CHAPTER 6

994 48 18
                                    

“Ang galing mo talaga, napa-andar mo ‘yung bike ni Clark!” namamanghang sabi niya kay Francis.

 Ilang taon na din kasing naka-tengga sa bahay nila ang bike na iyon ng kapatid niya simula noong masira iyon kaya naman bilib na bilib siya ngayon kay Francis dahil nagawa nitong ayusin iyon.

 “Kanina mo pa sinasabi ‘yan.” Sabi ni Francis na naka-upo na sa gutter. Hindi kasi talaga niya mapigilan na ma-amaze kay Francis, ano pa kayang hindi nito kayang gawin? Naaalala niya noong highschool pa lang sila, kina-iinggitan siya dahil kay Francis. Kesyo matalino daw ito, magaling sa lahat ng bagay at guwapo, pero ang nag-iisang dahilan kung bakit mahal niya si Francis ay dahil sa mabuti nitong ugali.

Francis loves her so much. Walang araw na hindi nito ipinaramdam noon kung gaano siya nito kamahal at kung gaano siya kahalaga para dito. Pinakilala din siya ni Francis sa mga magulang nito para ipakita sa kanya na seryoso ito sa kanya. Bagay na nabigo siyang gawin para dito, ni minsan ay hindi niya ito ipinakilala sa mga magulang niya dahil iniisip niya noon na maghihiwalay din sila at pagsasayang lang sa oras kung sakali.

Napabuntong-hininga siya. Ibang level pala ang kasamaan ko noon, mukhang mas mabait pa sa’kin si Juliana Manansala eh.

“Papasok na ako sa loob ha.” Paalam niya dito. Ginugulo na naman kasi siya ng kulot niyang utak kakaisip sa nakaraan. Hindi tuloy siya makabuwelo sa pagpapa-ibig kay Francis.

“Sinasayang mo ang panahon na binigay ko sa’yo Sharlene.” Napa-hinto siya sa paglalakad at napa-tingin dito. “Sabihin mo nga sa’kin ngayon, mahal mo ba talaga ako o inuusig ka lang ng konsensiya mo kaya ka bumabalik?”

Dinig niya sa boses nito ang lungkot at hinanakit sa kanya. Tama si Francis, ilang beses ba siya nag-effort dito simula noong bigyan siya nito ng ultimatum? Parang mas inabala pa nga niya ang sarili niya na isipin ang masasakit na mga alaala noon kaysa ang isipin ang mga bagay na dapat ginagawa niya para dito ngayon.

Naglakad siya palapit dito saka siya umupo sa tabi nito.

“Mahal kita Francis, noon pa. Pero kasi hindi ko alam kung paano ipapakita sa’yo ang totoo kong nararamdaman.” Ilang beses kitang gustong yakapin noon. Ilang beses kong gustong sabihin sa’yo kung gaano kita kamahal at kung gaano ka ka-importante sa’kin. Gusto kong sabihin na ang guwapo mo sa bago mong haircut, na ang bango-bango mo, na ang cute mo kapag naka-ngiti at marami pang iba. Pero nag-girlfriend ka kasi ng duwag at walang puso, kaya paano niya masasabi sa’yo na hindi niya kayang mawala ka sa buhay niya?

“Sana nga Sharlene. Sana this time you’re not playing games with me anymore. Hindi mo alam kung gaano kabigat itong ginagawa kong pagbibigay ng chance sa’yo.” Sabi ni Francis sa kanya bago ito tumayo at naglakad palayo sa kanya.

I’m not playing games with you Francis. Kung nakikita lang kung ano ang nasa puso sana hindi ko na kailangan sabihin sa’yo lahat. Because words fail me.

Because when it comes to you, I just can’t think straight.

Kung pwede lang din na mabasa na lang ni Francis ang kung ano mang laman ng utak niya, baka sakaling imbis na maglakad muli itong palayo sa kanya, manatili na lang ito sa tabi niya.

BAWAT paling na lang ng tingin niya pakiramdam niya ay masusuka siya. Nagising na lang si Sharlene na masakit ang ulo at medyo nilalagnat pa. Sa sobrang stress siguro nitong mga nakaraang araw. Kaya lang hindi siya pwedeng humilata magdamag kahit na wala siyang pasok, ayaw niyang isipin ni Francis na hindi siya nage-effort kaya ipapakita niya dito na seryoso siya.

If I Cry a Thousand Tears (SharCis FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon