Chapter 10

2.7K 77 50
                                    

Aila's POV

Pagkatapos kong bumili ng mga kailangan sa Dorm, napagdesisyonan ko munang magmeryenda. Mag-isa lang ako ngayon, wala yung dalawang kambal. Hayst. Total Sunday naman ngayon, walang pasok sa Academy. Tsaka palubog na ang araw.

Dinala ko ang mga pinamili ko sa Dorm at lumabas na muna. Gusto ko munang mapag-isa, kaya naman I decided to go at the Rooftop. Wala kasing tao roon, tanaw na tanaw mo ang buong lugar. Tuktok kasi yun ng Academy tsaka I'm sure na walang tao ron kasi Sunday naman.

Naglakad na ako papasok sa Academy. Hindi naman bawal pumasok dito tuwing Sunday tsaka magkatabi lang naman sila ng Dormitory. Napakapeaceful dito ngayon hehe. Pagkapihit ko ng doorknob, bumungad sakin ang sariwang hangin na siyang humaplos sa mukha ko. Ang sarap sa pakiramdam.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar, wala namang tao. Pumunta ako sa mga railings at tinignan ang buong paaralan. Sadyang napakalawak at napakaganda nito. Sa likod naman ng paaralan, makikita ang dormitory na katabi lang din ng mga malls at iba pang mga buildings.

"Lolo. Andito na ko. Sana masaya ka diyan." Wala sa sarili kong sabi.

Namimiss ko na si lolo. Hindi ko namamalayang naluluha na pala ako. Hayst. Sana, malaman ko na ang lahat, sana masagot na ang mga katanungan ko para makabalik na ko kay lolo.

"Miss na miss na p-po kita hehe. Hmmp! Nakakainis. B-Basta! ... Kaya ko t-to. Huhuhuhu." Naiiyak kong sabi pero nakangiti parin.

Tsk! Para na akong tanga neto. Tama na ang drama.  Nakaramdam naman ako ng presensya sa likod ko kaya napalingon ako, sakto naman na bumukas ang pinto dito sa rooftop at iniluwa ang isang lalake.

"Labas."

Hindi ko siya sinagot. Malay ko ba na ako ang kinakausap niya. Hindi naman kasi niya ako tinitignan at isa pa, hindi ko makita ang mukha niya kasi nakasombrero ito at nakayuko. Pasuspense lang?!

Tumalikod na akong muli at pinikit ko ang mga mata ko para pakiramdaman ang paligid. Napakapeaceful nito except sa presensya ng lalake sa likuran ko. Tsk! Akala niya siguro matatakot ako? Kaya ko ng lumaban nuh. Self-defense lang hehe.

"I said get out." Madiin niyang sabi.

Ngayon sure na 'kong ako ang kinakausap niya.

"Bitaw." Bored kong sabi pero hindi niya parin ako binibitawan kaya naman hinarap ko siya.

"Inuutusan mo ba ko?" Cold niyang sabi.

"Sino ba nauna MR.EPAL?"

Naiinis kong inalis ang braso ko sa pagkakahawak niya. Napangisi na lang ako sa naging reaction niya. Tsk! Ayaw pa kasing tanggalin yang sombrero niya tas may payuko-yuko pang nalalaman. Ayan tuloy nabansagan ko pa ng hindi kanais-nais na pangalan.

"What did you just call me?" Madiin niyang sabi.

"Bingi ka ba?" Inosente kong tanong sa kanya.

Hahaha! Malinaw naman kasi yung sinabi ko e tapos tinatanong pa. Naka-caps lock pa yun para damang-dama. Mga PACOOL talaga.

"Ginag*go mo ba ko?" Mapanghamon niyang sabi sabay hawak sa braso ko.

Fvck! Hindi ba niya alam na nakakasakit na siya. Ugh! Dahil sa inis ko, walang pasabi kong tinanggal ang sombrero niya. Nanlaki naman ang mata niya dahil sa ginawa ko pero agad din naman siyang nakaget over.

0______________0

'I can't believe this!'

The Eyes Of the Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now