|Janey's Pov|
Buong maghapon lang akong natulog. Kailangan kong bumawi ng tulog mukha nakong zombie haha! And ayun nga magdyu-duty na naman ako pang-gabi, nagulo kasi yung sched namin eh may umabsent na isa kaya lahat damay. Ay oo nga pala! Si kevkev parin ang partner ko :)) At ihahatid siya ng kapatid niya!!! Waaahh!! Hahaha!! Para nakong baliw! Sa totoo lang kagabi ko pa yun naiisip eh, basta yung feeling na di siya mawala sa isip mo ganun! Haayy leche! Maliligo na nga ako haha!! Adikono?!
Pagdating ko ng canteen, wala pa si kevkev medyo natuwa ako kasi less kava! Hahaha!! And less tivok! Hahaha! Sila ate mheann yung kapalitan namin dapat uuwi na siya eh wala pa si kevkev kaya kailangan pa niyang hintayin. Eh hindi ko mapigilan yung sarili ko na hindi kwento yung feelings konkay rj kasi feeling ko sasabog na eh. So ayun nga kinwento ko kay ate mheann tapos yun nga,
"ATE MHEEEEEEAAANNN! Wag mong sabihin!!!" Mangiyak ngiyak nako! Ayan inaasar na niya ko, sasabihin niya daw. Kaya ayun naghahabulan kami. Aheehehehe!! Kasi naman eh!!
"Hahaha!! Libre mo muna kong cobra?" Ate mheann.
"Oo na lilibre na kita! Wag mo lang sabihin!!! Atee mhheeeaaannn!" Nagpapadyak na sabi ko. Naiiyak ako na natatawa! Hahaah! Pano kasi eh adik to eh!! Buti nalang cobra lang katapat.
Siguro 10 minutes pa lang nakakalipas natanaw ko na yung tricycle.
"Huy! Ayan na sila ayyiiiieeee! Hahaha!" Asar ni ate mheann. Partida nasa bibig niya pa yung straw huh. Sinipa ko nga yung paa niya haha.
"Ay sinasaktan moko? Sasabihin ko!!!"
"Hindi, hindi joke lang yun! Ate mheeannnnn! Naman eh!" Nagmamaktol na sabi ko. Tas tinawanan niya lang ako.
Ayokong tumingin sa kanila. Ayoko! Ayoko talaga! Eeehhhh! Nakakainis naman eh! Nakatalikod kasi akong nakaupo tas nakaharap kay ate mheann, kitang-kita ko yung pagturo sakin ni ate mheann eehh! Tas nakangiti pa ng wagas! Nakakainisssss!! No choice ako kailangan kong magtago.
Nandito ako ngayon sa ilalim ng lamesa, sa pinagpapatungan ng mga ulam. Nahihiya ako! Kasiiiii nammannn eh!! ASDFGHJLHYJFYTTFGYT! Grrrrrrrr! Huhuhuhu!!
"Janey si rj oh, ayiiiieee!" Sabi ni kevkev pagpasok niya pa lang sa loob. Nang-aasar pa! Inirapan ko nga. Ay wait! Pano niya nalaman na crush ko yata yung kapatid niya? Tiningnan ko si ate mheann, pinakita niya sakin yung cellphone tas nakangiti ng wagas. Wahhhhh!! Lupa kainin niyo nako!!!
"Lumabas ka nga dyan! Para kang siraulo hahaha!!" Tawang-tawa na sabi ni ate mheann. Oo nga noh, para pala kong tanga may patago-tago pakong nalalaman haha!!
"Asan sila?" Tanong ko.
"Ayun oh, (sabay nguso) nasa tricycle lang. Nahiya sayo." Kevkev. Ayos!
Paglabas ko ng lamesa, umupo muna ko paharap. Pagtayo ko .......
"AYYYYYYYYIIIIIIIEEEEEE!!" Sigaw nilang lahat. Pati kabilang canteen napatingin samin.
