Chapter 1

2.5K 70 2
                                    


Aila's POV

"Lolo naman. Bakit po kailangan pa nating umalis?"

"Apo, hindi ba marami kang katanungan?"

"Opo." Maikling sagot ko sabay yuko.

"Doon lahat iyan masasagot. Kaya mag-impake kana, doon na tayo sa Probinsya mamamalagi."

Kahit labag man sa kalooban kong lisanin ang lugar na ito. Mahigit tatlong taon na rin kasi kami rito kaya naman napamahal na ako sa tahanang ito.

Si lolo kasi ang masusunod, siya na lang kasi ang natitirang pamilya ko. Ang mga magulang ko? Hindi ko alam kung nasasaan sila. Sabi ni Lolo, "malalaman mo rin ang lahat apo, maging ako ay hindi ko alam ang mga sagot diyan, tanging ikaw lang makakatuklas."

Kahit naguguluhan ako, kaya pa naman. Go with the flow ika nga. PERO sana makita ko na sila, gusto kong maramdaman ang magkaroon ng Nanay at Tatay kahit alam kong malabo na.


Tapos na akong mag-impake at ganoon rin si Lolo. Sabi niya mahaba-haba pa raw ang lalakbayin namin. At tsaka 6 Pm pa lang naman, at bukas kaarawan ko na. Hehe. Sayang nga lang kasi mukhang hindi kami makakapaghanda.

"Apo, matulog ka muna." Wika ni Lolo habang nagmamaneho siya.


Tumango naman ako bilang kasagutan. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod.



Paano na kaya ang pag-aaral ko sa Adams Academy? Haist. Paano na rin kaya si Bessy? Ano kaya ang madadatnan ko sa Probinsya? Doon na ba ako mag-aaral? Magkakaroon kaya ako ng mga kaibigan?



Sa dami ng mga katanungan ko, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. PERO iisa lang alam kong sagot 'Bahala na si Lolo.'








"Aila gising."

"Psst. Gising na."



Kaninong boses ba yon? Malabo namang si Lolo. Unti-unting kong iminulat ang aking mga mata at doon ko nakita ang isang matipunong lalake, yellow ang buhok niya, iba't iba ang kulay ng mata niya, at parang handa na siyang makipaglaban sa suot niya.


"S-Sino ka?" Naguguluhang tanong ko. Kinusot ko pa ang aking mata kasi medyo malabo siya sa paningin ko.


"Your protector."

Huh? Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. I think, nananaginip na naman ako. Pero okay lang, susulitin ko na lang. Hehe.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.


Lumapit naman siya sakin at bahagyang ngumiti. Kahit hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya, pakiramdam ko ang gaan ng loob ko sa kanya kaya ginantihan ko rin siya ng ngiti.


"Can't you see this?" Nakangiting wika niya sabay angat ng dalawang kamay niya.

0______________0

The Eyes Of the Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now