhin niya sa dalaga. At nagulat pa silang dalawa nang may magsalita. Hindi man lang nila namalayan na may tao sa paligid. Nakalimutan na rin kung bakit nasa ganoon silang sitwasyon.
 

 The HUNK Mathew( Soon To Be Publish )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon