#3

37.1K 1.2K 17
                                    

    SI Yzabelle ay patakbo nang lumabas mula sa kwarto at pumasok sa kabilang silid. Mabilis na nagsuot ng black over all leather ganun din ang boots at itinali ang mahabang buhok. Inilagay ang dalawang baril sa magkabilang baywang. Gano'n din ang mga maliliit na bagay na matalim ay ikinabit niya sa may dibdib. Ang huli ay ang hunting knife ay nilagay sa gilid ng binti na nakapaloob sa may boots. Bitbit ang malakas na baril ay bumalik sa guest room at kitang kita niya ang pagkabigla sa mukha ng binata.
 

  "Oh thank God at gising ka na, kaya mo bang tumayo? Don't worry aalalayan kita, kailangan nating makapunta sa safe na lugar at wala na tayong oras."
 

  Hindi na niya hinintay na sumagot ito at hinablot ni Yzabelle ang paubos nang dextrose saka itinapon sa ilalim ng kama.
 

  Kahit nagugulohan ang binata pero sinunod pa rin niya ang mga sinasabi nito. Hirap na hirap siyang maglakad dahil sa mga sugat kaya naka alalay sa kaniya ang dalaga. At pagtapat nila sa malaking frame ay may pinindot ito at biglang bumukas iyon. Isa iyong hagdanan na pababa sa madilim na basement.
 

  "Please bilisan mo," kaya kahit napangiwi siya ay tiniis na lang ang sakit.
 

  "Where are we going?" hindi nakatiis ay tanong niya sa dalaga.
 

  Napalingon si Yzabelle nang magsalita ang binata. Napakaganda ng boses nito kaya lang hindi ito ang tamang oras para siya ay kiligin. Pagdating nila sa loob ay mabilis ang kilos na inihiga niya ito doon.
 

  "Mr. Mondragon, iiwan kita dito at kahit anong mangyari huwag na huwag kang aalis. Kahit ano pa ang marinig mo, basta dito ka lang."
 

  Hindi pa man lang siya nakaka sagot ay tumayo na ito para iwan siya.
 

  "Ms, saan ka pupunta at ano ba ang nangyayari?" nag panic na tanong niya rito.
  "Call me Yza, Yza-Isabel Buena Vista, iyan ang full name ko. Please listen to me, nanganganib ang buhay mo kaya makinig ka sa akin, okay?"
 

  Magsasalita pa sana siya ng bigla itong maglaho sa kanyang paningin. Magulo ang isipan tungkol sa mga sinasabi ng dalaga. Bakit siya nanganganib at sino ang babaeng ito bakit siya nito kilala.
  Minabuti niyang manahinik at sumandal na lang sa pader.
  Ngunit malakas na putukan ang kaniyang naririnig sa labas. At hindi niya maiwasang mangamba para sa dalaga.
  Gustuhin man niyang kumilos kaya lang hindi niya magawa. Mahigpit ang bilin sa kaniya na huwag lalabas doon. What ever happen ay dito lang siya, iyon ang bilin sa kaniya.
 

  Nakaramdam tuloy ng inis sa sarili na wala siyang magawa. Hindi man lang siya makatulong at naging pabigat pa dito. Masyadong madilim ang basement na kinalalagyan niya. Masakit na din ang kaniyang mga binti sa pagkaka baluktot sa loob ng closet.
  Almost thirty minutes na ang lumipas at ngalay na ngalay na din siya. Kaya nagpasya na lumabas doon para makaunat.
  Medyo na relax naman ang pakiramdam ng maunat ang katawan.
  Kaya lang biglang bumukas ang pintuan ng basement. Papasok sa siyang muli sa loob nang closet ng makilala niya ang dalaga. Hirap itong maglakad kaya nakaramdam siya ng takot para dito.
 

  "Mr. Mondragon!" hindi nakaligtas sa pandinig niya ang boses nitong tila nahihirapan. Nang bigla itong natumba sa sahig, kaya kahit hirap na hirap siya ay sinikap na maka lapit dito.
 

  "Ms. Yza, are you okay?"
  Kaya lang hindi na ito sumagot at kahit madilim ay aninag naman niya ito.
 

  ".....Ms. Yzabelle!" niyugyog niya ang katawan nito. Nang may makapa siyang basang malagkit na likido. Pinilit niyang tumayo para hanapin ang switch ng ilaw. Sa may bandang pintuan niya iyon nakapa at nagliwanag ang paligid. At napatakbo siya ng makita ang kalagayan nito. Naliligo ito sa sariling dugo.
 

 The HUNK Mathew( Soon To Be Publish )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon