Aldrin's POV:
Matagal akong nakatitig sa screen ng phone ko nang makita ko ang pagupdate ni Sam sa kanyang profile pic sa facebook. Hindi na nag-iisa si Sam sa kanyang profile pic. May kasama na siyang lalaki. Kilala ko ang kasama niya. Siya si Kent na minsan nang pinakilala sa akin ni Sam na nanliligaw sa kanya. Masaya ako para sa kaibigan ko. Kitang kita ko naman sa kanyang mata na masaya siya sa piling ni Kent. Kinuha ko ang isang can ng beer at tinungga ito habang nakatitig pa rin sa screen. Buti pa si Sam masaya na samantalang ako, ito bigo na naman sa pag-ibig. Isang linggo na mula nang magbreak kami ni Jennifer. Nabuntis siya ng kasamahan din namin sa office na kaibigan ko. In 2 months ikakasal na sila dahil ayaw ng parents ni Jennifer na ipanganak ang bata na hindi pa sila kasal ni Ashton. Sobrang sakit ng naranasan ko. Ito na kaya ang karma sa lahat ng pananakit ko sa mga babae? Sobra akong tinamaan kay Jennifer na halos ibuhos ko na ang lahat ng oras ko sa kanya. Kaya nga ang tagal na rin namin na hindi nagkakausap ni Sam. Namimiss ko na ang kaibigan ko. Lalo na sa mga panahon na ito. Siya lang ang makapagpapagaan ng loob ko. Kaya lang paano ko gagawin yun? Ramdam ko rin na nagtatampo siya sa akin sa tagal nang hindi ko siya kinakamusta. Bahala na... susubukan ko na itext siya gamitang bago kong number.
Tinext ko si Sam at sinabing "Kamusta ka na? May boyfriend ka na pala kaya pala hindi mo na ako kinakamusta".
Ano kayang sasabihin nito sa text ko.. ako pa ang may ganang magtampo sa kanya samantalang ako yung nakalimot sa kanya dahil sa masyado ako naging busy kay Jennifer. 5 minutes na hindi pa rin nagrereply si Sam. Kaya tinext ko uli sya at sinabing "Talaga bang nakalimutan mo na ako?" After 2 minutes nagreply si Sam... "Sino to?"
Ang suplada na naman ng kaibigan ko... biruin ko ng sa reply "Si Aldrin to. Ito nga pala ang bago kong roaming. Kamusta na kayo diyan. Pakisave na lang ang bago kong roaming. Miss na kita sobra." Sent!
Nangingiti ako na nag-aantay ng reply sa sagot ko sa kanya...5, 10, 20, 20 minutes na hindi pa rin siya nagrereply. Bakit kaya? Hindi na siya nagreply sa akin. Mukhang may tampo nga sa akin ang best friend ko. Hayst!
Napahiga na lang ako sa kama at pumikit. Aldrin, may buhay pa. Hindi mo kailangan magmukmok dahil nabigo ka sa pag-ibig. Ngayong alam mo na kung gaano kasakit ang magmahal. I think its about time na magseryoso ka na sa mga babae. Sabagay... nagseryoso rin naman ako kay Jennifer.... at kay Sam. Si Sam, hindi ko magawang ligawan si Sam. Mas gugustuhin ko na lang na maging magkaibigan kami dahil ayoko na masaktan ko siya kung magiging kami. Ayoko na mawala siya sa akin ng tuluyan kung magkakasira kaming dalawa. Hanggang sa nakilala ko si Jennifer, tulad ni Sam naging special sa akin si Jennifer. Finally nakita ko na yung babaeng maaari kong makasama gang sa pagtanda ko. Kaya lang akala ko lang pala yun. Sa kabila ng mala-anghel niyang mukha, magagawa niya rin pala ako na lokohin. Sa pagdating ni Jennifer sa buhay ko, silang dalawa ni Sam ang nawala s akin. I think its too late for me to realize everything. Namimiss ko na si Sam. Ayaw ko naman na i-open sa kanya ang nangyari. Baka isipin niya naaalala ko lang siya kapag masaya ako, pag malungkot ako. Ayoko na muna guluhin ang kaibigan ko. Alam ko nang masaya siya sa kanyang bagong buhay.
Hanggang sa nakatulog na si Aldrin sa kalasingan at kakaisip.

BINABASA MO ANG
Paano nga ba mag-move on?
RomancePara sa mga taong gustong magmove on.. ayaw magmove on.. pamoveon na nahurt pa rin...