Aries (April 18-May 13) Maaaring mahirapan kang unawain ang sinasabi ng iba.
Taurus (May 13-June 21) Maaaring madismaya ang mga taong malapit sa iyo sa pagsasayang mo ng panahon sa walang kabuluhang bagay.
Gemini (June 21-July 20)Maaaring magulo ang iyong pag-iisip ngayon lalo na kaugnay sa mga responsibilidad na mahalaga sa iyo.
Cancer (July 20-Aug. 10)Ito ang tamang pagkakataon para sunggaban ang swerte ngunit hindi mo ito matatamo kung hindi ka kikilos.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Pakiramdam mo’y may taong sinisiraan ka bagama’t hindi ka pa naman nakapagsisimula sa iyong balakin.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ang mga bagay ay magiging maayos ngayon para sa iyo. Marami kang matatapos na proyekto.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Pakiramdam mo’y ikaw ay sinusubukan. Katulad sa paglilitis, kailangan mong idepensa ang iyong sarili.
Scorpio (Nov. 23-29) Bagama’t nahihirapan kang suungin ang mga pagsubok, huwag mawawalan ng pag-asa.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20)Maaaring mahirapan kang aminin na hindi lahat ay kaya mong tuparin.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Malapit nang magbunga ang iyong pagsisikap. Lalo kang sisipagin dahil dito.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Pakiramdam mo’y tungkulin mong pangalagaan ang lahat.
Pisces (March 11-April 18) Maraming mga oportunidad na darating, kaya maging bukas sa pagdating ng mga ito.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ang mga darating sa iyo ay hindi puro maganda. May darating ding mga pagsubok.