“Kapag nagmamahal ka huwag kang mahiya na ipakita ang nararamdaman mo sa kanya, para balang araw hindi mo pagsisihan na hinayaan mo lang siya na mawala, nang hindi ipinaparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga…” -Sharlene
Mahal ni Sharlene si Francis, hindi nga lang siya marunong magpakita ng emosyon at tunay na nararamdaman. Noong una ay akala niya naiintindihan siya nito kaya naman laking gulat niya nang makipaghiwalay ito sa kanya. Pagkalipas ng ilang taon nag-krus muli ang mga landas nila. Nananatili pa rin ang pag-ibig niya ditong akala niya noon ay nawala na, kaya ipinangako niya sa sarili na babawi siya dito. She will win him back no matter what it takes.
Kahit na iba na ang laman ng puso ni Francis.
Kahit na isinampal na nito sa mukha niya na hinding-hindi na ito muling magmamahal ng katulad niyang walang puso.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Honestly naka-apat na draft ako bago ma-finalize ang plot na 'to. haha Sakit ng mga JaiLene 'to eh, sa sobrang solid Jailener ko eh ayaw ko nang mapunta si Shar sa iba. FrancElla fan din ako kaya suntok sa buwan 'tong story na 'to. Sana naman mapa-kilig ko kayo ng very very slight kahit paano XDDD
PS: hanggang chapter 10 or 15 lang 'to. Will update BBB next year na XDD (Pumayag kaya si Sharlene sa alok ni Nash sa Brat Boys Beyond?) Abangan :)