Chapter 5

1.6K 63 0
                                    

Aila's POV

Maaga akong nagising ngayon. I think 5 AM palang. Mamaya pa namang alas utso ang pasok ko. Pagkalabas ko ng dorm, pumunta na agad ako sa field. Feel ko lang magjogging ngayon. Hehe.

Mga ilang estudyande lang rin ang nandito. Sabagay maaga pa naman. Kaso hindi parin mawala sa isipan ko yung protector thingy na yun. Hayst.

'Paano kung wala akong protector?'

Nakalimang ikot muna ako bago ko napagpasyahang magpahinga. Umupo muna ako sa isang bench dito sa field habang pinagmamasdan ang araw na unti-unting lumilitaw.

Ngayon ko lang napansin na napakaganda pala talaga dito. Masaya, maganda, makulay, at magical kaso mysterious parin. Sana maging payapa ang buong school year ko dito. Tanggap ko na naman na may magic nga talaga, ang kaso nga lang ang creepy parin.

Habang nagmumuni-muni ako. Hindi ko namamalayang may tao na palang nakatayo sa harapan ko. Panira ng moment naman to. Tsk!

"What was that for?" Cold kong tanong sa kanya.

Remember? I don't talk to strangers lalo na sa mga elementals. Masyado akong mababa, sila naman sobrang taas. Sobrang taas ang tingin sa sarili. Well yan lang naman ang naobserve ko and base narin sa inasta nila kahapon.

He's just staring at me coldly. Tsk. As cold as always. He was really suits on its ability. Well, I need to admit. Gwapo siya, kaya naman hindi na ako nagtataka kung halos lahat ng babae humahanga sa kanya. Well, except me. Ayaw ko sa attitude niya.

"Inumin mo. Tss." Tanging sagot niya habang nakalahad parin ang isang mineral water sa kanyang kamay.

Tinignan ko naman siya sa mata. *Eye to eye* I am just checking if he was telling the truth or not. Pano kung may lason di ba? Mas maganda ng maging maingat. Sabi nga ni lolo na wag akong magtiwala agad.

"No thanks." Bored kong sabi sabay talikod sa kanya.

Maglalakad na sana ako kaso bigla na lang niyang hinila ang kanang braso ko paharap sa kanya. Medyo nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko pinahalata. And take note, sobrang lapit kasi niya sakin. Eight inches I guess?

"Kapag kinakausap kita. Huwag mo akong tatalikuran." He said sternly.

Tumingin ulit ako sa mga mata niya na sobrang lamig kung makatitig. I just give him a smirk. Hindi ko feel makipag-usap sa isang lalakeng mas malamig pa sa yelo.

"Bitiwan mo ko." Bored kong sabi sa kanya.

"Why would I?" Cold niyang sabi na hanggang ngayon ay nakatitig parin sa mga mata ko.

Medyo masakit na ang pagkakahawak niya sa braso ko ha?! Ramdam ko na rin pati mga kuko niya na parang mas tumatalas at lumalim na ang pagkakatusok habang tumatagal. Pero hindi ko pinapahalatang nasasaktan na ko.


"HANDS OFF." I said sternly.

Kaso hindi niya parin bitibitawan ang pagkakahawak sa braso ko. Instead, mas dinidiinan pa niya. Kapag ako nagalit, hindi ko na alam ang magagawa ko rito. Nakakainis na.

"Masakit ba?" Sarkastikong sabi niya habang nakangisi.

"What do you think?" Nakangisi kong sabi sa kanya. Kahit masakit, I need to pretend. Tsk!

"Hindi." He said coldly at mas diniinan pa niya ang pagkakahawak rito.

Dahil sa inis ko. Hinawakan ko ang mukha niya gamit ang kaliwang kamay ko na siya namang ikinagulat niya pero agad naman siyang nakarecover. Ngumisi naman ako sa kanya ng nakakaloko. Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya at bumulong.

The Eyes Of the Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now