One fine December Friday afternoon, at their favorite tambayan in the university...
The group was surprised at Maine's arrival with a male companion, Jerald swore he saw RJ's eye twitch.
"Hey, guys! This is Tom Robertson, nursing student siya dito. Tom, these are my friends." Maine introduced each of them. The group was silently eyeing the guy out, then looked at RJ for his reaction. Tom looked like an Abercrombie and Fitch model. Di maintindihan ni Sam kung matawa siya o maawa sa itsura ni Pokerson, para kasing najejebs. RJ slumped in his seat, akala mo ilang milyon ang nalugi sa kanya. Nagpaalam din naman kaagad si Tom na umalis. When Tom was gone, the girls and Allan hovered over Maine.
Pauleen: Woy, Maine. Saan mo nakilala yun? Ang layo ng department nun sa department niyo ha.
Maine: Hay naku kayo talaga. Pinsan yung ng classmate ko, siya yung kinuhang model para sa presentation of designs kanina. Pat, Val, you were there!
Pat: Ah siya ba yun? Yung pinasuot ng pink barong? Hahahaha
Val: At bakit kasama mo naman yun papunta dito?
Maine: Akshelly, nauna akong umalis sa kanya, naabutan niya lang ako sa may stairs. He saw me struggling with my things, he offered to help me with them. Sabi niya pauwi naman na daw siya sabay nalang daw siya sakin.
Allan: Nakita mo ba yung itsura ni RJ? Parang nauutot, nagseselos ata, Meng.
Maine: Bakit naman magseselos?
Pia: Sige, gurl, maang maangan pa more! Panindigan mo yan ha?
Maine: Hoy, kayo ha. Akala niyo di ko napansin kanina, tingin kayo ng tingin kay RJ. At sa sobrang abala kayo sa pag observe ng reaction ni RJ, di niyo napansin ang mga pasulyap-sulyap ni Tom kay Ruby! Kayo talaga!
Allan let out his signature kilig squeal as Ruby blushed furiously.
Sam: Uhm, guys? Mauna na kami ha? Kailangan pa kasi namin sunduin ang Mama namin sa mall. Pat tawagan nalang kita tonight ha? Ingat kayo sa paguwi.
Je: Val! Alam mona ahihih. Dejoklang, basta I'll call you mamaya. Take care, Val. Bye, guys!
RJ only waved at the group without saying anything, he didn't even look at Maine. The girl could only stare at his retreating back, confused at his behavior.
Ruby: Hay nagseselos nga yata si RJ. Pano naman kasi si Tom, dume David Beckham naman kasi. Hihih
Maine: Luhluhluhluh Ruby oh, pumupuso ang mata. Hahahah. Pansin mo rin yun mga sulyap ni Tom sa'yo kanina? Woy grabe ka sa David Beckham. Hay sige na nga, ayokong basagin ang trip mo. Hahahahaha
Pat: Meng, pano si RJ?
Maine just shrugged. Di naman talaga niya maintindihan si RJ.Yung tatlong itlog, habang papuntang mall para sunduin mga nanay nila...
Je: Uy, Paps! Anyare kanina? Bakit antahimik mo?
Sam: Kung nakita mo lang pagmumukha mo kanina, RJ, daig pa yung may matinding constipation. Nagseselos ka dun kay Tom?
RJ: Nagulat lang ako nung dumating si Maine na may kasamang guy.
Je: Ayan kasi! Antagal mo kasing ligawan e, bahala kana talaga kung maunahan kapa nun ni Robertson. Grabe inaasar ka talaga, Papi, magkatunog pa apelyido niyo. Hahahah
Sam: If it makes you feel any better, Paps, pansin ko si Tom nagpapa cute kay Ruby. Ikaw ang OA mo lang, di mo pinapansin si Maine, wala naman kasalanan yung tao.
RJ: Kaya nga I feel bad na di ko siya pinapansin, Paps, e. Di ko alam ang gagawin.
Je: Torpedo ka kasi, tss! Kanina nung paalis tayo, parang kawawa yung itsura ni Maine na tinitignan ka na naglalakad. Pano di mo pinapansin. Seselos selos ka, di mo nga nililigawan. Parang kolokoy lang, Paps, wag moko kausapin ngayon.In Bulacan...
Her phone was ringing...
"Richard sungit."
"Sorry."
"..."
"Please say something."
"Kanina sa school wala kang imik tapos ngayon andami mo nang nasasabi."
"Maine, I'm really sorry. Nagulat ako nung nakita kong may kasama kang guy. And he looked like a friggin' Calvin Klein model! I panicked, Maine."
"Bakit nagpa panic ka? Tatampo tampo ka without even asking kung bakit ko siya kasama. At nakita mo naman nagpaalam naman agad yung tao. And Tom likes Ruby, okay?" She chuckled.
"Nagseselos ako." He mumbled.
"Bakit ka nagseselos?"
