|Janey's POV|
"Susunduin ka ba ng mga kapatid mo ngayon?" Na-eexite kong tanong ko kay kevkev (bestfriend ko) pero diko pinahalata. Ano kasi ... Kasi ... Eh kasi nga crush ko yata yung kapatid niya! Charrr! Pero hindi yata, hindi ewan ko! Haha
"Iti-text ko pa. Wala si merre eh tamad pa naman mag drive yun si rj, ang bagal pang kumilos." Sagot niya habang tini-text na nga si rj (kapatid niya, yun yung sinasabi ko!).
"Wag na! Wag ka ng magpasundo. Manggugulo lang yun mga yun dito eh." Kunyare ayoko pero gusto ko talaga hihihi :)) para di halata. Tiningnan niya ko na parang may iniisip kaya tumingin din ako sa kanya kaya ayun nagtitigan kami. Hahaha! Dejoke.
"Lilibre moko pamasahe?" Mabilis na tanong niya. Inirapan ko nga haha!!
"Kapal ng mukha mo! Wala kong pera! Di na magpasundo ka nalang!" Sabi kong natatawa. Tsaka nae-exite makikita ko ulit siya hahaha!!!
"Gala tayo?" Yaya ni kevkev. Magpapalibre tas ang lakas mag-aya. Wow! Haha!!
"Bukas nalang! Baliw kaba?! Pano tayo makakagala straight tayo noh!" Sabi ko. Oo nga pala guys nakalimutan ko, sa canteen kami nagtatrabaho. Yung straight ibig sabihin 24 hours kang duty, pero malaki naman kikitain mo kaya sulit naman ang puyat tsaka sanayan nalang yan.
"Ano ba yan kasi!" Reklamo ni kevkev habang nagpapadyak ng paa parang bata. Actually, ganyan talaga siya mareklamo :)
"Ewan ko sayo! Adik ka! Adik! Hahahaha!!" Sakto nagpupunas ako ng lamesa sa harap niya pinagwiwisikan ko nga ng tubig sa mukha! Hahaha!! Sabay takbo para walang ganti.
"LETSE KA! DUGYOT KA! KADIRA KA! ANG BABOY MO!" Hahaha! Rinig kong sigaw niya. Hahaha!! Pinag inuman na kasi yung tubig na winisik ko sa kanya hahaha!!!
Para kong tanga dito sa hugasan ng pinggan, mag-isa kong tumatawa hahaha! Baliw na yata ako. Tingin niyo? Dejoke! Feeling ko ganito yata talaga kapag bangag ka, yung tipong magdamag kang gising tas daig mo pa adik. Hanggang bukas pa kami ng umaga dito tas day off na namin!! Kapag kaming dalawa naman ni kevkev hindi naman nakaka antok eh para lang kaming abnormal na tawa ng tawa hahaha! Yung sa sobrang tawa niyo ang sakit na ng tiyan niyo. Ganun kami lagi, kaya nga mas gusto ko na ganito nalang kesa naman na kapag nasa bahay ka wala kang ibang maririnig kundi "ANO BA NAMAN KAYO?! MAGSIKILOS NGA KAYO! ANG DAMING KALAT OH!" Naku! Dialog na yan ni papa, kaya nga ayoko pumirmi dun eh. Basta ayoko sa bahay tapos.
**********
YOU ARE READING
Just You And I
Roman d'amourMinsan ba naiisip niyo kung bakit hindi pa binibigay ng tadhana yung taong magmamahal sa inyo? Yung taong tatanggapin ka ng walang alinlangan, Yung taong kaya kang ipaglaban at hinding-hindi ka iiwan. Siguro nga naduling si kupido kaya ayun, sa...