Chapter 3

1.8K 69 2
                                    

Aila's POV

Dahil sa paglilibot namin sa buong campus kahapon, masasabi kong hindi na ito maituturing na paaralan. Para na kasi siyang isang palasyo sa sobrang lawak. Mabuti na lang dahil mayroon silang elevator. Hindi masyadong nakakapagod.

Sa likod pala ng Academy, doon mo makikita ang salon and spa, boutique, mall, market, and food court nila. Tapos sa likod din nito, may training area para sa Final level Luctusians.Nakakabilib nga dahil mayroon silang ganito, hindi ordinaryo para sa isang Academy.

Ngayon na pala ang first day ng klase kaya medyo kinakabahan ako. Inayos ko na ang mga kailangang gamitin para sa pagpasok. Naligo na rin ako at sinuot ang uniform ko.

Ang nakakalito nga lang, 18 na ako. Pero bat fourth year pa lang ako dito? Dapat second year college na. Haist. Ibang iba talaga rito. Wala ring college. Final Year lang daw ang meron and that was a training for one year. Hayy. Siguro sinasanay talagang mabuti ang mga estudyante rito.

Sabi nina Jenny at Jelly. Violet daw ang kulay ng palda o pantalon ng pinakamababa, pangalawa naman ang Green kung saan doon kami nabibilang, hindi ko nga alam kung paano ako nabilang sa green e wala pa naman akong masyadong alam tungkol sa magic na yan. And lastly, golden yellow daw ang pinakamataas kung saan nabibilang ang mga elementals.

Pagkababa ko sa sala, dumiretso na ako sa dining area para kumain. Sakto naman silang nandoon kaya sumabay na ako sa kanila. Pagkatapos naming kumain, sabay-sabay na kaming pumasok sa classroom.

"Psst. San ka uupo Aila?" Bulong saakin ni Jenny.

San nga ba magandang umupo? Nilibot ko ang paningin ko. BOOM! Yun ang type ko. Walang masyadong estudyante roon and I think 20 lang naman kami rito?

"Sa likod ako. Kayo?" Nakangiting sabi ko pero pabulong parin. Hindi ko nga alam kung bakit kami nagbubulungan e hindi pa naman kami totally nakapasok sa room. Nandito kami muna sa door.

"Iiiihhhhhh. Sama ako. Hehe." Pagpapacute naman ni Jelly kaya tumango naman ako. Si Jenny naman sa Harap daw siya uupo para mas maintindihan niya ang topic.

Pagpasok namin sa loob. Lahat ng mga estudyante nakatingin samin....o.... Sa AKIN? Hindi ko na lang sila pinansin at nagtuloy-tuloy na sa paglakad.

"Bago lang ba yan rito? Hmmp." Girl 1

"Yeahh. I think so. Chacka! Haha."Girl 2

"Tsk. Inggit lang kayo e. Ang ganda kaya niya."Boy 1

"What did you say?" Girl 1

"Wala." Boy 1

"Hayaan mo na lang sila, mga insecure lang yan." Maarteng wika ni Jelly. Tumango nalang ako sa kanya sabay ngiti. Sakto namang dumating na yung teacher kaya agad namin siyang binati at tumahimik na.

"Goodmorning. Since first day of  school pa lang naman. If you don't mind. Kindly introduce yourself miss transferee." Nakangiting wika ni sir sabay tingin sa akin maging ang mga kaklase ko. Yung ilan, inirapan lang ako, meron ding nakangiti kaso mga lalake lang. Tumayo na lang ako at pumunta sa harapan.

"My name is Aila Vyio." Malamig kong sabi.

Hindi ko kasi feel magsalita sa harapan. And in fact, I don't wanna talk with others like strangers except my friends. My cold side rin ako and I prefer to act like this when I am not with my friends.

The Eyes Of the Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now