03

98 22 0
                                    

Allona Bright

Sabay-sabay kami nina Paris at France pag pasok at pag uwi. Natutulog ako sa tabi ni Pars dahil iisa lang naman ang kwartong tinutulugan nilang kambal, pero syempre dalawa din ang kama. Ewan ko nalang kung ano ang mangyayari kay Paris kung tabi sila ng kambal nya, baka bangkay na 'to ngayon. Actually may guest room naman eh pero mas gusto ko talaga dito, hindi ako mag iisa at makikita ko pa si France ng malapitan.

"Dito lang kayo, walang lalabas ng bahay, mag lock ng pinto. Paris, no visitors for today, understand?" Tumango kami ng sabay ni Paris at sinundan ng tingin si France.

"I'll be back." Sabi nito at lumabas na ng kwarto.

"Woah, ganyan talaga s'ya ka-istrikto? Parang tatay ah."

"Yah, girl. Ma-used na you, in this house he's the hari, the rule." She pats my shoulder.

"Teka? San ba punta nun?"

"May kikitain siguro, gal. Fast lang naman daw him, just hintay." Sagot niya sa tanong ko.

"Babae?"

"Maybe," ngumisi sya at kinindatan ako. Madalas talaga pakiramdam ko duduguin ako sa kakaibang language ni Paris pero gaya nga ng sabi nya 'Ma-used' na daw ako.

"May bagong fling nanaman ba ang kuya mo?" Kunot noong tanong ko na lalong nagpalawak sa ngisi nya.

"Baliw! Si kuya pinaghihinalaan mong may fling na
kikitain, are you serious?  Hindi yun! Seryoso sya sayo." Humarap sya sakin. "Look. Sa buong one month nyang nililigawan, nakita mo na ba sya uli na may kasamang ibang babae?" Napaisip ko bigla, kailan ko nga ba sya huling nakitang may kasamang ibang babae?

Last month?  One week bago nya ako officially niligawan at kumg hindi ako nagkakamali, nakipag break sya sa babae at sinabing sawa na s'ya dito. He broke another girl's heart again, in my face. Sana lang mali ako ng iniisip dahil hulog na hulog na talaga ako, baka hindi ko kayanin pag ako na ang sinabihan nya ng famous casanova lines n'yang, 'I never loved you' 'sawa na ako sa'yo' 'you're just my flavor of the day' at iba pang masasakit na salitang hindi ko pa natatanggap mula sakanya pero isipin ko palang nanghihina na ako. Pero.. hindi naman siguro dahil sa pagkaka-alam ko ako ang kauna-unahang niligawan nya dahil dati babae ang nanliligaw sakanya, well, hanggang ngayon din naman but he keeps on turning them down, in my face.

Siguro nga din tama si Paris, seryoso si France at nag O-over think nanaman ako, alam kong nakaka dami na ako ng pero, pero sa tingin ko kulang pa ng konti. Lahat naman ng bagay may tamang panahon 'di ba? Flowers, chocolates, care, 'I love you's even evening and early morning messages naibigay na nya sa'kin, he even give his time just to be with me, thing that he can never have back.

What I need to do now is to wait for the sign--for the right time.

Epic Love (The Casanova King And His Queen's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon