09

41 10 0
                                    

ALLONA BRIGHT

03:30 palang ng umaga..naantok pa ako pero bumangon pa rin ako dahil parang may nabasag sa baba. Wala na si France sa kama at nasa kama na din ako ni paris. Naka awang ang pinto kaya siguro kahit soundproof ang kwarto narinig ko pa rin ang ingay sa baba.

Nataranta ako nang may naisip akong nangyari, nagmadali akong bumaba, wala si france sa kwarto baka s'ya yung naka basag! Lahat ng madadanan kong switch ng ilaw ay pinipindot ko para mabilis ko s'yang makita.

Naabutan ko si France sa Bathroom sa baba, bukas ang pinto nito kaya nakita ko agad. Basag ang vase sa tabi ng pinto, posibleng nasagi n'ya. Naka yuko s'ya at hawak nya ang dibdib nya, halata ang pamumula nya rito sa likod at pati na rin ang pamumula ng mukha nya na makikita sa salamin.

Nilapitan ko agad sya at hinagod ko ang likod nya, humarap naman sya agad sakin at pilit na ngumiti."Did I wake you up? Sorry." Umiling ako at pinunasan ang butil ng pawis sa gilid ng noo nya nang mapansin ang pulang likido sa sink, is that a blood? I cup his face and look straight into his eyes."France answer me honestly. Are you okay? Bakit may dugo sa sink?" Imposibleng dugo niya yan gawa sa nakabasag s'ya dahil wala naman akong makitang galos o sugat niya.

Hinawakan lang nya ang kamay kong nasa mukha n'ya."Don't mind it. I'm okay." sagot lang nito at niyakap ako.'France are you sick?' Tanong sa isip ko, alam kong  ayaw nyang kaawan ko sya pero dahil kita ko namang nahihirapan s'ya hindi ko na ipipilit na tanungin s'ya ng paulit-ulit. Ayoko syang ma-stress, I'll just find it out myself.

I caress his back and lean my forehead on his shoulder."It feels like heaven staying like this kahit sandali lang." I heard him whisper.

Humiwalay s'ya sakin and kiss my forehead. "matulog ka na uli. Lilinisin ko lang ang kalat ko." sabi nito refering to the vase.

"Nah, gising na ako. I'll help you" I smiled. I couldn't really let him clean the broken vase alone at baka lumala pa.

"Hindi okay lang.just rest"

"Wag na makulit basta tutulungan kita." sabi ko at inunahan sya sa pag kuha ng mga pang linis.

Pagkatapos naming linisin yung nabasag, natulog kami uli dahil maaga pa naman, tinabihan ko uli sya kahit ayaw nya dahil dun ako kumportable at pag gising naman namin naghanda kami para sa school, ang weird nga eh nasa kotse na ako at lahat wala pa sya eh normaly nauuna  naman sya sakin o kaya sabay lang kami, parang okay na okay na din yung tsura nya parang di sya yung France na nakita ko kaninang madaling araw na hirap na hirap, siguro nakapagpahinga na sya.

"Oh flowers at chocolates mo," napa-nguso  ako at tinanggap yun. Ganyan talaga sya mag bigay, hindi sweet basta bigay-bigay.

"France, wag mo na kong bigyan nito. Gusto mo ba akong magka diabetes? Saka wala na akong mapaglagyan ng mga flowers"

He tilt his head. "Eh anong gusto mong ibigay ko sayo?"

"Wala na. Sapat na sakin na lagi kitang kasama." I show him my sweetest smile.

"Ako ba talaga ang lalaki dito?"

"Why?"

"Kasi ako ang kinikilig eh. Nakaka bakla." natatawang sagot nya.

"Baliw! Sige na last na 'to ah?" Tinapat ko sa mukha nya yung flowers at chocolates.

He nod and kiss the back of my hand. 'bat di nalang sa lips?'

"Oy kayo na ba?" Biglang sulpot ni Rence at umakbay sakin.

inalis ko ang pagkaka-akbay nya at dumikit kay France."Hindi pa, pero malapit na" I said and cling my arms on his.

Kunwari naman napaatras si Rence, baliw kahit kailan.
"Parang ikaw ang nanliligaw ah? Pfftt..Aray!" Sinabunutan ko nga nakaka inis sya eh, pake n'ya ba kung gusto ko si France pero di ko pa sinasagot?

Nag-angat naman ako ng tingin kay France at ang bwisit nag pipigil din ng tawa! Itutulak ko na sana sya pero hinawakan nya ang braso ko."Sorry na.." natatawa paring sabi nya at hinalikan ang gilid ng labi ko.'Palapit na ng palapit sana yung next direct na, 'di lang kita patatawarin sayong sayo na ako' Ay gaga! Kahit naman maingat ako may nag iisang lalaki akong hinahayaang makahalik halik sakin kaso yung lalaking yun heto nambibitin pa.

Nangilid ang luha ko, pinaghahampas ko s'ya pero tinatanggap nya lang, niyakap n'ya ako pagkatigil ko at pinunasan ang luha ko. "Sorry na please? Wag ka nang umiyak, nanonood si Rence sige ka." bulong nya sakin, sumiksik naman ako sa dibdib n'ya at sumilip ng konti kay Rence na todo ngisi at nagtago uli sa dibdib ni France. I heard him chuckle."Alis na Bro nahihiya na ang soon to be Girlfriend ko" sabi nito at  sinisenyasan si Rence.

"Pffft..Ona Sagutin mo na~ di na kita aasarin promise.Haha" Rence pat my head before leaving. Humiwalay si France sakin at inayos ang buhok ko and smile."Hush now baby," he chuckles and clean my face with handkerchief pero tinabig ko ang kamay n'ya.

"Baby,baby ka jan!" Alam n'ya namang ayaw kong tinatawag n'ya ako sa endearment nila ng kung sinu-sinong Fling nya eh kasi hindi nya ako Fling.

"Oo na sorry, Let's have a Dinner afterschool?"

"Talaga?" He nods while unbuttoning his school uniform. Pinigilan ko sya."Anong ginagawa mo? Bat ka nag huhubo?" Natawa naman s'ya. Ang daming babae sa paligid! Hinawakan n'ya ang kamay ko."Relaaax" he touch my cheek."Naka T-Shirt ako" sabi nito at pinagpatuloy ang ginagawa, naiinitan siguro sya.

Epic Love (The Casanova King And His Queen's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon