CHAPTER 7

1K 47 11
                                    

Naalimpungatan si Sharlene dahil sa nararamdamang kung anong malamig sa noo niya. Inabot niya iyon at nalamang basang bimpo pala ang nakalagay sa ulo niya. Doon lang unti-unting nag-flashback ang mga nangyari kanina. Ang pagdating ni Charmaine, ang pagtapon ni Francis sa cookies niya at ang pagbagsak niya sa tapat ng mansiyon nito.

Teka? Mansiyon nila Francis? Ibig sabihin…

“I’m glad you’re awake.” Narinig niyang sabi ni Francis sa kanya. Sa kabila ng hilo ay kitang-kita niya ang paglapit nito sa kanya at pagdampi ng kamay nito sa noo niya. “Mabuti naman at medyo bumaba na ang lagnat mo.” Nakaramdam siya ng kakaiba sa pagkakahawak nito sa noo niya, parang hindi iyon para malaman kung gaano siya kainit, parang idinadampi nito ang kamay para hawakan ang mukha niya.

Kaya lang may sakit siya kaya paano niya malalaman? Baka nga nagde-deliryo lang siya ngayon.

Mas iminulat na niya ang mga mata niya at dahan-dahang naupo sa kama. Is this Francis’ room?

“Talk to me please.” Sabi ni Francis sa nanunuyong tono. Iyon ang tonong ginagamit nito sa kanya noon kapag gusto na nitong makipag-bati sa kanya. She misses that old Francis so much. Kung kaya niya lang ibalik ang oras, kung pwede lang niya ibalik ang panahon na mahal na mahal pa siya nito. Pero sino bang niloloko niya?

“Uuwi na ako, Francis.” Mas mabuti na ang pakiramdam niya ngayon kaysa kanina. Dahil siguro sa labis na pagod at pagtulak ni Charmaine sa kanya kaya siya nahilo ng sobra kanina.

“Bakit ka pa pumunta dito Sharlene kung alam mong may lagnat ka na pala. You should’ve stayed home.” Sermon nito sa kanya.

I baked cookies for you, you grumpy jerk! But you just gave it away. Now you’re asking me why I’m here? Sapakin kita diyan eh!Mainit pa rin ang ulo niya dahil sa ginawa nito. “Napadaan lang.”

Pinilit niyang tumayo, dahil doon nakaramdam siya ng hilo. Mabuti na lang dahil nasalo siya ni Francis kung hindi ay baka humalik na ang mukha niya sa naka-tiles nitong sahig. Iniupo siya ulit ni Francis sa kama. He brushed his hair out of frustration.

“Ano ba naman Sharlene! Kahit ngayon man lang makinig ka sa’kin. Hindi kita pinipilit na gawin ito kaya hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo kahit na may sakit ka na! Hindi ko ine-expect ‘to sa’yo, this is stupid!” sigaw nito sa kanya.

Dala siguro ng mga nangyari kanina kaya hindi na niya napigilan ang sarili na umiyak kahit pa nasa harapan nito. Ang sakit kasi talaga mag-salita ni Francis, parang nalipat dito ang pagkatao niya noon . iyong walang pakealam kung makasakit nang dahil sa mga salitang bibitiwan. She created a monster.

“Gumawa ako ng cookies kanina, dinala ko dito. Pero bakit mo ipinamigay? Hindi mo man lang ba naisip na nag-effort ako na gawin ang mga iyon. Sana ibinalik mo na lang sa’kin.” She said in between her tears. Ang sama-sama ng loob niya sa mga oras na iyon. Alam niyang kumpara dito ay mas marami siyang nagawang mali noon, pero hanggang kailan ba ito matatapos sa pagpaparusa sa kanya?

“Cookies? What cookies? Wala akong nakukuhang cookies.”

Napa-tingin siya kay Francis. Mukhang clueless lang ito sa mga sinasabi niya base na rin sa pagkakakunot ng noo nito. Pero baka pinagtatakpan lang nito ang ginawa nito sa kanya.

“Alam ko naman na kasumpa-sumpa ‘yong sandwich kahapon pero masarap naman ‘yung cookies na ginawa ko kanina, narinig kong sabi noong mga security guard na nakatikim ng cookies.”

Kinuha ni Francis ang swivel chair sa study table nito at naupo sa harapan niya. Nagulat siya ng hawiin nito ang mga nakatakas na buhok mula sa pagkakatali niya. Iyon na siguro ang pinaka-sweet na gesture nito sa kanya pagkatapos ng tatlong taon. Kahit papaano’y nabawasan ang sama ng loob niya dito.

If I Cry a Thousand Tears (SharCis FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon