#6

33.6K 1K 10
                                    

    MAKALIPAS ang mahabang paglalakbay ay naglanding ang sinasakyan nila sa England. Wala silang sinayang na sandali bawat kilos nila ay double time.
  Isang two story house ang hinintuan ng taxi'ng kanilang sinasakyan. At nakamasid lang si Andrei sa paligid wala din kibo habang papasok sila sa loob ng bahay.
  Dumeretso si Yza sa kwarto at naiwan si Andrei sa sala naupo lang siya sa sofa, masyadong napagod sa mga nangyari sa kanila ng dalaga kaya ng sumandal ito ay tuluyang nakatulog.
 

  Hindi alam ni Yza o Isabell kung gaano katagal siyang nakatulog. Basta ng magising ay agad na pumasok sa loob ng banyo at may pagmamadali na naligo.
 

  Bagong paligo si Yza ng bumaba at naabutan niya ang binata nakahiga ito sa mahabang sofa.
 

  "Ahm.... Andrei..." ngunit natigilan siya dahil tulog pala ito kaya sinalat na lang ang noo kung may lagnat pa ba ang binata. Medyo mainit pa rin, kaya tumuloy na lang siya sa kusina para alamin kung ano ang mga kailangan nila, especially food.
 

  Matapos mailista ang mga bibilhin ay gumawa siya ng note. Para kung sakaling magising ito ay hindi siya hanapin.
 

  A few hours later...
  Pagkatapos mamili ng personal na gamit kagaya ng mga damit na para kay Andrei ay nag grocery naman siya. Dinamihan na niya para mayroon silang stocks at nang hindi na kailangan na laging lumabas.
 

  Pagdating sa bahay ay nanatiling sarado ang pintuan, meaning baka tulog pa rin ito.
 

  Ibinababa niya ang mga pinamili ng lumapit ang kapitbahay niyang si Marcus. Kasamahan din niya sa pagiging agent pero active ito. Hindi kagaya niya na paminsan minsan na lang kung tumatanggap ng mission dahil sa mga nangyari noon.
 

  "Hi, Yza, kumusta? Anong pinagkakaabalahan mo ngayon at napakatagal mong hindi nagpakita?" tanong sa kanya ni Marcus.
 

  "I'm good, how about you?" aniya habang patuloy sa ginagawa.
 

  "Ito walang nagbago, you need help?" tanong nito sa kaniya.
 

  "No, it's okay."
 

  "So, babalik ka na ba uli sa trabaho?"
 

  "Not sure," at humakbang na si Yza papasok ng bahay habang nakasunod sa kaniya si Marcus. Nasulyapan niya si Andrei na busy sa harapan ng malaking screen.
  Samantala ay tila wala namang nakikita si Andrei, tuloy lang ito sa panonood ng tv. Subalit ng mapalingon at nakitang may ibang kasama ang dalaga ay agad na tumayo. Nakasimangot na tinungo ang kwarto.
 

  Dala ni Yza ang biniling mga personal na gamit para ibigay iyon sa binata ngunit bigla itong nawala. 
  "Nasaan na ba ang lalaking 'yon bakit biglang nawala?"
 

  "Umalis at masama yata ang mood, sino ba kasi yon?" sagot ni Marcus sa kanya.
 

  "I see." Pagkatapos ay nilagay na muna niya sa loob ng shelves ang mga delata pati ang ibang groceries at ang frozen foods ay loob ng fridge.
  "Anong plano mo ngayon Yza? Tatanggap ka na bang muli ng mission?"
 

  "Wala pa, meron akong importanteng mission ngayon na hindi related sa organisasyon."
 

  "Kung anuman yon, sana ay hindi malaman sa taas dahil siguradong tatawagan ka nila para mag report na. Alalahanin mong naka bakasyon ka lang."
 

  "Alam ko naman yon eh."
 

  "Sige maiwan na kita at may lakad ang grupo ngayon." paalam ni Marcus sa kanya.
 

  "Okay, ingat kayo."
 

  "Call me if you need me."
  "Thanks Marcus."
 

  Matapos maisara ang pintuan ay umakyat siya sa taas, pinuntahan ang kwarto ng binata. Bukas ang pintuan kaya tumuloy na lang siya at ibinaba ang mga pinamili.
  Hindi pansin ang nakatayo na si Andrei sa nakabukas na pintuan ng banyo. Kakatapos lang nitong maligo habang pinupunasan ang basang buhok at tanging boxer short lang ang suot.
 

 The HUNK Mathew( Soon To Be Publish )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon