CHAPTER 2

1K 39 5
                                    

Tinititigan ni Sharlene ang naka-benda na niya ngayon na kamay. Pobreng kamay, wala naman itong kasalanan pero pinapak ito ng mga walang awang hantik. Humugot siya ng malalim na hininga, bago makabawi kay Francis siguro kailangan muna niyang pagsikapan na pilitin itong kausapin na siya.

Tama nga sila, saka mo lang malalaman ang halaga ng isang bagay kapag nawala na ito sa’yo. Noon, palaging nandiyan lang si Francis. Minsan nga kahit wala naman itong ginagawang masama sa kanya ay napagtataasan niya ito ng boses pero wala itong pakealam doon. Sinayang niya si Francis.

Sinayang niya ang pagmamahal nito.

Napansin niya ang maliit na tuta sa gitna ng kalsada. Ipagpapatuloy pa sana niya ang paglalakad nang mapansin na may matuling kotse ang dadaan sa kalsada. Hindi man lang ito nagbagal ng kaunti, hindi siguro nito napansin ang tuta.

Tumakbo siya para sagipin ang kawawang tuta sa pagsundo ni kamatayan. Hinihintay na niya ang matinding sakit sa katawan dala ng pagkakabangga sana sa kanya ng kotse, pero wala. Naka-preno pala ito kaagad bago tuluyang durugin ang katawan niya.

“What were you thinking?!  Muntik ka nang masagasaan!” sigaw ng pasahero ng kotse nang lumabas ito doon.

Sa kabila ng nag-aapoy na galit ay mukha pa ring anghel si Francis. Nakakatakot nga lang talaga ang paraan nito ng pagtitig sa kanya. Parang gusto nitong ibaon siya ng buhay sa sementadong kalsada na iyon.

“’Y-Yung aso kasi, F-Francis.” Nanginginig ang boses niya dahil na rin sa shock sa muntikan na niyang aksidente at sa pagkabigla na ito pala ang laman ng kotse na muntik nang pumatay sa kanila ng kawawang tuta.

“Nakita ng driver ko ang tuta na ‘yan and he’s about to stop when you appeared.” Magkasalubong na ang kilay nito at kita niya ang galit sa mga magagandang mata ni Francis. “Where’s your brain Sharlene! Sinasadya mo ba ‘to para mapalapit sa’kin? Kahapon noong kagatin ka ng mga langgam at ngayon naman nang muntik ka namang masagasaan. Do you think that risking your life would make me fall in love with you again? Well sorry, dahil ikamatay mo man ngayon, hinding-hindi na ako magmamahal ng katulad mo.”

Nagbabadya nang tumulo ang luha niya sa masasakit na mga salitang binitiwan ni Francis sa kanya. Sa sobrang sakit, wala siyang ibang magawa kundi ang tumayo lang doon at makinig sa mga sinasabi nito nang hindi man lang ipinagtatanggol ang sarili.

Mahigpit niya na lang na niyakap ang tuta na tahimik lang sa mga braso niya. Alam marahil nito ang nangyayari dahil nakatitig lang ito sa kanya.

Nagsimula na naman itong tumalikod para bumalik sa loob ng kotse nito. Napa-pikit siya, this is the fourth time he walked out on her. Ito ba ang hinihinging kapalit ng tadhana para sa ikalawang pagkakataong makita niya ito? Dahil kung ito nga, napaka-walang puso talaga ng tadhana.

“Naku Polly! Buti na lang at ligtas ka!” sabi ng isang magandang babae na papalapit sa kanya. Kinuha nito ang tuta sa bisig niya at niyakap nito iyon. “Thanks for saving my Polly!” naka-ngiting sabi nito sa kanya.

Bigo naman ako dahil sa tutang ‘yan. Sabi niya sa isip pero gumanti na lang din siya ng ngiti.

“I’m Sabrina and you’re?”

“Sharlene.” Sabi niya pagkatapos ay iniabot niya ang kamay nito na nakalahad sa kanya.

“May problema ba Sharlene? Bakit mukhang nagkasagutan kayo ni Kiko?” tanong ni Sabrina sa kanya.

Kiko?   Bakit alam nito ng palayaw ni Francis?“Oh, sorry. Francis is my childhood friend. Kasabay nila kaming lumipat dito sa Lancaster Village noong isang araw.” Sabrina said as if answering her unspoken question.

“Wala namang problema.” Sabi na lang niya.

Ginawaran ulit siya nito ng matamis na ngiti bago nagpaalam sa kanya para pumasok na sa bahay nito.

Buti pa si Sabrina, close kay Francis.

Siya kaya? Kailan niya ulit ito makikitang ngumingiti sa kanya?

ILANG araw na niyang pinipilit na maka-usap si Francis pero bigong-bigo pa rin siya. Winning his attention back is tougher than she thought. Hindi na kasi umuubra dito ang mga pagpapa-cute niya. SInabi din nito sa kanya na hinding-hindi na siya nito mamahalin kahit na ikamatay pa daw niya iyon.

Sungit! Hindi niya alam na may ganoong side pala si Francis. Noon kasi ay pala-ngiti ito at laging mahinahon magsalita. He’s always attentive to her needs without asking anything in return.

Ngayon ay mas lalo niya pang nami-miss ito.

“Oh, kumusta ang Oplan: Paibigin muli si Francis mo?” sabi ni Hannah sa kanya. Umupo na ito sa tabi niya sa sofa sa sala nila pagkatapos kumuha ng juice sa kusina.

“Hindi ko naman siya gustong paibigin. Gusto ko lang makabawi, magka-iba iyon.” Pero kahit siya ay hindi nakumbinsi sa sagot niya dito.

“Binalaan na kita noon Sharlene pero hindi ka nakinig.”

Natatandaan niya iyon, hindi nga lang niya inakalang magkakatotoo pala ang sinasabi nito . Kung nakinig siguro siya noon pa hindi sana sila umabot sa ganito ni Francis.

Hindi sana siya punong-puno ng pagsisisi sa puso.

“Ano nang balak mo ngayong ayaw ka naman niyang kausapin?” tanong ng kaibigan niya sa kanya.

“Hindi ko alam.” Sabi na lang niya. Hindi niya rin alam kung saan makakarating ang mga pinaggagagawa niya.

“Hopeless case, indeed.”

Tumango lang siya. Tama si Hannah. Hopeless na siya.

“Good afternoon!”

Sabay silang napatingin ni Hannah sa nagsalita. Nakita nila si Sabrina na nakatayo ilang metro sa kanila na may hawak-hawak na box ng cake base na rin sa label na nakasulat sa kahon.

Siniko siya ni Hannah sa tagiliran. “Sino ‘yang manika na ‘yan?” bulong nito sa kanya.

“Sabrina ang pangalan niya.” bulong niya din dito.

“Ah.”

“Hi. I just dropped by to give this to you Sharlene. Pasasalamat ko sa’yo para sa pagligtas mo kay Polly kahapon.” Sabi nito sa kanya habang iniaabot sa kanya ang cake.

“Welcome, pero sana hindi ka na nag-abala kahit naman sino gagawin iyong ginawa ko.”

“Polly means a lot to me. Regalo siya sa’kin ni mama last year bago siya bumalik sa States.”

Tumango lang siya. “Teka kumain ka na ba? Kainin na natin ‘to.”

“Wait, may itatanong lang ako.”

Tinitigan niyang mabuti si Sabrina, doon niya nakita ang ganda nito. She has fair white skin and naturally pink lips. Her hair is long and so soft, it has curls at the end and it perfectly frames her small beautiful face. Para itong real-life Snow White.

“Ano ‘yon?” kaya lang parang kinakabahan siya dito.

“Can I be your friend? Wala kasi akong kakilala dito masyado.” Sabi nito habang naka-ngiti.

How can she not be friends with this sweet angel? “Oo naman.”

 

If I Cry a Thousand Tears (SharCis FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon