ALLONA BRIGHT
"Mahilig ka sa patatas?" Tanong ko kay France na kumakain ng sandamakmak na patatas, ito ata yung mga pinag abahalan ni Paris na baltan kahapon, marahil sinadya nya talaga para pag gising ni France may maipakain sya, or just so I think. Ako nga yogurt lang ang kinakain ko at paubos na din halos samantalang sya pangatlong bowl na ata n'ya 'to ng mashed potatoes pero parang wala syang kabusugan kung kumain!
"Hindi. Kailangan ko lang." Sagot nya.
"Ah?" Tumango ako. Kailangan daw, baka source of energy nya.lol. Seriously potatoes?
"Nga pala, anong sinabi mo kay mom? Umiiyak." Tanong nya sa kambal,
"Wala naman bukod sa sinabi kong nahimatay ka tapos ako na bahala sa'yo, that's all then she start crying na." Naka-yukong sagot nya habang nilalaro ang kamay sa lap nya, alam ko namang deep inside naiinis sya dahil pagka-labas palang namin ng ospital kami na ang magka-usap ni France. Nakaka-takot naman syang i-approach at baka di nya ma-control ang inis nya, nasa harap pa naman si France, base sa ugali ng Kambal nya papagalitan lang s'ya nito kung sakaling sungitan nya ako.
"Yun lang tapos umiyak na s'ya? Maybe I'm not the reason." Tumango-tango si Paris na parang ayaw nya tumingin.
"Guys, pasyal tayo later?" yaya ko,
"Hmm..Tara Pars?" Yaya ni France sa kambal, mukhang good mood sya, good thing.
••
"Gusto mo?" Alok ko ng sundae kay Paris nang biglang sumulpot si France sa tabi ko at inabutan ng float ang kambal, gumuhit ang ngiti sa labi nito at hindi maitatago ang kasiyahan nya. I'm happy for her, minsan lang talaga s'ya itrato ng maayos ng kambal nyang mokong or baka yun lang ang nakikita ko.
Nag belat s'ya sa'kin na parang naka-puntos sya sa isang kumpitisyon at ako ang kontrabida sa love story nila. Kung di lang sila magka-mukha at kung di ko lang sila kilala iisipin ko talagang ka-agaw ko si Paris.
"Grocery tayo, ikaw mag luto, Paris." Sabi ni France na kasabay ko sa pag lakad. Nasa harap kasi namin si Paris, matalim ang mata sa mga girly things.
"Later nalang, kuya. Shopping muna~"
"Geh, tara dun." Turo nya sa girl's section na ikinagulat ko. WTF, nababakla na ba sya?!
"Are you something?!" I asked out loud.
He just laugh,"Of course not, I just wanna shop for you girls. Thanks for taking care of me in the hospital."
"No other reason?" Tanong kong si Paris na ang sumagot,
"isn't it obvious? Hindi sya bakla. Sapat ng ako lang ang babaeng anak nila mom!" Ohkay, natawa si France na dahilan ng pag tigil ng mundo ko, napa-titig ako sakanya.
"Red days?" He asks his twin, still laughing, but..wow, I was surprised, he seems to be comfortable talking about girls thing. Perks of having a super girly twin sister, I guess.
"No, kuya. Trip lang." Tukoy nya sa inasta nya.
Pagpasok namin sa shop, nanguna na si Paris sa mga damit at kung anu-ano pang magustuhan nya as she always do kahit noon pang freshmen pa lang kami. Napa-iling nalang ako, Paris Williams will always be Paris Williams na kahit wala ng space sa closet ay tuloy pa din sa pag hoard.
Hinila ako ni France sa Jewelry shop na malapit, "What are we doing here?"
"Kung anong dapat ginagawa ng mga shoppers sa jewelry shop." Ngiti nya, "Choose, I really wanna buy you something. Yung makikita kong gingamit mo."
"Eh, pwede namang damit nalang. Not things as expensive as this. Jewelry? Too expensive."
"It's okay. My girl deserves the best, you always do." He steal a kiss on my cheek and pull me near the jewelries. Looking at the prices, nanlulula na ako. Don't get me wrong, mayaman din ako at kaya ko din bumili ng alahas para sa sarili ko, pero lalake gagastos ng malaki para sa babae without label than friends? Saka si France na puro babae ang ikot ng mundo, di nga? For real?
He snap a finger infront of me, muntik na akong mapa-talon sa gulat, natulala na pala ako
"Pili na, gagawa pa tayo ng memories pagkatapos natin dito." Memories? Yieehhh! Ito na ata ang hinihintay ko.
I chose a silver ring with one little diamond attached on it that worth hundred and twenty thousand pesos but France didn't seem to care. Pinapa-pili pa nga nya ako ng dalawa pa para daw I love you , but of course I refuse, nakaka-hiya na masyado. Sabi ko nalang one word is enough, okay na yung love kinilig pa ako sa sinabi ko, self support ganern. Pag sundo namin kay Paris sa kabilang shop tinulungan muna namin sya dalhin sa kotse ang di mabilang na paper bags na mga dala n'ya.
BINABASA MO ANG
Epic Love (The Casanova King And His Queen's Story)
General FictionLagi na akong nasasaktan simula noong minahal kita pero kahit sa susunod kong buhay, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko. Kasi una pa lang, sa'yo ako. PLEASE LOCK YOUR SELF TO BE MINE. ××× He's my Casanova, my epic love, my everything.