CASEY'S POINT OF VIEW
Maaga ako nagluto dahil papasok na ako sa opisina. Which na saaming dalawa ng asawa ko. Pero di nila alam na asawa ako ni Sky. Nagtra-trabaho ako sa kompanya namin bilang isang normal na empliyado lang. Kung tatanungin niyo man ako kung masakit?
Oo naman, pero sanay na akong masaktan diba?
Ayaw na ayaw ni Sky na sumasabay ako sakanya pagpasok. Dahil ayaw niya malaman ng mga katrabaho ko na asawa niya ako. Kinamumuhian niya ako diba?
Nawawalan daw siya ng gana. And deserve ko daw na hindi makilala bilang misis niya. Kaya lagi akong unang nagigising at naghahanda ng pagkain. Para hindi niya ako maabutan. And para na din makapasok ako ng maaga.
Pinapayagan naman niya ako magtrabaho dahil mas okay daw yon para mas mahirapan ako. Hirap na hirap na nga ako eh.
Pagtapos ko magluto. Kumuha lang ako ng tinapay. Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang mga gamit ko.
Oo, tama kayo. Hindi kami magkatabi. Ayaw niya kasi iyon. Nadidiri lang daw siya saakin. Malinis naman ako..pero bakit ganon?
Isinarado ko ang pinto ng aking kwarto. Napatingin ako sa pinto ng kwarto niya na katabi lang ng kwarto ko. Nagpabuntong-hininga ako.
Siguro tulog pa naman siya...
Puwede ko naman siya siguro tignan..
Kasi pag tulog lang siya saka lang ako nagkakaroon ng pagkakataong makita at mahawakan ang asawa ko...
Ramdam na ramdam ko na asawa niya ako pag tulog siya.
Kasi alam ko pagkagising niya, wala na naman.
Hindi na asawa ang turing niya.
Kundi isang hadlang sa buhay niya.
Dahan-dahan ko binuksan ang pintuan niya. Maingat ko itong ginawa upang hindi siya magising.
Kasi alam ko pag nagising ko siya at nakita niya akong hinahawakan siya baka hindi ako makapasok sa opisina dahil sa mga bugbog at sampal niya.
Tanga ko diba? Wala eh, kasi diba pagmahal mo titiisin mo lahat ng sakit?
Dahan-dahan ako lumapit sa mahimbing na natutulog na si Sky. Tumingin ako sakanya.
Mahimbing siyang natutulog.
Ma-amo ang kanyang mukha. Minsan ko lang nakikita na hindi nakakunot ang noo niya. Kasi lagi pag kauwi niya lagi nang nakakunot ang noo, o kung hindi man, sobrang cold naman.
Inayos ko ang kumot niya. Hinawakan ko ang kanyang mukha.
Sobrang lambot. Nagagawa ko lang ito kapag tulog siya.
Kapag hindi niya alam kasi tiyak kapag nalaman niya, hindi na niya ako hahayaan na makapasok dito at ilock na niyang tuluyan yung pintuan niya.
Kelan kaya kita mahahawakan at malalambing na gising ah?
Kelan Sky?
Pinunasan ko ang mga luha na nasa mata ko. Hinalikan ko siya sa noo ng dahan dahan.
"Sana mahalin mo ako, Sky" saad ko ng mahina. Sa totoo lang hindi naman saad lang yon eh. Meron ng pagmamakaawa.
Pagtapos kong gawin iyon, lumabas na ako ng kwarto niya at bumaba.
Inayos ko ang kanyang ka-kainin at lumabas na ng bahay. Naglakad na ako papuntang labas ng village upang sumakay ng jeep.
Yup, jeep kasi hindi niya ko hinahayaan gumamit ng sasakyan. Hindi raw sakin iyon.
Hindi pa ata ako nagpapakilala sainyo noh? Ako nga pala si Casey Ty-Fertilejo.
At asawa ko ang pinakasikat na si Sky Dan Fertilejo.
BINABASA MO ANG
I'm His Unwanted Wife (Completed)(Revising)
Teen Fiction'I'm His Unwanted Wife' Iyan ako. Yan ang aking papel sa buhay ng asawa ko. Hindi niya ako gusto... Kinamumuhian niya ako... Lahat gagawin niya....MASAKTAN LANG AKO. Oo, tama kayo masama siya. Kailangan ko na ba talagang sumuko? Kailangan ko na ba...