#1

85.7K 1.7K 14
                                    

NOTE: PLEASE FOLLOWED ME PARA MABASA NINYO ANG PRIBADONG PARTE NG KWENTO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NOTE: PLEASE FOLLOWED ME PARA MABASA NINYO ANG PRIBADONG PARTE NG KWENTO.

*********************************************************************************************

    CHAPTER- 1
 

  HUMARANG sa kanyang harapan ang driver bodyguard upang pigilan siya sa pag-alis.
 

  "Sir hindi ka maaaring umalis ngayon dahil napakadilikado ng panahon at may paparating na bagyo."Subalit hindi niya ito pinakinggan at gagawin ang kaniyang gusto. Hinila ang traveling bag na palagi niyang dala sa tuwing lilipad siya.
  Lahat ng madaanang mga bodyguard ay sinusubukan na pigilan ang pag alis niya. Ngunit galit na galit siya at halos manuntok na sa inis. Kaya walang nakahadlang sa kaniya kahit sino pa ang humarang.
 

  "Tumabi kayo dyan! Kundi sasamain kayong lahat sa akin!" angil niya sa lahat ng mga tauhan na gustong humarang sa kanyang dadaanan.
 

  Mabilis ang kanyang mga hakbang para hindi din abutan ng ulan. Kailangan ay makaalis agad siya ng bahay at ng makaiwas sa paparating na bagyo. Dapat ay makarating agad sa pupuntahan bago pa mag deklara na kanselado ang buong flights.
  Siya mismo ang piloto sa pribadong eroplano nilang ng ama. May piloto naman sila pero mas gusto niya na siya ang magdala lalo sa pagkakataong ito.
  Habang nasa himpapawid ay hindi niya maiwasan balikan sa isipan ang naging pagtatalo nila ng ama.
 

  'No! I said! Walang kasalang magaganap, hindi ko hahayaan na i-manipulate mo ang buhay ko! I'm old enough dad, para ikaw ang mamili ng babaeng pakakasalan ko! Simula ng mamatay si Mommy lahat ng gusto mo ay sinunod ko! But this time, ako naman ang masusunod!" nakita ko ang pag kuyom ng kanyang kamao. Mapula na rin ang mukha ng ama sa matinding galit at parang gusto na siyang suntokin nito.
 

  "Bastard! huwag mong ubusin ang pasensya ko Mathew Andrei! Bata pa lamang kayo ay itinakda na ang kasal ninyo! Ngayon ang tamang panahon para sa pag iisang dibdib niyo ni Beatres!"
 

  "Hindi dad, hinding hindi ako magpapakasal sa kanya! Magpapakasal lang ako sa babaeng mahal ko!" galit kong pahayag kay daddy.
 

  "Tandaan mo Mathew, pag sinuway mo ang mga salita ko ay wala kang mamanahin kahit isang kusing! Lahat ng cards mo na konektado sa akin ay ipapa hold ko. At hindi ka na makatapak pang muli sa lahat ng pagmamay-ari ko!"
 

  "Fine! gawin mo dad, hindi ako natatakot kahit wala kang ipamana sa akin!" lumaki na rin ang boses ko dahil sa inis na nararamdaman.
  Binunot niya ang wallet at hinugot lahat ng cards pagkatapos ay inilapag sa harapan ng ama. Connected iyon sa lahat ng company na pag aari ng kanyang ama.
 

  Nagbalik ang isipan niya sa kasalukuyan ng may maramdaman na kakaiba.
  Halos umikot ang pribadong eroplano na dala niya sa lakas ng hangin. May kasamang malakas din na ulan at nahihirapan siyang kontrolin iyon.
  Nag signal na ang emergency light ng eroplano at kailangan niyang mag emergency landing at delikadong ma-crash iyon.
 

 The HUNK Mathew( Soon To Be Publish )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon