07

40 15 0
                                    

Allona Bright

Hospital

"Sige ah? Gusto pa sana naming mag stay kaso alam nyo naman, nagru-rush na tayo ng projects." Paalam ni Arisse, buong barkada ang napa-sugod nang malaman na dinala sa ospital si France, pati nga ako nagulat noong may dumating na ambulansya sa school, akala ko ayos na sya sa clinic kaya nga hindi na din ako sumunod noong dinala sya ng mga school nurses.

"But don't worry, kami na ang bahala dun." nginitian ako ni Drake, "Right, Ona? Let's go, hayaan mo na si Paris dito."

Mabilis akong umiling, "Babantayan ko din si France, I'll stay." Sabi ko. "Sige na guys, okay lang ako dito, sasamahan ko na din si Paris."

"Sige, sige. Tumawag lang kayo ah? Keep us updated pag nagising na sya." Nag beso si Max sa'min ni Paris bago pinagtulakan palabas ang iba pa. Para kaming malaking pamilya sa may labing pitong miyembrong barkada, siyam na lalaki at walong babae. May tatlo kaming kambal sa barkada, si Cess at Lady na parehong kalog, Jade na boyish at Alle na nerd at last but not the least, The casanova king France and his conyo twin sister,Paris.

"Why are you nagpa-iwan? I don't need you dito." Nagsisimula nanaman sya, sa pagiging mataray at conyo nya na parang  ibang tao ako. I think she's really mad. Hindi ko talaga maintindihan but I guess I need to consider.

Umupo ako sa tabi nya at sumandal sa balikat nya, "Pars? Sorry na, 'di ko naman alam na sensitive sa init si France." Ipinagkibit balikat nya lang ako, tumingin sya sakin ng naka-nguso at tumingin kay France  na hanggang ngayon ay tulog pa rin.

"Nakaka-inis ka. Di mo ba alam how much ko ka-mahal yan? Even though monster sya kung magalit sa'kin, super love ko yan! Tapos ikaw na mahal nya na nga at pinapakitunguhan ng maayos igaganyan sya, pag huhuliin lang ng tutubi?" Mahina pero madiin na sabi nito na buong buo kahit pa conyo ang pagkaka-sabi. Hinampas nya ako sa balikat. "Wag ka na kasi magpaligaw! Pinapahirapan mo pa si kuya. Tingnan mo si Arisse, sinagot agad si Drake, kasi naniniwala sya na relasyon ang dapat pinapatagal hindi ang ligawan. First boyfriend pa nya yun ah, she take the risk, pinili nya si Drake kesa sa pride at sa dami ng mga manliligaw nya." Napa-nganga ako sa pag-hanga.

"Maayos ka pala kausap pag dating kay France." Naisatinig ko at sama ng tingin lang nya ang inabot ko.

"Don't change the topic! Sagutin mo na si kuya!" She grip on my shoulders and shake me like there's no tomorrow!

"AHH! Tama na, Paris!" Pakiramdam ko umiikot ang mundo ko pagka-tigil nya, lang'ya ang lakas pala ng isang 'to. I pout my lips then look straight into her eyes. "Malapit na, naghihintay lang ako ng sign kaya please, wag mo na akong kulitin!" With gulu-gulo ng buhok pa ang drama ko.

"Hmp! Bilisan mo ah, para may forever!"

••

"Anong gagawin mo jan? Ang dami naman." Usisa ko kay Paris. Bumili lang ako sandali sa canteen dito sa hospital at pag balik ko, nagbabalat na sya ng sandamakmak na patatas.

"Baka pambato ko sa'yo," she smirk

"Baliw." Tumingin ako kay France, ngayon ko lang s'ya nakitang ganyan. Kung sabagay kung di naman sya tulog eh nasa mga flings nya.

Tumabi nalang ako kay Paris. "Mauubos mo yan o nagpapaka Cinderella ka lang?" Pabirong tanong ko. Natawa ako lalo nang wisikan nya ako ng tubig mula sa basin na hawak nya.

"Ang epal mong talaga, you know? Saka pwede bang silent ka nalang muna, nag re-rest si kuya, saka teh... bad breath ka!" WTH?!

"Baliw. 'di naman!" Dipensa ko matapos kong amuyin ang amoy mint at always fresh kong breath. Ohmy, I'm so conyo, inspired by Paris!

Epic Love (The Casanova King And His Queen's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon