MABILIS na naglakad si Sharlene papunta sa bahay nila Christopher. Kahit pagod na pagod na siya ay pinili pa rin niyang tumupad sa pangako sa kaibigan. Medyo natagalan pa siya dahil sinigurado niyang hindi na mahahalata ang namumugto niyang mga mata nang dahil sa pag-iyak. Dapat pala ay hindi na lang niya niyaya si Francis, mas lalo pa kasi niya itong na-miss.
Pagpasok na pagpasok niya pa lang sa garden nila Christopher ay nakita na niya kaagad si Francis. Naka-suot ito ng kulay maroon na long sleeves polo na nakatupi ang manggas hanggang siko, kulay itim na jeans at converse. Rugged yet casual. Pero ang talagang nakapukaw ng atensiyon niya ay ang babaeng naka-hawak sa kamay nito. Naka-ngiti ang babae kay Francis kaya lang nakatalikod si Francis kaya naman hindi niya makita ang reaksiyon nito.
Mukhang pamilyar ang magandang babae. Hindi niya lang maalala kung sino.
“Meet Gabriella Annjane Cruz, Francis’ soon to be girlfriend. Kung hindi lang kasi ma-papel ang iba diyan na pilit pa ring naghahabol.”
Napalingon siya kay Charmaine na nagsalita. Soon to be girlfriend? Mukha ngang sweet sila.
“Last week pa nandito si Ella para maipakilala sana ni Francis sa parents niya na nasa Cebu ngayon. But you came in the picture and ruined everything.” Charmaine crossed her arms over her chest and continued. “Ang hirap kasi sa mga bitter na ex pinipilit nilang paniwalain ang sarili nila na sila pa rin ang mahal. Well, sorry to tell you girl pero tapos na ang ka-tangahan ni Francis sa’yo. Magkaka-girlfriend na siya at pinagbibigyan niya lang ang kapritso mo. Nakaka-awa ka naman kasing tignan. “
“T-Teka, paano mo nalaman ‘yan?”
“Sinabi ko.” Tumingin siya sa nagsalita at nakita niya si Sabrina. Ano ‘to? Ano’ng nangyayari? “I’m Sabrina Cruz, kapatid ni Ella. You want to know what is really happening? Nang malaman ko mula kay Charmaine kung sino ka talaga nagsimula na akong mag-imbestiga at nalaman ko ang lahat ng mga ginagawa mo para mapa-balik si Francis sa’yo. You’re pathetic Sharlene. Hinayaan mo lang na mawala siya noon tapos ngayon naghahabol ka! Hinding-hindi kami papayag na mapunta sa’yo si Francis dahil mas deserve niya ang ate ko!” sigaw nito sa kanya.
“So if I were you umalis ka na, huwag ka nang magtangka pang pumasok sa loob dahil mas marami pa kaming kaibigan ni Francis ang nandito.” Sabi naman ni Charmaine.
Hindi na niya napigilang umiyak kahit pa nasa harapan ng mga ito. Their words hit her so hard. Ang tanging nagawa niya na lang ay lingunin muli ang direksiyon ni Francis para lang pala masaktan muli. Sa pagkakataon kasing iyon ay naka-akbay na si Francis sa babae.
Time’s up for her. Si Ella na ang nagmamay-ari kay Francis habang siya ay isa na lang bahagi ng malungkot nitong nakaraan. Tama sila Charmaine at Sabrina, deserve ni Francis si Ella dahil Malaya nitong ipinaparamdam ang pagmamahal kay Francis. Bagay na hindi niya nagawa noon.
Nayayakap ito ni Francis at nahahawakan ni Francis ang kamay nito, bagay na hindi nito magawa sa kanya noon.
Ito ang pepektong girlfriend at ito na ang nagmamay-ari sa lalaking minamahal niya.
Ngayon alam na niya ang desisyon ni Francis. At hindi siya ang pinipili nito kaya kailangan na niyang lumayo kahit na hindi pa tapos ang isang linggo.
“Go now!” sigaw ni Charmaine sabay hila sa buhok niya para ilabas doon. Nasasaktan siya sa pagkaka-sabunot nito sa kanya pero mas malakas at mas matangkad ito kaya wala siyang nagawa nang kaladkarin siya nito palabas. “Diyan ka bagay! At huwag ka nang pa-papel ulit!”