“Kasi mahal pa rin kita Francis. And I’m willing to do everything just to win you back.” Diretsong sabi niya dito.
“Okay.” Sabi ni Francis sa kanya. Is it just her or she could see a glimpse of happiness in his eyes?
Isang taong naging sila nito at tatlong taon man ang lumipas alam niya kung masaya ito o hindi sa mga mata pa lang nito. Pero base sa pinakita nito sa kanya noong mga nakaraang araw, himala na kung matuwa pa nga ito sa kanya.
“Anong okay?” tanong niya dito. Pagtitiisan na lang niya ang sagot nitong ‘okay’ sa ‘I love you’ niya.
“Try winning me back.”
“T-teka? Payag ka?”
Tumango ito sa tanong niya. “Pero sa loob ng isang linggo at hindi mo pa ulit nagagawang paibigin ako sa’yo kailangan mo na akong layuan. Fair deal?”
Isang lingo? 7 days, 168 hours, 10, 080 minutes and 604,800 seconds. Pwede na, at least may basbas na nito ang gagawin niyang ‘panliligaw’ dito.
“Sige deal!” excited niyang sabi. “Teka, paano ko naman malalaman na mahal mo na nga ako?”
“Kapag ‘sweetheart’ na ulit ang tawag ko sa’yo.”
Sweetheart. Corny pero hindi nabibigo ang salitang iyon na pakiligin siya.
Hindi nabibigo ang taong ito na nasa harapan na paibigin siya.
“Salamat Francis, uuwi na ako.” Mag-iisip pa ako ng mga evil plans para mahalin mo ako ulit. He-he-he!
“Sharlene.” Tawag nito ulit sa kanya. “Kung sakaling mahulog ulit ako sa’yo at mahalin ulit kita, promise me one thing.”
“Ano ‘yon?”
“Don’t ever hurt me again.”
Para siyang binalatan ng buhay at pinagulong sa rock salt ng makita ang takot at pag-aalala sa mga mata ni Francis. She knows he’d been through hell because of what she did before. Pagkatapos ngayon ay sinusuyo niya ito para bumalik ulit sa kanya, natatakot siguro ito na maulit ang nangyari noon.
Na pagmukhain na naman niya itong tanga.
Kahit ito ay na-trauma sa break up nila dati, mas malala pa nga siguro ang naranasan nito dahil halos ito ang bumuo at nagpanatili sa relasyon nila na winasak niya.
“I promise.” Pero alam niya ang gusto niya ngayon. Ang mahalin ulit ni Francis at alisin ang takot na lumulukob sa pagkatao nito. “I will never hurt you again.”
Naglalakad na siya pauwi sa kanila. Inabot na siya ng gabi sa school nila dahil kailangan niya pang mag-training para sa essay writing contest kung saan siya isinali ng adviser nila sa Lagaslasan. Bawas tuloy ng isang araw ang chance niya sa puso ni Francis ng wala man lang siyang nagagawa.
Sana pala sinabi niya na lang dito na-exempted ang mga schooldays sa deadline niya.
“Labanos!”
Napalingon siya sa sumigaw. Kita niya ang kaibigan na si Christopher na nakatayo di-kalayuan sa kanya. He’s wearing t-shirt and jersey shorts but he’s still jaw-droppingly handsome. Ilang araw na din niya itong hindi nakikita dahil sinasadya niyang hindi talaga magpakita dito, ang hilig kasi nitong mang-asar.