( P 1 ) - Kalma okay?

13 0 0
                                    


|Janey's Pov|

So ayun nga, expected ko naman na susunduin si kevkev nila rj. Pero kunyare talaga diko alam haha!! Eh kasi naman kasi eh!! Hahaha!! 

Papunta palang akong ihawan kasi nga ako na naman ang pinapwesto sa ihawan napakagulo ko daw kasi! Haha!! alam kong papadating na sila, natanaw ko na kasi agad yung tricycle nila eh pero nagkunyari parin akong walang nakita. 

Narinig kong huminto yung tricycle nila sa likuran ko. Putchaa! Bat kinakabahan ako?!!! Ang lakas ng tibok ng puso ko tas ... Parang bakit ang saya ko? Hala! Ano to? Bakit ganito yung pakiramdam ko? Kalma okay? Kalma! Huminga ko ng malalim para medyo kumalma ko.

"Anong oras kayo papauwiin?" Narinig kong tanong ni rj na alam kong nakatingin sakin. Shett! Yung boses niya!!! Tang inis! Yung puso ko ang bilis ng tibok, boses niya palang yun. Nag alangan akong humarap kasi feeling ko pag humarap ako baka matulala nalang ako at walang lumabas sa bibig kong salita.

"A-ah m-mga 8 yata. Ay hindi baka mamaya lang. Hindi, siguro mga pagkatapos ng puso ko dito." Sheeettt! Ano bang pinagsasabi ko!! Anong puso? Nakakainis! Feeling ko lamog na yung iniihaw ko kakabaligtad ko haha! "Anong puso? Hahahaha!!!" Kinausap ko talaga yung sarili ko. Narinig ko silang tumawa ng mahina.

"Bangag ka na." Parang natatawa na concern na sabi ni rj. Dahil dun napatigil ako saglit, dahil diko alam anong isasagot ko. Diko alam bakit ako nagkakaganito. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Kaya diko nalang sila pinansin.


Pinipilit nila kong sumabay nalang sa tricycle nila pero ayoko talaga. Dahil ang mangyayari yung jowa ni kevkev ang magda-drive at kami ang magiging magkatabi sa loob ni rj. Naiisip ko palang na magkatabi kami feeling ko diko na kakayanin, tsaka baka marinig niya yung tibok ng puso ko. Hihihi! Kaya nag-jeep nalang ako pauwi mas safe pa sa puso haha!

Pagpasok ko ng bahay, ayun as usual walang tao. Laging nasa computeran yung mga kapatid ko, siguro nga kahit maghapon yung mga yun sa computeran kaya nila eh uuwi lang kapag nagugutom na. Si papa naman never ng pumirmi dito sa bahay laging may lakad. Kaya pagkatapos kong maglinis ng katawan natulog na agad ako, dahil narin siguro sa puyat kaya nakatulog ako agad. 


**********

Just You And IWhere stories live. Discover now