Eeeehhhhhh!!! Nasa harapan ko siya!!! Lupa kainin mona talaga ko!!!! Nakatingin lang ako sa kanya, tapos siya nakatawa. Ano ba! Wag kang tumawa, baka mainlove pako nito eh! diko alam anong sasabihin ko kaya umupo ako ulit, lahat sila tumawa. Sheettt! Anong gagawin ko?!
"Crush mo kapatid ko? Ayiiieee!!" Walang alinlangan na tanong ni rekrek, kapatid din nila kevkev.
Medyo nagulat ako. Crush ko ba siya? Hindi naman diba? Hindi kaya! So bakit ako nagtatago? Oo nga no? Bakit nga ba ko nagtatago kung crush ko siya, hindi ko siya crush period. Pero crush ko talaga eh! Ahhhahahhehu!! Diko alam sa sarili ko pero bigla nalang akong tumayo.
"Hindi no." Seryosong sagot ko. Kailangan ko to! Fierce! Haha! Charoot!
"Ulul! Mukha mo! Hahahaha!!! Hindi daw eh! Kaya pala!!" Pang aasar pa ni merre, yung jowa ni kevkev. Kaya ayun nagtawanan silang lahat tas nagkatinginan naman kami ni rj.
Habang nakatingin ako sa kanya wala akong iniisip, then siya medyo natatawa-tawa kinikilig yata haha!. As in blank face haha! Fierce nga kasi ano ba hahaha!! Pero umiwas narin ako ng tingin matatawa nako eh hahaha!!!
So ayun nga "HAHAHAHAHAHA!" Lumabas na hahaha!! Lahat sila napatingin sakin. Ang lakas ba naman ng tawa ko eh hahaha!!
Nagpaalam na si ate mheann na uuwi na daw siya gabi narin kasi. Kami-kami nlang nila kevkev pati yung mga kapatid niya tsaka tropa dito mamaya pa yata uuwi ung mga yan eh. Kaya ayun ang AWKWARRRRDDDD! as in! Buti nalang may mga customer na kumakain kaya medyo hindi ko sila pansin.
Pagkatapos nung mga kumain, sila naman ang umupo sa harap. Tiningnan ko lang sila pero di nako nagsalita, nahiya nako eh. Ganun din sila siguro na-awkward din haha. Tsaka nanonood naman sila ng video yata yun sa cellphone eh kaya okay na rin ako, maya-maya rin uuwi naman na sila eh.
As usual, kami nalang ulit ni kevkev ang naiwan, Umuwi narin kasi sila rj. Nakaupo nalang kami ngayon tapos naman na kami sa mga gawain.
"Seryoso, crush mo kapatid ko?" Natatawang tanong ni kevkev sakin.
"Crush ba yung ganun?" Tanong ko din sa kanya haha. Nakita kong medyo na confused siya.
"Dimo alam?" Curious na tanong niya.
"Alam. Hindi, kasi ang ganda nung mata nung kapatid mo." So nasabi ko na nga.
"Yan din sinasabi nilang lahat eh, maganda mata niya." Kevkev.
"Naka eye liner ba yun?" Seryosong tanong ko kasi para talagang may eye liner eh. Bigla siyang natawa sa tanong ko as in parang di makapaniwala na tinanong ko yun.
"Baliw! Wala noh! Adik kaba? Ganun talaga mata nun!" Nakakairiti yung mukha ni kevkev habang sinasabi yan kaasar! So ganun? Adik agad nagtanong lang? Mas adik yata siya noh.
"Abnormal ka namn! Hahaha!! Pero maganda nga mata niya." Adik kong sagot haha!.
**********
YOU ARE READING
Just You And I
RomanceMinsan ba naiisip niyo kung bakit hindi pa binibigay ng tadhana yung taong magmamahal sa inyo? Yung taong tatanggapin ka ng walang alinlangan, Yung taong kaya kang ipaglaban at hinding-hindi ka iiwan. Siguro nga naduling si kupido kaya ayun, sa...