#5

35.4K 1.2K 13
                                    

    SAMANTALA ay walang kamalay malay ang mga tao sa mansion Mondragon na may isang aninong nakapasok. Mabilis ang kilos na dumritso si Yza sa isang kwarto.
  Pagkapasok ay sumandal lang sa wall si Yza na pinagmamasdan ang super tycoon na si Arthemio. Papaano kung isa siya sa mga killer, mga walang kwentang mga taohan at nalulusotan.
  Naalipungatan ang matanda sa kakaibang amoy. Bumangon ito at hinagilap ang eyeglasses sa side table. Tumayo ito at lalabas sana ng mandilat ang mga mata na napatingin sa kanya. Mabilis na natakpan ni Yza ang bibig nito bago pa makasigaw.
  "Sir please listen to me, kaibigan ako ng anak ninyo at may ipinabibigay siya sa inyo."
  Iniabot niya dito ang puting sobre na mabilis na tinanggap iyon. Nagmamadaling naupo at ini on ang lamp na nasa gilid ng kama.
  Pagkatapos basahin ay tumigin sa kanya ito.. Mabilis ang kilos ni Yza na inilabas ang lighter at sinindihan para sunogin ang papel.
  "Bilin ho ng inyong anak na h'wag kayong magtitiwala sa kahit sino. Lalo na sa mga investor at mga tao sa loob ng kompanya. Sa araw ng pagpapalit ng CEO ay darating ho siya."
  "Salamat iha."
 

  Matapos makapag paalam ay nilisan na niya ang lugar. Nagpasya na magliwaliw muna at magshopping bago bumalik ng bahay, sa lugar kung saan sila pansamantalang nagtatago.
  Nasa isang isla sila sa parte ng Nasugbu Batangas, sakay ng speedboat ay pakanta kanta pa siya. Thirty minutes travel kaya isinandal niya ang likod at hinayaang liparin ang mahabang buhok.
 

  At nang malapit na siya sa patutunguhan ng tumigil siyang sandali. Hawak ang telescope ay iginala ang paningin sa palibot ng isla.
  Kinabahan siya ng mamataan ang isang malaking speedboat na naka hinto malapit sa isla kung saan ay naka stay sila ng binata. Panganib agad ang kaniyang naramdaman para kay Andrei. Halos paliparin ang speedboat na gamit patungo sa ibang direksyon. Sa lugar na hindi mapapansin kung sino man ang sakay ng malaking speed boat."Please Andrei be safe ang wait for me." bulong niya sa hangin.
  Pagka hinto ay mabilis na tinalon niya ang pang pang at patakbo ng umikot sa may batohan. Iyon ang usapan nila ng binata incase of emergency dito siya tatakbo para magkubli.
  Pumasok siya sa cave, at napaka dilim ng paligid kaya hindi niya maaninaw ang loob.
 

  Mabilis na kinuha ang mga baril na nakatago doon at agad na nilagay sa katawan. Pati na ang mga maliliit na weapon ay mabilis na isinabit sa parting harapan. Mabuti na lang bago sila dumatings a lugar na yon ay nakapagbilin siya sa mga kasamahan agent at hindi nakalimutan ng ilagay doon ang mga iyon.
 

  "Andrei!" tawag niya dito pero walang sumasagot. Ginalugad niya ang loob at walang ito doon.
 

  Isang putok ang umalingawngaw kaya napa takbo siya palabas. Pagapang na lumapit sa pinanggalingan ng putok.
 

  "Shit! Wala siyang pagpipilian kailangan niyang iligtas ang binata at wala na siyang oras. Jump on the air, sabay bunot sa magkabilang tagiliran ng 45 pistol. Pabagsak na nagpagulong gulong at binaril agad ang taong may hawak ng baril na nakatutok sa ulo ng binata.
  Bagsak ito at siya ay gumulong sa lugar ni Andrei na kinagulat ng binata pagkakita sa kanya nito.
 

  "Go! sigaw niya dito, hindi naman tuminag ito kaya't muli niyang sinigawan.
 

  "Go! Sa cave! Bilisan mo!"
 

  Isa pang malakas na sigaw kasabay ng pagbulagta ng dalawa pang lalaki sa harap nito. Saka lang ito kumaripas ng takbo.
  Kaya lang ay may bumaril dito at tinamaan sa kaliwang likod. Bumagsak at gumulong gulong sa bangin nang cave, kitang kita niya iyon.
  Sobra ang galit na kaniyang naramdaman kaya sunod-sunod niyang pinalipad ang mga gamit na hugis star. May pang pa manhid iyong pag humalo na sa dugo. Walang inaksayang oras na tinungo agad bangin. Doon niya nakita ang na nahulog ang binata. Naabutan niya itong hirap gumalaw.
 

  "Andre, humawak ka sakin please hurry baka maabutan nila tayo."
 

  Halos pagapang na sila para makapasok sa maliit na butas doon. Ito lang ang pinaka safe.
 

 The HUNK Mathew( Soon To Be Publish )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon