Chapter 2

2.1K 59 4
                                    

Aila's POV

Pagkatapak ko sa lupa. Alam kong wala na itong bawian pa. Nagtuloy-tuloy na ako sa paglakad at hindi ko na nilingon pa kung saan naroroon si Lolo. Baka kasi kapag ginawa ko pa yun, hindi ko na kayang ituloy pa itong ginagawa ko.

Habang tumatagal, dumarami ang mga puno. Sa tingin ko, ito ay isang gubat. Nagsisihulugan rin ang mga niyebe galing sa taas kaya hindi ko mapigilang humanga. Natatanaw ko rin ang isang lawa sa di kalayuan.

"Kaya ko to." Bulong ko sa sarili. Kahit pa kinakabahan ako. Pakiramdam ko, tama lang itong desisyon ko. Kahit hindi ko alam kung ano ang mangyayari sakin sa loob, kailangan kong maging matatag.

Pagkalabas ko sa kagubatan, bumungad sakin ang isang malinaw at malinis na lawa. Habang nag-iisip ako kung papaano ako makakarating doon. Nakakita ako ng isang bangkerong papalapit sa diteksyon ko.

Nagulat ako sa itsura niya pero hindi ko pinahalata. Tanging buto na lang ang makikita mo sa kanya at ang kulay asul niyang  mga mata. Nakasuot ito ng kulay itim na damit mula ulo hanggang paa. Parang Rain coat.

"Anong kailangan mo hija." Casual niyang tanong pero ramdam mo yung awtoridad sa boses niya.

"Ah-eh kailangan ko pong makapunta roon oh." Sabay turo sa isang malaking gate na may nakasulat na SunniLuctus Academy.

"Bayad." Tinignan ko naman siya ng nagtataka. Ah siguro kailangan niya ng pera kaya naman binigyan ko siya agad.

"Hindi yan."

Tinignan ko ulit siya ng nakapagtataka. Kung ayaw niya ng pera e ano naman kayang ibibigay ko? Pagkain? Masubukan na nga lang.

"Hindi yan."

"Hindi rin yan."

"Pinagloloko mo ba ko Hija? "

"Hala manong. Ano po bang ibabayad?"

Lahat na ata ng nasa bagahe ko binigay ko na. Maging damit, hikaw, at kung ano pa man pero hindi niya tinanggap. Habang nag-iisip ako, kinakalkal ko na rin ang laman ng bulsa ko baka sakaling may mahanap.

0____________0

"Ito ba manong?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Kaso hindi parin siya nagsalita. E ito na nga lang ang meron ako. Isang golden coins na binigay ni Lolo sakin kanina.

"Sakay." Tinignan ko naman siya hanggang sa kamay niyang nakalahad, kaya naman agad na akong sunakay at ibinigay na sa kanya ang golden coins. Hay salamat, yun lang naman pala ang kailangan niya. Tsk! Tsk!

Habang bumabyahe kami, walang nagsasalita kaya tumungin-tingin muna ako sa paligid. Maganda ito, malinis, malawak, at maraming bulaklak sa tabi ng lawa.

"Salamat po." Nakangiting sabi ko sa bangkero at agad nang bumaba sabay kuha ng mga gamit ko.

Naglakad na ulit ako papunta sa malaking gate o sa SunniLuctus Academy. Nang nasa tapat na ako ng malaking gate ng Academy, bigla na lang ito bumukas kaya naman pumasok na ako agad.

Habang naglalakad ako, nililibot ko ang pangin ko sa buong lugar. Maganda ito, mayroong malaking garden, malinis at nakatiles rin ang daanan na kung saan pwede ka ng manalamin sa kintab nito.

Pero mamaya na lang muna ang pagkamangha. Kailangan ko munang mahanap ang Dean's Office. May dala akong Mapa ngayon kaya hindi ako mahihirapan sa paghahanap. Normal lang naman ang mga estudyante rito, walang mali sa mga galaw nila. Kaso ang sama ng titig nila sakin.

Habang naglalakad ako. Pansin ko ang mga matatalim na titig ng mga estudyante sa likuran ko. Pero hindi ko na lang sila pinansin. And finally!!!  Andito na ako sa harap ng Dean's office kaya medyo kinakabahan ako. Ang lawak pala ng Academy na ito, mas malawak pa sa Unibersidad kaya naman napagod ako sa paghahanap.

The Eyes Of the Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now