02

143 23 0
                                    

Allona Bright

It's been month since huling pumunta si France sa bahay pero ngayon ako naman ang kailangang pumunta sakanila, magpapa-kupkop muna ako for awhile, haha. May business trip kasi ang mom and dad, wala din ang mga maids. I think there's no need for further explanation, 'di naman obvious na may phobia ako sa pagiging alone di'ba? 'Saka takot nga din pala ako sa mumu, ghad! I can't really live alone, pakiramdam ko may pangit na hihila nalang sa'kin bigla at hindi na ako ibabalik!

Ang dami kong kaibigan, bakit kila France pa, bakit hindi nalang sa mansion ng mga Spencer kung nasaan ang pinaka best sa lahat ng best friends ko na si Arisse?

'di ko din talaga alam, basta nasabi ko nalang kay mom na gusto ko dito, maybe dahil nandito si paris?--maybe dahil gusto ko'ng ma-entertain at si paris lang ang kilala kong sobra sa pagka bubbly sa barkada?---Oo tama 'yon nga siguro ang dahilan, imposible naman na dahil kay France.

Dahil hanggang ngayon nga ay bangag pa rin ako at hindi parin makapaniwala na nililigawan na n'ya ako, totally opposite kasi talaga sila ng kambal n'yang si Paris, malamang dahil lalaki s'ya at babae si Paris pero hindi lang talaga 'yon eh, demonyo si France sa'kin kaya 'di talaga ma-absorb ng utak ko ang lahat.

Halos isuka n'ya at itanggi si Paris kahit obvious naman sa mukha nila kung magkaano-ano sila. Ganun din s'ya sa'kin parang 'di nya ako kaibigan o kakilala ituring dati, actually we're like strangers to each other, magkaibigan naman kami sa mata ng lahat but we don't really talk to each other, not even once a day, once in a blue moon is the right word to describe it. Nagkikita lang talaga kami at ang masama pa nun pag nginingitian ko s'ya, he's acting as if I'm just a piece of sh*t o isa sa mga fangirls n'ya! Parang s'ya pa nga 'tong galit o naiinis kahit na wala naman akong ginagawa! Madalas tinutulugan pa ako kahit hindi pa nangangalahati ang ngiti ko, bastos 'yan eh dumudukdok nalang agad sa arm chair, inisip ko nga minsan na baka nakaka antok ako para sa kanya.

Nakaka inis talaga pero kinokonsider ko na lang, sanay naman na ako sa ugali n'ya eh, but everything changed when he confessed his hidden feelings for me, I though he's joking, pumayag man ako nang tanungin n'ya kung puwede n'ya akong ligawan, aaminin kong hindi ako kumbinsido na totoo ang mga sinasabi n'ya. He will fool me? Posibleng posible yun, siguro ako ang napili n'ya dahil ako lang ata ang pinag iinitan n'ya sa barkada pero sino ba ang maloloko n'ya? Definitely not Allona Bright--definitely not me.

Everyone knows that he is a casanova--The Casanova King, kaya walang pwedeng sumisi sa'kin kung hindi ko s'ya agad paniwalaan, alam ko na alam din ng iba pang mga babae sa paligid na nagkakagusto sa kanya na sa lahat sa'min, ako ang lubos na nakaka kilala kay France Williams, magkaibigan pa rin kami, 'di lang halata at syempre marami akong alam sakanya, 'di lang obvious.

Weird lang na matindi agad ang epekto n'ya sa'kin, palapit pa lang s'ya nanlalambot na ang tuhod ko, umuusbong na ang kaba at nako- concious agad ako sa kung ano ang 'tsura ko. Natatakot ako para sa sarili ko, ang labo kasi, sinasabi kong 'di s'sya dapat paniwalaan pero hulog na hulog naman ako.

Hindi naman kasi talaga mahirap mahalin ang isang France Williams, dati pa lang malapit na s'yang maging perfect pero ngayon para sa'kin perpekto na s'ya. Nahanap ko na ang kung ano mang kulang at yun ay ang marinig ko ang boses nya at ang makita ang mga ngiti na bibihira nya ipakita dati, in fact nasa kanya na ang lahat ng pwede kong magustuhan sa isang lalaki, he's already my ideal man, gustong gusto ko na s'ya but I need to control myself. Kailangan ko munang alamin ang totoong motibo n'ya dahil hindi ako pwedeng maloko ng kahit sino, not even once.

Epic Love (The Casanova King And His Queen's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon