Naisip kong marami pa akong hindi alam kay France, at gusto kong may malaman kahit paunti-unti para na rin sa future naming magkasama kaya habang wala sya kanina eh nanood ako uli ng isa sa mga weird na CD galing sa separated storage nya, umasa na sana makilala ko pa s'ya lalo gamit yung mga mapapanood ko, balak kong panoorin lahat yun, alam kong mali na mangialam pero di naman nya malalaman right?
Yung Pangalawang CD 'Best Voice Ever' ang title at may pirma sa cover pero walang pangalan ng kung sino mang pumirma. Napa-lip bite ako simula pa lang nung nakita ko sa Video si France..Nag s-strum ng Gitara, kumakanta ng puno ng pagmamahal ang mata. Bagay na never pa nyang nagawa sa harap ko at ang masakit sa kalagitnaan ng kanta sumulpot ang babae yumakap mula sa likod ng naka-upong si France at humalik sa gilid ng labi nito, ngumiti lang si France at tinuloy ang pagkanta...Beautiful in White? Wow, yung lyrics ng kanta bawat bigkas nya masakit dahil hindi para sakin. Saka naka Orange ata ako nung una kaming nagkita, natawa ako bigla ng mapakla.
Pagkatapos ng kanta sinabi ng babae na kay France ang pinakagusto nyang marinig na boses sa lahat. Spokening dollar ang babae at mukha siyang spanish or french. Pati boses n'ya maganda, di na ako magtataka kung bakit sya nagustuhan ni France, paano nga ba kaya sila nagkahiwalay?
Pagbukas ng pinto tumingin ako agad, anjan na pala si France.
"Gabi na.Matulog ka na" sabi nito at binagsak ang sarili sa kama, tumayo naman ako sa kama ni paris at tinabihan sya sa kama nya. Napalingon s'ya sa'kin."Oh? Nandito ka na naman, bat ka ba tabi ng tabi sakin?"I tap his nose."Harmless ka naman eh, saka gusto kita katabi"
He nods and slowly forming a smirk on his lips."Ow pano kung nirape kita?" I pout
"Kaya mo? Alam ko namang Nirerespeto mo ako kahit di mo sabihin." niyakap ko sya, umunan sa braso nya at dinagan ko ba ang isang hita ko sakanya."Hmm..Ang Bango mo naman Hubby."
"Ang baho mo kaya ayaw kitang katabi eh" sabi niya pero hindi naman ako tinulak.haha."Saka anong Hubby sinasabi mo jan?"
Tinampal ko ng mahina ang bibig nya."Bad ka! Hindi mo dapat sinusungitan at nilalait ang wifey mo!" Sermon ko, yieeh ang cute diba? Hubby and Wifey!
"At anong Wifey na naman?" Slow ng hubby ko!
"Hubby/Wifey Tawagan natin Simula ngayon. Slow mo talaga Hubby"
He lift my chin up at sinalubong ako ng nanlalaking mga Mata nya."Sinasagot mo na ako?" Tinampal ko ang kamay nya.
"Assuming! 'di pa noh."
"Ouch. Labo Naman." Nag-iwas sya ng tingin, tinago ko naman ang mukha ko sa dibdib nya at lihim na ngumiti.'Darating din tayo jan. May tamang panahon'
BINABASA MO ANG
Epic Love (The Casanova King And His Queen's Story)
General FictionLagi na akong nasasaktan simula noong minahal kita pero kahit sa susunod kong buhay, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko. Kasi una pa lang, sa'yo ako. PLEASE LOCK YOUR SELF TO BE MINE. ××× He's my Casanova, my epic love, my everything.