(P 1 ) - Feeling no more :)

6 0 0
                                    

|Janey's Pov|

Hindi ko alam pero feeling ko ayaw kong pumasok ngayon sa canteen. Parang may something ganun, kapag hindi naman ako pumasok kawawa yung mga kasama ko, tsaka sayang din yung kikitain ko dun noh! Kaya ... HINDI AKO PAPASOK!! Hahaha!! Basta ayoko period.

Alam niyo ba kung anong ginagawa ko ngayon? Nakahiga, Naka-headset,Nakatulala, nag-iisip kahit wala namang iniisip, hindi meron pala :)) Text ko kaya siya no? Ay hindi wag baka sabihin ako babae ako pa magte-teks sa kanya! Pwede rin naman haha! Angulo ko noh! Hihi :D

"Ate mo?" -me.

Tineks ko nga siya haha! Biglang nagtype yung daliri ko eh :))

Hindi ko pa nabababa yung cellphone ko nang makita ko na nagreply na siya agad. Ang bilis ahh.

"Sino to?" Rj.

Nanlaki bigla yung mata ko. Mygod!! Ang bobo ko kainis! Hindi ko agad naalala kinuha konlang sa cellphone ni kevkev yung number niya! Kainis!! Anong sasabihin ko? Malalaman din ng ate niya yun kasi itatanong yung number ko nun! Ano na? Rereplyan ko pa ba? O wag na? Hala! Para nakong tanga kinakausap ko na yung sarili ko -.- text lang naman yan eh. Kaya okay lang, okay lang.

"Basta. Pumasok ba siya?" Me.

"Sino muna to?" Rj.

sasabihin ko ba? Eeehhh!! Bahala na nga!

"Janey :)" Me.

Wala namang masama eh. Bahala siya kung anong iisipin niya basta ako tinatanong ko lang yun ate niya tapos.

Kanina ko pa tinitingnan yung cellphone ko, hindi pa siya nagrereply mula nung sinabi kong ako yun mga 1 oras na. Saklap diba? Buburahin ko na sana yung number niya eh, Nang may bigla na namang pumasok sa utak ko.

"Alam mo ba na crush kita? Crush lang naman eh. Hihi" Me.

Oo tama kayo ng basa. Tineks ko talaga siya kasi siguro para mabawasan yung laman ng puso ko haha! Puso talaga! I mean kapag nasabi mo kasi sa isang tao yung gusto mong sabihin nakakagaan sa pakiramdam eh. Hindi ako nag-eexpect na magre-reply siya okay lang naman eh. But ... But ... Waaahhhhhhh!!! Nagmamadali akong binasa yung text niya.

"Ano bang nagustuhan mo sakin?" Rj.

Waaaaahhhhh!!! Guys nagreply siya!! Shettt kinikilig ako! Hahaha!! Hindi nako mapakali dito sa higaan hahaha! Pagulong gulong nako! Tapos yung ngiti ko .. Abot tenga hahaha!! Parang merong something na pakiramdam anggara diko alam parang may ano sa tiyan ko. Basta parang kinikiliti yung tiyan ko hahaha!!

"You're eyes. Nag-a-eyeliner kaba? Haha!!" Me. Kahit ako natatawa sa text ko haha!

"Hindi noh!" Rj.

Nagalit yata. May mali ba sa sinabi ko? Wala naman eh. Baka na-offend? Ang sensitive naman parang bakla. Hindi ko na siya crush. Pangit ng ugali. Hahaha! Ang judgemental eh. Pero guys seriously, diba sabi ko kapag nasabi mo na yung gusto mong sabihin gagaan yung laman ng puso? Ayun nga, feeling ko wala nakong crush sa kanya. Promise!! Swear to god! Ayan huh? Hindi kona siya crush huh? Hihihi :) sasayaw nalang ako hahaha!!



**********




Just You And IWhere stories live. Discover now