He let out a sigh. "Maine, I'm sorry. I have to say this to you in person. Puntahan moko dito please? Andito ako sa labas ng gate niyo."
"Huh?! As in dito sa Bulacan?"
"Maine, saan pa nga ba? Hahahahah"
"Sige wait lang, bababa nako. Bye!"
She checked herself in the mirror to see if she looked okay, then grabbed a cardigan and the slouchy beanie she crocheted for him. Then she went out of her room.
He was leaning on his car when she came out.
"Halika dito tayo sa loob, malamig dito. Gusto mo ng coffee?"
"Sige, thank you."
"Ay oo nga pala, nag bake ako ng carrot cake kanina. Gusto mo?" He nodded.
They sat by the bench at the garden. They ate cake and sipped their coffee in a very awkward silence. Finally, he cleared his throat.
"Uhm, Maine? Sorry talaga kanina, I know my behavior was inappropriate. Pero kasi, nung nakita kita na dumating with Tom bringing your things. I don't know, biglang it came to me na not all the time I get to be there for you and, and, and... Haay, basta nagseselos ako, Maine. Kainis, tama nga si Je, torpe nga ako. Di ko man lang masabi sabi na gusto kitang ligawan. Na mahal na kita..."
"Huh? Mahal moko?"
**kroo kroo** He just stared at her. Then he swallowed an invisible lump in his throat, trying to compose himself. Then he held her hand.
"Meng, di ko alam kung kelan nagsimula. Kung nung first meeting natin na nabunggo moko tas gumulong yung colored pencils mo sa hallway and your eyes are just so beautiful. Or nung hinatid kita pauwi dito tas pinakanta moko ng Real Slim Shady and I saw how your face lit up, and again, sobrang ganda mo with your hair in a messy bun. Well, I'm pretty sure I was already head over heels inlove with you nung sembreak when you made my mother so happy with your creative ideas and saved my Abuela's doilies. And seeing you with Tom kanina made me realize that I should not let this chance go to waste to let you know how much you mean to me. And before I ramble and stutter and run out of words to say, I... I love you, Maine, more than anything. And if you allow me, I will prove it to you everyday. Magpapaalam rin ako sa parents mona manliligaw ako..."
"They're not here now, bumisita sa Lola ko sa La Union. Kami lang ni Yaya Pe ang naiwan ngayon dito."
"Oh, I see. Uhm... Yun... Heheh"
"So... Manliligaw ka? Kung walang Tom, di ka manliligaw? Kampante ka masyado ganun?"
"Eh... Heheh..."
"Hahahahah! Angkyot mo pag ninenerbyos. Ano ka ba, RJ? Ako pa rin to, ikaw talaga. Halika, pasok na tayo. Sabayan moko kumain ng dinner bago ka umuwi ng Laguna."
After they had dinner, nagpaalam na si RJ na umuwi. When they went to his car, isinuot ni Maine sa kanya yung slouchy beanie.
"O suotin mo yan, ginawa ko yan kanina lang sa sobrang inis ko sa'yo. Suplado ka pala pag nagseselos, tss!"
"Uy, ang ganda naman nito. Thank you ha? Ang bilis mo nagawa to ah. Palagi kong susuotin to, promise."
"Bagay sa'yo. Heheh. Sige na, gabi na. Thank you sa pagpunta mo dito. Mag ingat ka, sasagutin pa kita. Hahahah"
"Walang bawian na yan ha?"
"Sige na, uwi kana. Text moko when you get home. Goodnight, RJ."
"Goodnight, Maine. I love you."
Ngyaaaaww namumula na naman ang buong pagkatao ko. Enebe, Arsheeeyy?!
After a few minutes, RJ drove off.
She got a text message from him letting her know that he got home safely, she slept with a smile on her face that night.The next morning, she received a picture message (a/n: parang Nokia 3210 lang yung dating ng picture message hahahaha) from RJ. It was a photo of a page of his sketchpad with many drawings of her.
"Dino draw kita tuwing naiisip kita, kaya ganito nalang sila kadami. I promise to make you a proper portrait one day, Maine."
🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷
A/N: Madali lang mag crochet ng slouchy beanie lalo na if you use a medium thick yarn and a big sized crochet hook, it will just take mga 4 hours max.
Nokia 3210, dati sikat na sikat ka kung ganyan ang phone mo. Hello, yun kaya ang pinakaunang phone na walang antenna. Hahahaha
High by the Lighthouse Family. Wala lang, nahalungkat ko lang sa highschool playlist ko. Napaghahalataan na ang edad ko hahaha.
Belated happy 70th weeksary sa ating lahat.
YOU ARE READING
CUT - An AlDub/MaiChard FanFic
FanfictionFrom my drabble for AMACon3's 30-day drabble challenge. Prompt 25: The personification of Maine's and Alden's regret. Medyo nahirapan ako sa prompt dahil sa word na regret. Pag regret kasi para sakin kailangan nananapak ng puso yung drabble dapat. S...