|Janey's Pov|
Habang papalapit ako ng papalapit papuntang canteen, may kaba kong nararamdaman. Kaba na parang may something na nangyari, alam mo yung ganung feeling? Yung kapag may hindi magandang nangyari, parang ganun. Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas ng kutob ko na meron talaga eh. Bawat hakbang ko ang bigat ng pakiramdam ko, hanggang sa makarating na nga ako.
Lalo nakong kinabahan kasi lahat sila nakatingin sakin. Hindi ko alam anong dahilan dahil wala naman akong ginagawang masama.
"Siguro naman alam mo kung anong nangyari?" Seryosong tanong ni ate elga.( Amo kong babae)
Actually, wala talaga akong alam. Tiningnan ko silang lahat pero kahit senyas wala akong nakuha sa kanila, kahit kay kevkev.
"Alin po?" Inosente kong tanong.
"Hindi mo talaga alam?" Tanong naman ni kuya dho (asawa ni ate elga). Feeling ko seryoso talaga to pero wala talaga kong ideya kung ano eh.
"Ang alin po?" Tanong ko ulit.
"Irish, sabihin mo." Utos ni kuya dho sa isa pa naming kasamahan. Napatingin ako kay irish na halatang kinakabahan.
"Diba hinahatid si kevkev nung mga kapatid niya, tumatambay daw sila dito kapag gabi,at pinapakain niyo pa daw ng libre. Nag inventory sila kuya ngayon kulang lahat." Paliwanag ni irish. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero totoo lahat ng yun. Napatingin agad ako kay kevkev na halatang nagulat din, hindi namin alam kung sinong nagsabi pero isa lang ang alam kong pwedeng magsabi --.
**Nitong mga nakaraan kasi talaga ganun yung ginagawa namin. Kasi sa tingin ko wala akong nakikitang masama, kumakain lang naman sila hindi naman nagnanakaw ng pera tsaka tinutulungan naman nila kami, sinasamahan, kaya pinapakain namin. Nung ano akala ko okay lang eh pero narealized ko na hindi pala dapat dahil unang-una, hindi samin tong tindahan. pangalawa, tindera lang kami. Pangatlo, para narin kaming nagnanakaw nun.**
Pero sino namang magsasabi? Isa lang talaga pwedeng magsabi nun eh.
"At eto pa, ang daming custumer ang nagrereklamo sa inyo. Siguro naman alam niyo na kung bakit?" Seryosong pagkasabi ni kuya dho. Halata sa mukha niya na nagtitimpi lang siya ng galit.
Hindi ko alam kung ano ba dapat kong isagot. Napayuko nalang ako feeling ko papatak na yung luha ko pero pinilit kong wag.
"Siguro hindi na namin kailangan ng paliwanag niyo. Dahil kahit magpaliwanag kayo hindi narin mauulit." Galit na sabi ni ate elga. Lahat ng kasamahan namin nakatingin saming dalawa. nakita ko na umiiyak na si kevkev, pero hindi dapat ako umiyak.
Hindi ko talaga alam ang sasabihin o kung ano bang dapat kong gawin. Siguri isang bagay lang ang dapat gawin sa ngayon.
"Ate elga, kuya dho ...." Tawag ko dahilan para mapatingin sila sakin.
"Sorry po." Sabi ko sabay yuko. Yan lang ang alam kong gawin, alam kong mali kami at kailangan naming aminin yun.
"Sorry din po." Biglang sabi din ni kevkev na umiiyak na. Napabuntong hininga nalang sila.
"Siguro sa ngayon, magbakasyon muna kayo." Sabi ni kuya dho sabay talikod. Yung bakasyon na yan alam ko na yan e, yan yung tong baksyon na pang matagalan. Ano pa nga ba? Hayyyy!!
"Tatawagan nalang namin kayo." Sabi naman ni ate elga. Pumasok na siya sa loob at naupo meaning tapos na ang usapan. Nagsibalikan narin sa trabaho yung iba naming kasama, habang si kevkev naman inaayos na yung mga gamit niya. Hindi ko na makausap yung mga kasamahan namin dahil alam kong sila ang mapagiinitan ng ulo ng mga iyon, pero alam kong concern sila samin and dun palang thankful narin ako kasi ganun sila.
~~
"Hoy baliw ka tumigil ka na nga diyan! Daig mo pa broken-hearted! Ang dramo mo adik ka namn! Hahaha!!" Sabi ko sa kanyang natatawa. Pano ba naman kanina pa iyak ng iyak mula nung umalis kami dun tas sabi niya maglakad nalang daw kami siguro para makaiyak pa siya. Mga 30 minutes na siyang umiiyak parang adik (-.-) .
Hinampas tuloy ako.
"Ouch! Mashaket!!!" Reklamo ko.
"Bwishit ka kas---" Hahahaha!! Napatawa ko ng malakas sa sanabi niya. Hahaha!! Bwishit ka!!! Natawa in siya sa sinabi niya.
"Haha! Kainis ka! Hahaha! Para kang adik di ka man lang nasaktan." Sabi niya talaga ng tumatawa habang umiiyak. Parang baliw.
"Bat ako iiyak? Sino siya?" Matapang kong sagot. Hahaha! Taray eh.
"Para kang abnormal! Ewan ko sayo! Bilisan na nga natin ang init oh!" Reklamo niya.
"Abnoramal ka pala eh. Sino ba may sabing maglakad tayo sa ganito kainit?" Natawa nalang siya.
"Hahaha! Eh kasi naman eh. Hahaha!!" Nabaliw na siya. Parang baliw! Sabi ko kanina magjeep na kami kasi ang init talaga, eh etong abmormal nato "hindi maglakad nalang tayo, malapit lang naman." Oh di ayan para kaming iniihaw. Alien talaga.
**********
YOU ARE READING
Just You And I
RomanceMinsan ba naiisip niyo kung bakit hindi pa binibigay ng tadhana yung taong magmamahal sa inyo? Yung taong tatanggapin ka ng walang alinlangan, Yung taong kaya kang ipaglaban at hinding-hindi ka iiwan. Siguro nga naduling si kupido kaya ayun, sa...